"J-Javier, kaytagal kong nangulila sa'yo."
Bumitaw siya at hinaplos ang aking mukha.Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan ay nasilayan kong muli ang napakaganda niyang ngiti.
"Ganoon rin ako, mahal ko."
Inabot niya ang aking mga kamay ngunit napahinto rin nang makita ang hawak kong baril.Inagaw niya iyon sa akin.
"Bakit may dala kang ganito?!Rosalia?"tila puno ng pagtataka ang kaniyang boses.
"Para sa aking proteksiyon, natatakot akong baka m-mangyari rin sa akin ang dinanas ni Dolores."
Lumambot ang kaniyang ekspresyon at hinila ako upang yakapin.Pinatakan niya ng mararahang halik ang ibabaw ng aking ulo.
"Nabalitaan ko ang tungkol sa nangyari sa kaniya.Patawad kung dito pa ako nakipagkita sa'yo.Hindi ko hangad na mapahamak ka."
Nagsumiksik ako sa mga bisig ni Javier na tila isang sanggol.Sa piling niya ay panatag ako at hindi ko alam kung bakit.
"Walang problema, Javier Salvi.Nais kitang makita kaya kahit saan pang lugar iyon ay magtutungo ako.Handa akong gawin ang lahat para lamang magkapiling tayong muli."
Hinawakan niya ang aking kamay at inaya akong maglakad patungo sa puno ng Kalumpit sapagkat tuluyan ng isinara at ikinandado ang pintuan ng Parola.Naramdaman kong niyakap ako ni Javier mula sa aking likuran.Ang init ng kaniyang labi ay dumadampi sa aking leeg at batok.
"Alam na ni Papa ang tungkol sa atin."
Naramdaman kong napahinto siya.
"Ano ang kaniyang naging reaksiyon nang malaman niya?"
Hindi ako nakasagot at nanatiling malayo ang tingin sa kawalan.
"Rosalia?May nais ka bang sabihin sa akin?"
Hinarap ko siya at pinakatitigan.
"Ayaw ni Papa na makipagrelasyon ako sa kahit na sinong lalaki.Tutol siya sa namamagitan sa atin, Javier.Hindi ko na alam ang gagawin ko sapagkat nais din niyang magpunta muna ako sa bahay ng aking Tiya Roma at doon tumuloy."
Pinalis niya ang tumutulong luha sa aking mga mata at yumuko upang dampian ng halik ang aking noo.
"Makikipaghiwalay ka ba sa akin?"
"H-hindi!Bakit mo naisip iyan gayong handa akong ipaglaban ka sa kahit na anong bagay o sinuman na maghihiwalay sa ating dalawa?!"
"Patawad, mahal ko."
Ipinagdampi niya ang aming noo.Pumikit ako at dinama ang gagahiblang distansyang namamagitan sa amin.
"N-natatakot akong baka kapag napilit ako ni Papa na umalis ay m-makahanap ka ng iba."
"Hindi mangyayari iyan, sinisiguro ko.Malayo ka man ay hinding-hindi ako maghahanap ng iba.Ikaw lamang ang mahal ko, Rosalia."masuyong bulong niya bago pasadahan muli ng halik ang aking noo pababa sa ilong hanggang sa magdampi ang aming mga labi.
Kusang umangat ang aking mga kamay at humawak sa kaniyang balikat.Ang kaniyang mga braso ay pumulupot sa aking bewang upang mas lalo akong hapitin.Sa bawat hagod at dampi ng kaniyang labi ay mas lalo akong nananabik.Huminto rin siya matapos ang ilang segundo.Kapwa kami tila kinapos sa hangin nang maghiwalay ang aming mga labi.
"Hanggang kailan ka mananatili doon?"
"Hanggang sa matapos ko ang isang taon kong pag-aaral.Babalik ako sa sandaling magkaroon ng bakasyon.Matagal tayong magkakawalay, mahal ko.Batid kong ililipat ako ni Papa ng eskwelahan sapagkat ang bahay ni Tiya Roma ay sa Intramuros, Maynila."
"Huwag kang mangamba sapagkat handa akong maghintay hanggang sa makabalik kang muli.Ganoon pa man ay maaari tayong magkausap sa pamamagitan ng pagsulat ng liham at sa oras na malaman ko na ang iyong lugar doon ay magtutungo ako upang dalawin ka."
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
"Sa ipadadala kong sulat sa'yo ay ilalagay ko ang eksaktong lokasyon ng aking tutuluyan.Aasahan ko ang iyong mga sinabi."
