Capitulo Veintiuno

15 3 0
                                    

"Sa palagay mo, sino kaya ang bisita ni Papa?"tanong ko kay Dolores matapos niyang suklayin ang aking mahabang buhok.

Idinampi ko ang aking daliri sa ibabaw ng kulay berdeng dyamante sa gitna ng aking suot na kwintas.

"Wala akong ideya, Rosalia, ngunit baka importanteng panauhin ang mga dadating kaya ka niya pinagbihis ng magara."

Tumayo na ako at inaya na siya papalabas.Pagkarating sa silid-kainan ay natanaw kong puno ng masasarap na pagkain ang hapag.Siguro ay isa sa mga mayayamang kaibigan ni Papa ang dadalo.Wala naman siyang kapatid at ang mga Tiyahin ko naman mula sa aking ina ay nasa ibang bansa at doon naninirahan.

Natanawan ko si Papa na nakatayo sa gilid habang panay ang utos sa mga katulong.Bumitaw muna ako kay Dolores bago lumapit kay Papa.Kagaya ng nakagawian ay nagmano ako sa kaniya.

"Oh, hija, napakaganda mo.Kamukhang-kamukha mo talaga si Gracia."nakangiting papuri ng aking ama.

Noong una ay hindi pa ako kaagad nakabawi dahil sa pagkamanghang maganda ang kaniyang awra.Tila masayang-masaya siya.

"Salamat Papa, ngunit maaari ko bang malaman kung sino ang ating bisita?Mukhang sobrang importante niya para magpahanda ka ng ganito karaming mga pagkain."

Hinaplos niya ang aking buhok.

"Maya-maya ay parating na rin sila.Sumama ka muna at makipagkwentuhan kay Dolores."

Nakangiti akong tumango.

"Maaari po ba siyang sumama mamaya sa atin sa pagkain ng hapunan?"

"Kung ano ang iyong gusto ay siyang masusunod.Maupo na kayo ni Dolores sa mga bakanteng silya dahil ilang minuto ay dadating na sila."

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.Kahit papano ay mayroon akong makakausap mamaya.Nilapitan ko si Dolores at hinila siya patungo sa hapag.Mabuti at kahit papano'y presentable ang kaniyang ayos.Kahit wala siyang kung anong suot na alahas bukod sa kaniyang dalawang pirasong hikaw ay lumalabas pa rin ang kaniyang kagandahan.

"Senyorita, baka mapagalitan ako ng Senyor kapag naupo ako dyan.Alam mo namang bawal akong makisali lalo na at tungkol ito sa inyong pamilya."wika ni Dolores at tila kinakabahan pa.

"Pumayag na si Papa, ipinagpaalam kita kung maaari mo ba kaming saluhan at hindi naman siya tumanggi."

Sa huli ay wala na rin siyang nagawa lalo na nang makaupo na siya sa aking tabi.Lumabas muna si Papa upang salubungin ang mga darating.

"Mukhang masayang-masaya ang Senyor.Ang daming nakalatag na pagkain at kanina pa ako natatakam."

Natawa ako ng mahina kay Dolores.Kahit ako'y hindi ko mapigilang hindi maging masaya dahil batid kong tunay ang kaligayahan ng aking ama.Kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata noong kausap ko siya kanina.

"Huwag kang mag-alala.Malapit na rin naman siguro ang mga iyon."

Napahinto kami sa pagkukwentuhan nang makitang may pumasok.Tumayo ako kasabay ng pagkapawi ng aking ngiti.Napako ang aking mga mata sa dalawang babaeng kasama ni Papa.Si Dulce iyon at ang isang dalagang wari ko'y kasing edad ko lamang.

"Senyorita, marahil ay siya si Greta."dinig kong bulong ni Dolores.

Ang aking mga titig ay unti-unting tumatalim.Binalingan ko si Papa pagkalapit nila.

