Capitulo Treinta y Seis

28 2 0
                                    

Noong mga nakaraang buwan ay naging madalas ang pagdalaw sa akin ni Javier Salvi.Kung minsan ay nagtutungo pa siya dito sa mismong bahay ni Tiya Roma upang samahan ako at bantayan sa aking pagtulog sa tuwing natataong pagod ako at nandidito siya.

Isang malalim na pagbuga ng hangin ang aking pinakawalan.Halos nakakadalawang padala na ako ng liham sa kaniya simula noong hindi siya sumipot sa aming nakatakdang pagkikita.Ano naman kaya ang kaniyang pinagkakaabalahan ngayon?Gustuhin ko mang makaramdam ng pagtatampo ay pinigilan ko ang aking sarili dahil ayaw kong magkaroon kami ng diskusyon.Pilit kong inuunawa na baka abala siya sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.

"Senyorita?"

Nilingon ko ang nagsalita at nakitang si Jose iyon.Inabot niya sa akin ang isang sobre.

"Sulat mula sa iyong ama."aniya bago ako iwanang muli.

Binuksan ko ang sobre upang basahin ang nasa loob.Bukod sa pangungumusta ay wala ng nakalagay na iba pa doon.Dulot ng pagkabagot ay sinulatan ko si Papa pabalik at ipinahatid iyon kay Jose kasama ang ikatlo kong liham para kay Javier Salvi.

Dumaan ang mga araw, linggo at hanggang sa naging halos limang buwan na siyang hindi nagpaparamdam.Hindi ko na halos mabilang kung ilang liham na ang aking naipadala sa kaniya ngunit ni isa doon ay wala siyang sinagot pabalik.

Hindi ko na malaman ang aking iisipin kaya naman noong nagkaroon ng pansalamantalang bakasyon ay kaagad akong naghanda para sa aking pagbabalik sa Santa Agravante.Halong kaba at saya ang aking nararamdaman habang tinatahak ng sinasakyan kong karwahe ang daan papauwi.

Upang hindi magduda si Papa sa relasyon namin ni Javier ay minabuti kong magtungo muna sa lawa kung saan ako dinala ni Javier Salvi.Walang kaide-ideya si Papa na umalis ako sa Intramuros.Sinabi ko sa isa sa aking mga liham kay Javier na uuwi ako at didiretso dito sa aming tagpuan upang magkita.Mabuti at nasaulado ko pa rin ang daan patungo rito.

"Patawad sa aking pag-usisa ngunit sino ba ang iyong tatagpuin dito, Senyorita?"tanong ni Jose na siya ring nagpapatakbo ng sinasakyan namin.

Umiling ako at napabuntong hininga na lamang.Hindi ba binasa ni Javier Salvi ang aking mga sulat?Halos magdadalawang oras na kami doon ni Jose ngunit wala pa rin siya.

"Magtungo na tayo papunta sa hacienda.Pakatandaan mo Jose na wala kang dapat sabihin kay Papa tungkol sa lugar na ito dahil malalagot ka sa akin."

"Masusunod po, Senyorita."aniya.

Mabigat ang aking loob para sa aking kasintahan.Hindi ko na kaya ang kaniyang pangbabalewala sa akin.Sana ay naisip niya nasasaktan rin ako.

Nang makarating kami sa hacienda ay bumungad sa akin ang lugar na aking kinalakihan.Wala pa rin namang ipinagbago, kagaya pa rin iyon ng dati.Bumaba ako mula sa karwahe at doon ko natanaw sa entrada si Papa.Nakatayo sa kaniyang tabi si Dulce.Naglakad ako papalapit sa kanilang gawi.

"Hindi mo sinabing uuwi ka, Rosalia Teresita.Ano ang iyong pakay at napabalik ka dito sa San Agravante?"usisa ni Papa matapos kog makapagmano.

Hindi ko binigyang pansin ang babae sa kaniyang tabi.

"Bawal na ba akong magtungo dito?"

Napahilot siya sa kaniyang sintido..

"Mas lalo lamang lalala ang sitwasyon ngayong nandidito ka na!"

Napakunot ang aking noo dahil sa pagtataka.

"Bakit, Papa?Ano ang mayroon?Bakit ayaw mo akong nandidito sa hacienda?Dahil ba kay Dulce?"

"Walang kinalaman si Dulce dito."maagap na sagot niya kaya napaangat ang gilid ng aking labi.

"Kung ganoon ay wala naman palang problema.Magtutungo na ako sa aking silid sapagkat napagod ako aa mahabang byahe."paalam ko bago sila nilampasan doon.

Ganoon pa man ay hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Papa kanina.Ano ang lalalang sitwasyon?Namayani ang kuryosong pakiramdam sa akin ngunit hindi ko na inusisa pa.

Noong sumunod na araw ay nagpasya akong magtungo sa simbahan matapos kong dalawin ang puntod ni Mama at Dolores.Nagsindi ako ng kandila sa tapat ng kanilang mga lapida at dinalhan rin ng kanilang paboritong bulaklak.Isa iyon sa pinakabilin ko sa mga tauhan sa hacienda noong umalis ako, ang pangalagaan ang puntod nilang dalawa para sa akin.

Eksaktong papalabas ako ng simbahan nang may mamataan akong pamilyar na bulto ng katawan.Bumilis ang tibok ng aking puso kasabay ng pag-uumapaw na kasiyahan ng makita kong muli si Javier Salvi.Mag-isa lamang siya habang nakatayo hindi kalayuan sa akin.Wala akong inaksayang panahon at tinungo ang kaniyang direksyon.Niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran.Ramdam ko ang pagkabigla niya at ang paghawak sa aking mga braso upang tanggalin kaya minabuti ko ng magpakilala.

"A-ako ito, mahal ko."bulong ko.

Kahit na alam kong nakilala niya ang aking boses ay binaklas pa rin niya ang aking mga braso.Hinarap niya ako at doon ko nakita ang walang emosyon niyang mga mata.Inangat ko ang aking kamay upang haplusin ang kaniyang pisngi.

"Rosalia Teresita..."pagbigkas niya sa aking pangalan.

"Kay tagal kong nangulila sa'yo, Javier Salvi.Bakit hindi ka sumusulat sa akin?Hindi mo alam kung gaano ako kalungkot sa iyong hindi pagpaparamdam."

Inalis niya ang aking kamay at bahagyang lumayo.Naestatwa ako sa kaniyang ginawa.Walang kangiti-ngiti ang kaniyang mukha, ni hindi man lang nababaksan ng saya iyon.

"Hindi ka ba m-masayang makita ako?"

Sinubukan kong hawakan ang kaniyang mga kamay ngunit umiwas siya.

"Saka na lamang tayo mag-usap.May kailangan pa akong puntahan."paalam niya bago ako talikuran.

Tuluyan na akong walang nagawa nang makitang sumakay siya sa isang nakaparadang karwahe.Maski ang isang tingin pabalik ay hindi niya ginawa.Ano ang nangyayari sa kaniya?Bakit bigla siyang nagkaganoon?Tila tinutusok ng karayom ang aking puso habang tinatanaw siya paalis.

Anathema of Rosalia TeresitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon