Capitulo Veintiocho

16 3 0
                                    

"Batid kong nais mo ng tamang kasagutan, mahal ko.Wala akong naging kasintahan, ikaw ang aking unang babae sa aking buhay at magiging huli."

"Imposible 'yan!"maagap na pag-angal ko kaya bahagyang tumaas ang isa niyang kilay.

"Ano ang imposible sa aking sinabi?"

"Imposibleng wala ka pang nagiging kasintahan.Gwapo ka at mayaman, matalino rin at may matikas na pangangatawan kaya hindi ako naniniwalang wala pang nabibighani sa'yo."umiiling na wika ko.

Natawa siya ng mahina.Nag-iinit ang magkabila kong pisngi.

"At ano ang nakakatawa, Javier Salvi?"

Diniinan ko ang pagkakabanggit ko sa kaniyang pangalan.Huminto siya sa pagsasagwan at inabot ang aking kamay.

"Maraming nabibighani sa akin,  ngunit ni isa ay wala akong pinatulan dahil abala ako sa aking pag-aaral."

Umikot ang aking mga mata sa kaniyang sinabi.

"Ngunit may isang binibini ang nakaagaw ng aking atensyon.Nabighani ako sa kaniya noong una pa lamang kaming magkita ..."

Akma pa akong magsasalita nang ituloy niya ang kaniyang sinasabi.

"Ang pangalan niya ay Rosalia Teresita.Isang babaeng makita pa lamang ay tiyak na mahuhumaling na ang kahit sinong kalalakihan.Hahanga at maiinggit naman ang lahat ng kababaihan dahil nasa kaniya na ang lahat ng hinahanap.Hindi lamang maganda ang Senyorita ngunit matalino rin at napakabuti."

Hinalikan niya ang ibabaw ng aking mga palad.Bumibilis ang tibok ng aking puso dahil sa saya sa tuwing pinupuri niya ako at tinatawag na Senyorita.

"Mahal kita, Rosalia Teresita.Ikaw lamang ang babaeng pakamamahalin ko sa buong buhay ko.."

Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin hanggang sa naramdaman ko na lamang na magkalapat na ang aming mga labi.Ang aking kamay ay napahawak ng mahigpit sa kaniya.Sa bawat halik ni Javier ay mas lalo ko siyang minamahal, mas lalong lumalalalim ang pag-ibig ko para sa kaniya.

"Mahal na mahal rin kita, Javier Salvi.Wala akong ibang hangad kundi ikaw."

Hinaplos ko ang kaniyang pisngi.Hinalikan niya ang aking noo bago muling bumalik sa pagsasagwan.

"Bumibisita pa ba sa'yo si Atayde?"

"Hindi na, bakit mo naitanong?Nagkita na ba kayong muli?"

"Ang huli naming pagkikita ay noong nasa inyong hacienda kami.Sa pagkakaalam ko rin ay wala siya dito ngayon sa Nueva Valencia upang asikasuhin ang kanilang negosyo sa Buenavista."

"Huwag kang mag-alala, dahil kung sakaling magkatagpo ang aming landas ay iiwas ako upang hindi ka mabahala."

"Ayaw kong iwasan mo siya dahil may tiwala naman ako sa'yo, Rosalia.Hindi mo kailangang gawin iyon dahil baka mas lalo ka lamang lapitan ni Atayde.Kilala ko siya at hindi siya tumitigil hangga't hindi niya nalalaman ang katotohanan."

"Kung ano ang iyong nais ay siyang aking gagawin."wika ko.

Matapos ang aming pagtungo sa lawa ay inuuwi na rin ako ni Javier dahil hindi ako maaaring mahuli sa aking pag-aaral ng musika at instumento.Isang malalim na halik ang aming pinagsaluhan ni Javier bago ako tuluyang pumasok sa hacienda.Tahimik na tinungo ko ang daan patungo sa silid-aralan na tila walang nangyari at hindi ako umalis.

"Kasama mo bang muli kanina ang Senyorito?"tanong ni Dolores matapos ko siyang ipatawag sa isa sa nakasalubong na katulong.

Kaming dalawa na lamang ang nasa loob dahil tapos na ang klase para sa araw na iyon.

"Oo."

Nagsimula akong tumugtog gamit ang Arpa.Tanging ang tunog lamang ng mga kinakalabit kong kuwerdas ang maririnig.Sinenyasan ko si Dolores upang magsimula na siyang kumanta.Maganda ang boses niya at talaga namang napakasarap pakinggan.Nang matapos kumanta si Dolores ay huminto na rin ako sa pagtugtog.Magkakasunod ngunit mabagal na palakpak ang naging dahilan nang paglingon namin sa kabilang gilid ng silid-aralan.

"At ano ang iyong ginagawa dito?Wala kang karapatang pumasok sa aking silid-aralan."istriktang tanong ko kay Greta.

May hawak siyang libro na sa wari ko'y isa sa aking mga pagmamay-ari.Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo sa sahig.

"Pinapunta ako ng iyong Papa dito.Sa katunayan ay kanina pa ako, hindi n'yo lamang siguro ako napansin."aniya at tila hindi man lamang nasindak sa aking pagtaataas ng boses.

"Huminahon ka,  Rosalia."pagpapakalma sa akin ni Dolores.

"Lumabas ka!Ngayon din!"utos ko habang ang mata ay na kay Greta pa rin.

"May permiso ako galing sa'yong Papa kaya hindi kita susundin."

"Ako ang may-ari ng silid na ito kaya ang permiso ko ang pinakamahalaga.Umalis ka, bago pa kita ipakaladkad sa mga gwardya sa labas!"

Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago niya ibalik ang hawak na libro sa pinagkuhanan.Hinarap niya akong muli ngunit nandodoon na naman ang mapang-asar niyang ngiti.

"Nagkita pala kayong muli ng Agravante na 'yon?Nakakatuwa talagang pagmasdan ang inyong lihim na relasyon."aniya bago ako talikuran at maglakad papalabas ng silid.

"Ang babaeng 'yon!Ginagalit niyang talaga ako!Gusto ko siyang palayasin, Dolores!"

"Kung ganoon ay alam ni Greta ang tungkol sa relasyon n'yo ni Javier?"tanong niya kaya tumango ako.

"Noong nakaraan ay nakita niya kaming magkasama ni Javier.Hindi ko itinanggi ngunit hindi ko rin naman inamin sa kaniya."

"Tiyak na malaking gulo ito kapag nalaman ng Senyor.Nawa'y hindi ipagsabi ni Greta ang kaniyang nalalaman."nababahalang wika ni Dolores.

"Kapag ginawa iyon ni Greta ay hindi na ako magtitimpi pa sa kaniya.Magalit man sa akin si Papa ay ipaglalaban ko si Javier, kagaya ng paglaban niya sa pagmamahalan nila ni Dulce."

Anathema of Rosalia TeresitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon