Hindi ko man ipinahahalata ay labis-labis ang aking kabang nararamdaman.Tikom ang aking labi.Palihim akong nginisihan ni Greta bago harapin ang aking ama.
"Wala po, maaaring nagkamali lamang ako ng tingin.Hindi si Rosalia Teresita ang aking nakita dahil buong araw siyang nasa kaniyang silid."
Isang makahulugang tingin ang ipinukol sa akin ni Greta bago nagpaalam sa aking ama at umalis na.Naupo akong muli at ipinagpatuloy ang aking pagkain.
Bakit niya naman kaya ginawa iyon?Hindi porke pinagtakpan niya ang aking sikreto ay magiging maayos na ang pakikitungo ko sa kaniya.
"Rosalia, anak..."
Hindi ko nilingon si Papa ngunit batid kong naglalakad siya papalapit sa akin.Naupo siya sa aking tapat.
"Kay tagal mo na akong hindi kinakausap.Hanggang ngayon ba ay masama pa rin ang iyong loob?"
Kahit gusto ko siyang sagutin ay pinigilan ko ang aking sarili.Dahil kagaya nga ng sinabi niya noon ay wala na rin namang mababago sa desisyon niya kaya para saan pa ang pakikipagdebate ko?
"Simula ngayon ay dito na maninirahan sina Dulce at Greta.Maaari mong tawaging Mama si Dulce at ituring naman na nakatatandang kapatid si Greta dahil mas matanda siya ng isang taon sa'yo."
Himigpit ang hawak ko sa kubyertos ngunit walang ingay na ibinaba ko iyon sa ibabaw ng aking plato.Kahit kailan ay hindi ko ituturing na kapamilya ang mga dukhang iyon.Isang malamig na titig ang iginawad ko kay Papa bago tumayo at walang paalam na umalis doon.Patawad Papa, ngunit ikaw rin ang dahilan kung bakit naging ganito ang pakikitungo ko sa'yo.
Ilang araw lamang ang lumipas at kumalat na nga ang tungkol sa pagpapakasal muli ng aking ama.Ang ilang mga kaibigan ng aming pamilya ay nagsipagdatingan sa hacienda ngunit ni isang beses ay hindi ako nakisali sa kanilang pagpupulong.Wala akong balak na pag-usapan ang tungkol sa kahit anong balita tungkol kay Papa at Dulce.
Habang nasa labas ng bintana ng aking silid ay natanaw ko si Greta na kausap ang ilang tauhan sa hacienda.Kitang-kita ko mula dito kung papaano sila magtawanan.Marunong siyang makisama sa mga kauri niya.Nakaagaw ng pansin ko ang kaniyang kasuotan na sa wari ko'y mula sa pera ng aking ama ang ipinambili.
Maya-maya pa ay dumating sina Papa at Dulce.Lumapit sila sa direksyon nina Greta.Tila may kung anong tumarak sa aking puso nang makita kung gaano kasaya si Papa.Bakit hindi siya nakuntento sa mga alaala ni Mama?Bakit kailangan niya pang mahulog muli at umibig sa iba?
Kung ako nasa kaniyang sitwasyon ay hinding-hindi ako magpapakasal muli.Ang aking buong buhay at puso ay iaalay ko sa nag-iisang lalaking pinakamamahal ko at iyon ay si Javier Salvi.Mauna man ang sino sa amin sa takdang panahon ay hinding-hindi ako maghahanap ng iba.Mas pipiliin kong alalahanin ang mga masasayang tagpo ng aming pagsasama.
"Nakatanggap ba ang iyong pamilya ng imbitasyon para sa kasal ni Papa?"tanong ko kay Javier Salvi.
Nagkataong wala si Papa sa mansyon nang palihim akong ayain ni Javier na samahan siya upang magpunta sa kung saan.Gamit ang kabayo niyang dala ay sumakay kami doon paalis sa hacienda.
"Oo, magpupunta kami nina Papa at Mama.Bakit?Ayaw mo bang magtungo kami?"
Nilingon ko siya kahit na nahihirapan dahil sa suot na malaki at malapad na sumbrero, mayroon ding nakabalot na balabal sa akin upang hindi kami makilala.Si Javier ay nakasuot ng ordinaryong mga damit ngunit agaw pansin pa rin naman dahil sa kaniyang hitsura.Laking pasasalamat ko na lamang ng makitang ang tinatahak naming daan ay palayo sa San Agravante.
"Hindi naman sa ayaw.Maaari kayong magpunta, ngunit huwag mo ng asahang makikita mo ako dahil buong araw akong magkukulong sa aking kwarto."
"Kung ganoon ay hindi na lamang ako sasama kayna Mama at Papa.Kagaya ng ating ginagawa noon at ngayon ay palihim tayong aalis ng magkasama."
Natanaw ko ang lawa na halos mabalutan na ng mga Baino.Huminto sa paglalakad ang kabayo at bumaba si Javier.Inalalayan niya akong makababa.
"Maaari mo ng alisin ang iyong balabal at sumbrero.Walang nagpupunta dito, ako pa lamang ang nakakadiskubre sa lugar na ito."aniya na ikinamangha ko.
Inalis ko ang aking suot na sumbrero at balabal.Dulot ng pagdaan ng hangin ay nalipad ang ilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking mukha.
"Ano ang iyong sagot sa aking suhestyon?Sasama ka ba sa akin sa araw ng kasal ng iyong Papa?"
Nag-angat ako ng mukha at sinalubong ang titig ni Javier.
"Patawad, ngunit hindi ako maaaring sumama.Kapag wala ka doon ay maghihinala si Papa na magkasama tayo.Lalo na at dadalo ang iyong Mama at Papa.Tiyak na hahanapin ka niya at tutunguhin niya ang aking silid upang tingnan kung nandoon ako."paliwanag ko.
Inabot ko ang kaniyang kamay at hinawakan iyon.
"Naiintindihan ko, mahal ko.Huwag kang mag-alala dahil kagaya ng iyong nais ay walang makaaalam ng ating relasyon.Hindi tayo maghihiwalay, walang kung sino ang makakapaglayo sa atin sa isa't isa."
Kusang sumilay ang aking ngiti sa kaniyang sinabi.Napakasarap pakinggan ng kaniyang mga pangako.Inaya niya akong magtungo sa tabi ng lawa.
"Ano ang ipinangalan mo sa lawang ito?"usisa ko.
"Lawa ng Baino, dahil napapalibutan ang ibabaw ng tubig ng mga iyon.Konektado ito sa lawa ng Santo Cristo.Ganoon pa man ay napapagitnaan ito ng bayan ng Nueva Valencia at bayan ng Agapito."
"Kung ganoon ay malayo-layo ito sa San Agravante?"
Tumango siya.
Inilibot ko ang aking mga mata at nakitang may bangka sa isang tabi.Nang malingunan kong muli si Javier ay nasa akin na ang kaniyang tingin.
"Gusto mo bang sumakay sa bangka?"
"Oo sana, kung maaari."nakangiting pag-amin ko.
Naglakad kami patungo doon.Marahan niya akong inalalayan sa pagsakay sa bangka bago siya sumunod sa akin ng makaupo na ako.Inabot niya ang isang kahoy at nag-umpisa ng magsagwan.
"Ang ganda ng paligid."papuri ko habang ang mata ay nakatuon sa mga bulaklak ng Baino.
"Ngunit mas higit na maganda ang Senyorita na nasa aking harapan."
Mas lalo akong napangiti sa sinabi ni Javier.
"Nais ko lamang itanong kung may..."
Hindi ko maituloy ang aking sasabihin at sa halip ay tinitigan na lamang siya.
"Ano 'yon, Rosalia?"
"Kung mayroon ka na bang ibang babae na dinala rito?"
Nakahinga ako ng maluwag nang umiling siya.
"Ikaw lamang ang una at ang huli.Maaari mong sabihin sa akin kung gusto mong magtungo dito upang masamahan kita."
"M-may isa pa akong katanungan...."
Hindi ko talaga mapigilang mag-usisa kay Javier dahil kuryoso ako sa kaniyang buhay.
"Sige lamang, magtanong ka at sasagutin ko."
Huminga ako ng malalim bago siya pakatitigan.
"Ilan na ang iyong naging nobya?"
BINABASA MO ANG
Anathema of Rosalia Teresita
Historical FictionAgravante Legacy : Anathema of Rosalia Teresita Sa bayan ng San Agravante ay nakatira ang dalawang pinakamayaman at maimpluwensiyang mga pamilya, ang mga Hermedilla at Agravante. Si Rosalia Teresita Hermedilla ang nag-iisang anak ng Senyor Ernesto n...