Inaya niya akong maupo sa tabi ng puno upang mamahinga.Nakasandal si Javier Salvi sa katawan ng puno ng Kalumpit habang ako naman ay nasa pagitan ng kaniyang mga hita at nakasandal sa kaniyang matigas na dibdib.Ang kaniyang mga braso ay yumayakap sa akin.Kahit papano ay naiibsan ang lamig na aking nararamdaman.
"Hindi ko nais ipaalala ang bagay na ito sa'yo ngunit maaari ko bang malaman kung saan ka nagtungo noong kasal ng iyong ama?"
Natahimik ako ng ilang sandali dahil iniisip ko kung dapat ko bang sabihin sa kaniya kung sino talaga ang kasama ko sa mga oras na iyon.
"Nagtungo ako sa simbahan upang manalangin."
"Kung ganoon ay umuwi ka ba kaagad?"
"O-oo, nandoon ako sa aming mansyon, hindi lamang siguro napansin ng mga bantay na pumasok ako ngunit nandodoon lamang ako sa loob.Marahil ay nagkasalisi kami ni Dolores at i-iyon ang pinakapinagsisisihan ko."
Hinaplos niya ang aking kamay.Bagama't masama ang aking loob dahil sa ginawang pagsisinungaling ay hindi ko magawang aminin sa kaniya na na nagpalipas ako ng gabi sa bahay ng mga Magallanes.Baka kung ano ang isipin niya tungkol sa akin at ayaw kong mangyari iyon.
"Hindi mo dapat pagsisihan ang isang bagay na hindi mo naman ginustong mangyari."marahan ang kaniyang boses habang sinasabi iyon na mas lalong nakapagpadagdag sa konsensyang aking nararamdaman.Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpatianod na sa antok na dumadalaw.
Naramdaman kong may dumadampi sa aking pisngi dahilan upang magmulat ako.Isang ngiti ang isinalubong sa akin ni Javier.
"Hindi ko man nais na maistorbo ang iyong mahimbing na pagtulog ngunit kailangan mo ng umuwi sapagkat malapit ng sumikat ang araw."
Nilingon ko ang silangan at nakitang halos nagliliwanag na iyon gayon pa man ay madilim pa rin sa buong paligid.Inalalayan akong makatayo ni Javier ngunit yumuko rin ako upang abutin ang nasa lapag na baril.
"Kailangan mo ba talagang dalhin iyan pabalik?Baka aksidente mo iyan na maiputok."nag-aalalang wika niya.
"Baril ito ng isa sa mga gwardya at may simbulo ito ng aming apelyido.Sa sandaling mawala ito ay tiyak na malalagot ang nagmay-ari ng baril."
Kahit papaano ay may awa pa rin naman ako sa mga gwardyang nagbabantay.Laking pasasalamat kong nasaktuhan kong natutulog sila noong umalis ako sa hacienda.Inabot ko ang pisngi ni Javier Salvi bago tumingkayad at patakan ng halik ang kaniyang labi.
"Paalam, mahal ko."wika ko bago siya talikuran.
Masakit man sa akin ang umalis ngunit alam kong hindi ito ang huli naming pagkikita.
"Rosalia!"
Hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag na ako ni Javier.Nilingon ko siya at nakita kong tinakbo niya ang aming distansiya.Pagkalapit na pagkalapit niya ay kaagad niyang siniil ng halik ang aking mga labi.Napapapikit na lamang ako at dinama ng tuluyan ang kaniyang mga halik.
"J-Javier..."tawag ko ng bumitaw siya.
"Sa susunod na taon, sa ika-sampung araw ng Oktubre ay pakakasalan kita, Rosalia Teresita."
Nangingilid ang luha na napangiti ako.Naghahalo-halo ang emosyon sa akin ngunit mas nangingibabaw ang kasiyahan.
"I-ipangako mong tutupad ka at hihintayin mo ako."naluluhang pagkukumpirma ko.
"Ipinapangako ko."
BINABASA MO ANG
Anathema of Rosalia Teresita
Historical FictionAgravante Legacy : Anathema of Rosalia Teresita Sa bayan ng San Agravante ay nakatira ang dalawang pinakamayaman at maimpluwensiyang mga pamilya, ang mga Hermedilla at Agravante. Si Rosalia Teresita Hermedilla ang nag-iisang anak ng Senyor Ernesto n...