"Hindi mo sinabi sa aking hindi naman pala ganoon kaimportante ang mga tinatawag mong bisita, Papa."wika ko.

"Inimbitahan ko si Dulce at Greta dahil may mahalaga akong sasabihin."aniya.

Ngumisi ako ng makitang palihim niya akong sinesenyasan na tila ayusin ko ang pagkilos ko.Dumako ang tingin ko sa mag-ina.Ngumiti sa akin si Dulce habang si Greta naman ay walang reaksiyon.

"Magandang gabi, Rosalia.Ipagpaumanhin mo kung nagtungo kami dito ng aking anak ng walang permiso mula sa'yo."wika ni Dulce.

At ano sa tingin niya ang kaniyang ginagawa?Mas lalo lamang siyang nagpapaawa sa harap ni Papa.Hindi ako makapaniwalang nabihag niya ang aking ama gayong wala namang kakaiba sa kaniya.Pinasadahan ko sila ng tingin at nakitang nakasuot ng mamahaling mga damit.Mayroon ding suot na gintong kwintas si Dulce.Sa hula ko ay nagmula sa pera ni Papa ang kanilang mga ipinambili doon.

"Walang maganda sa gabi lalo na kung kayo ang bubungad.Nakakawalang gana, sa totoo lang."

"Rosalia!Hindi kita pinalaking bastos!Kumilos ka ng may pinag-aralan.Itrato mo ng maayos si Dulce at Greta!"sigaw ng aking ama dahil sa galit.

Sa hinala ko ay kung malapit lamang ako sa kaniya ay napagbuhatan na naman niya ako ng kamay.Pilit siyang pinapakalma ni Dulce.

"At kung ganiyan lamang din ang iyong pakikitungo ay mas mabuti pang bumalik ka na sa iyong silid!"

Hindi ako nagsalita at nakatitig lamang din sa kanila.

"Dolores!"tawag ng aking ama.

"Bakit po, Senyor?"

"Ihatid mo na ang iyong Senyorita sa kaniyang silid at doon mo siya dalhan ng pagkain."

"Subalit hindi mo na kailangang gawin iyon, Ernesto.Pasensya na kung dahil sa amin ay nagkaaway pa kayong muli ni Rosalia."

"Wala kang karapatang banggitin ang aking pangalan.Isa ka lamang dukha kaya gumalang ka, Senyorita Rosalia Teresita ang itawag mo sa akin."matigas na wika ko.

Kita ko ang pag-awang ng labi ni Greta at pinukol din ako ng masamang tingin.

"S-sige, pasensya na, Senyorita Ro-"

"Huwag mong gawin, Mama.Huwag kang magpakababa para lamang sa isang mayamang babae na edukado, ngunit napakasama naman ng ugali.Ang mga taong kagaya niya ay hindi na dapat iginagalang kahit na gaano pa kataas ang antas ng kaniyang pinagmulang pamilya."pagputol ni Greta sa sinasabi ng kaniyang ina.

Natawa ako ng mahina.Kung ganoon ay may ibubuga rin pala itong anak niya.Ngumisi ako at ipinagkrus ang aking mga braso.

"Baka nakakalimutan mong nasa loob ka ng aming mansion."

"Hindi ko nakakalimutan, Rosalia Teresita, ngunit sana ay alam mo ring may relasyon ang aking ina at ang iyong ama kaya naman igalang mo rin siya."diniinan pa niya ang pagbanggit sa aking pangalan upang mas inisin ako.

"Huwag mo akong utusan sa loob ng pamamahay ko, dukha."

"Rosalia!Tumigil ka na!Hindi ko na maaatim ang iyong kabastusan kay Dulce at Greta!"sigaw na naman ni Papa.

Hindi ko inalintana ang kaniyang sinabi at ngumiti na lamang sa mag-ina na puno ng sarkasmo.Taas noong naglakad ako papalabas sa silid-kainan at iniwan na sila doon.

Anathema of Rosalia TeresitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon