Imbis na magtungo sa hacienda ng mga Agravante ay minabuti kong magpuntasa Lawa ng Baino.May pakiramdam akong nandodoon siya.Abot-abot ang lakas ng tibok ng aking puso habang papalapit sa aming tagpuan.Natatandaan ko pa ang sinabi ni Javier Salvi noon na ako pa lamang ang dinala niya doon.Ang ibig sabibin lamang non ay ako ang pinakamahalaga para sa kaniya, sapagkat ibinahagi niya sa akin ang kaniyang nadiskubreng napakagandang lugar.
Kahit na nanghihina dahil sa paglalakad ay tiniis ko makarating lamang sa lawa.Kahit madilim ay natanaw ko ang isang pamilyar na likuran ng isang lalaki dahil sa ilaw na nagmumula sa lampara sa kaniyang tabi at sa liwanag ng buwan sa itaas.May kung anong natunawa sa aking puso.Tama nga ako, nandidito siya.Akma na akong maglalakad papalapit nang may naunang lumapit sa kaniyang babae.Hindi ako maaaring magkamali, si Greta ang babaeng iyon!Pinagmasdan ko lamang sila hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi.
Hanggang kailan ako masasaktan ng ganito?Ang aking mga paghakbang ay bumagal at halos ayaw ng lumapit pa.
"J-Javier..."
Napahinto sila at mukhang narinig ang aking pagtawag.Lumingon silang pareho.
"Rosalia?"patanong na tawag sa akin ni Greta.
Inabot ni Javier ang lampara sa kaniyang gilid at bahagyang lumapit.Mula sa ilaw ay kitang-kita ko ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon nang makita akong lumuluha, o dahil na rin baka sa akinh ayos at kasuotan.
"Dahil ba kay Greta kaya hindi ka dumating sa ating n-nakatakdang kasal?"tanong ko kay Javier habang ang mga mata ay nanatiling nasa kaniya.
"Anong inaasahan mong gagawin ko?Magpupunta doon?Rosalia, ilang ulit ko bang dapat sabihin sa'yo na mayroon na akong asawa!Hindi na kita maaaring pakasalan."
"Que te den!Nangako ka!Sinabi mong pakakasalan mo ako kaya naghintay ako!At ngayon ay dinala mo si Greta dito?Javier, m-mahal mo na ba siya?"
"Oo!Mahal ko na si Greta kaya tumigil ka na!"
Hindi ko na napigilang hindi mapahikbi.Kahit na anong gawin ko ay nasasaktan ako.Gusto ko lamang sumaya ngunit ipinagkait nila sa akin iyon!Kumuyom ang aking mga palad dahil sa matinding galit.Pinakatitigan ko si Javier Salvi.
"Pakatandaan mo ang aking mga sasabihin, sa'yong bawat pagpikit ay makikita mo ang aking mga matang lumuluha.Masasaktan ka kagaya ng ginawa mo sa akin!Binali mo ang iyong mga pangako at ang kapalit non ay isang matinding pagdurusang walang katapusan!Isinusumpa ko na kung gaano mo ako nasaktan ay siya ring mararamdaman ng bawat babaeng isisilang sa susunod na mga henerasyon ng inyong pamilya!Sa ngalan ng aking buhay ay magkakatotoo ang aking mga salita!Magsisisi ka, Javier Salvi!"
Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanilang dalawa bago sila tinalikuran.Walang kapatawaran ang kanilang ginawa sa akin.Hinding-hindi ko sila mapapatawad hanggang sa dulo ng aking buhay.
Dinala ako ng aking mga paa sa Parola.Halos hindi ko na maramdaman ang aking mga binti dahil sa pamamanhid dulot ng napakahabang paglalakakad.Tinungo ko ang daan patungo sa pintuan ng Parola ngunit kagaya ng dati ay nakasara iyon.Napayuko ako kasabay ng walang pag-apaw na pagbuhos ng luha sa aking mga mata.Hindi ko na kaya pang mabuhay pa kung puro sakit lamang din naman ang aking dadanasin.
Tinanaw ko ang puno ng Kalumpit at mula doon ay dumako ang aking tingin sa bangin.Marahas ang pagtunog ng humahampas na alon sa ibabang bahagi.Wala sa sariling naglakad ako patungo doon.Habang papalapit ay unti-unting lumalamig dulot ng paglakas ng hangin.
Nakarating ako sa dulo ng bangin at hindi ko na maaninagan ang ibabang bahagi.Walang ibang pumapasok sa aking isipan kundi ang tapusin na ang aking buhay.Kinamumuhian na ako ng lahat ng taong nakapaligid sa akin at wala na ring saysay ang aking buhay nang maikasal na ang aking minamahal.Isang hakbang na lamang at tiyak na malalaglag na ako sa malalim na karagatan.Walang makakaalam at walang makakakita sa aking katawan.Nakatitiyak na rin ako sa aking kamatayan sa sandaling mahulog ako sa bangin.
"Rosalia!"
Awtomatikong lumingon ako upang tingnan kung sino ang dumating.Nakakagulat man dahil si Javier iyon ngunit ni kaunting saya ay wala akong maramdaman.Tanging galit na lamang at pagkamuhi.Tuluyan na akong binalot ng kadiliman dahil sa sakit na ibinigay niya sa akin.Mag-isa lamang siya at hindi na kasama pa si Greta.
"Rosalia!Huwag mo ng ituloy ang iyong binabalak!Huwag mong tatangkaing magpakamatay!"aniya habang lumalapit sa akin ngunit wala na siyang magagawa pa dahil buo na ang aking desisyon.
Isang ngiti ang aking iginawad kay Javier bago tuluyang inihakbang paatras ang aking kaliwang paa.Nawalan ako ng balanse at tuluyan ng nahulog sa bangin.Dinig na dinig ko ang pagsigaw ni Javier sa aking pangalan.Ang aking mga luha ay sumasama sa hanging dumadampi sa aking balat.Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa naramdamang nahulog na ako ng tuluyan sa tubig.Hindi ko magawang maigalaw ang aking katawan upang umahon dahil alam kong ito na ang aking katapusan.Habang papalubog ako sa malalim na parte ng karagatan ay siya ring unti-unting pagpikit ng aking mga mata kasabay ng pagkaubos ng hangin sa aking baga.
Mawala man ako ngayon nang hindi nakakaganti sa mga taong nanakit sa akin, kahit kailan ay hindi sila matatahimik dahil sa aking pagkamatay, lalo na sa aking sumpang iginawad sa pamilya ng mga Agravante.
BINABASA MO ANG
Anathema of Rosalia Teresita
Historical FictionAgravante Legacy : Anathema of Rosalia Teresita Sa bayan ng San Agravante ay nakatira ang dalawang pinakamayaman at maimpluwensiyang mga pamilya, ang mga Hermedilla at Agravante. Si Rosalia Teresita Hermedilla ang nag-iisang anak ng Senyor Ernesto n...