"Hindi ka ba talaga magpupunta bukas sa kasal?"tanong ni Dolores.
"Ika-walong tanong mo na iyan sa akin at mananatili pa rin ang aking sagot na hindi."mariing sagot ko.
"Ngunit papaano kung pilitin ka ng iyong ama?"
"Hindi niya ako mapipilit, Dolores.Ipakaladkad man niya ako papunta doon ay tatakas at tatakas ako upang umalis."
Dinig kong bumuntong hininga siya.
"Kung ganoon ay hindi na lamang din ako magpupunta.Sasamahan na lamang kita dito."
Isang mumunting ngiti ang iginawad ko sa kaniya dahil sa narinig.Para ko na talaga siyang kapatid kong ituring at ganoon rin siya sa akin.
Hinaplos ko ang katawan ni Amsterdam habang abala naman si Dolores sa pagpapakain sa kaniya.Napahinto kami sa ginagawa nang makarinig ng tunog ng padating na kalesa.Nagkatinginan kami ni Dolores bago lumabas ng kwadra at tingnan kung anong nangyayari.
"Bumalik na ang Senyor Ernesto."wika ni Dolores habang nakatanaw kami sa kalesang papasok sa entrada ng aming hacienda.
Alam kong sa loob ng kalesang iyon ay nakasakay din si Dulce.Isang himala dahil hindi ko pa muling nakikita si Greta.Sana nga ay lumayas na siya at huwag ng magpakita pa.Ngunit batid kong nandito pa rin siya sa hacienda at tahimik na nagmamasid sa aking kilos.Naghahanap ng impormasyon bilang panakot sa akin.
Buong araw ay abala ang lahat sa pag-aayos para sa kasal ni Papa.Nanatili ako sa itaas ng aking kwarto habang si Dolores ay nasa ibaba at abala sa pag-aaral niya ng Wikang Latin.Hindi na ako sumama dahil mas nais kong mapag-isa ngayon.Hangga't maaari ay ayaw kong may kakausap sa akin dahil mas gusto ko munang manahimik.
Nakayakap ako sa aking magkabilang tuhod habang nakaupo sa barandilya.Isang maling galaw ko lamang ay tiyak na mamamatay ako kapag bumagsak ako sa ibabang bahagi.Napalingon ako sa loob ng makarinig ng pagkatok.Ikinandado ko iyon ngunit nang magbukas ay alam ko ng si Papa ang bumisita sa akin.
Nanatili ako sa aking pwesto at ibinaling na lamang sa itaas ang aking tingin.Maganda ang sikat ng araw ngunit ipinapanalangin kong sana'y umulan ng malakas bukas para hindi matuloy ang kanilang kasal, o kung matuloy man ay masisira pa rin dahil sa malakas na pag-ulan.
"Rosalia Teresita..."
Napabalik ang tingin ko sa nakabukas na bintana ng marinig na hindi iyon boses ni Papa.Nakita ko si Dulce na papalapit sa akin.Ngumiti siya at bakas ang pagiging mahinhin sa pagkilos.
"Huwag mo ng tangkain pang kausapin ako dahil baka makapagbitaw lamang ako ng nga salitang tiyak na hindi mo gugustuhing marinig."
Pinasadahan ko siya ng tingin.Isang simpleng bestida lamang ang kaniyang suot ngunit halatang mamahalin iyon.Wala ni isang alahas ang nakakabit sa kaniyang leeg at tainga.Lihim akong napailing.Batid kong sa una lamang siya magiging ganito kasimple.Kapag napakasalan na siya ng aking ama ay tiyak na mababalutan na ng alahas ang kaniyang buong katawan.
"Gusto ko lamang sabihin na hindi ko gustong masira ang relasyon mo at ng iyong ama."
Natawa ako ng mahina.
"Hindi mo gusto?Talaga?Kung totoong nagsasabi ka ng katotohanan ay bakit hindi ka umurong sa kasal?May pagkakataon ka pa, Dulce.Malay mo at baka mas matuwa pa ako sa'yo."
Natahimik siya.
"Patawad ngunit hindi ko magagawa iyan."
"Kung ganoon ay huwag ka ng humingi ng tawad sa akin dahil hindi kita mapapatawad!"
"Rosalia-"
"Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa'yo na Senyorita Rosalia Teresita ang itawag mo sa akin?Hindi ko malaman kung bakit napaibig mo ang aking ama gayong isang simpleng bagay ay hindi mo maintindihan!"
"P-patawad, Senyorita Rosalia Teresita."nakayukong sabi niya.
Bumaba ako sa aking pagkakaupo.
"At ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga taong walang pakundangang nagpupunta sa aking silid.Sino ka sa tingin mo para magtungo dito at kausapin ako?"
Hindi siya nakapagsalita at nanatiling nakayuko.Kahit na ganoon ay nasilip kong tahimik siyang lumuluha.Walang nakakaiyak sa aking mga sinasabi ngunit kung natatamaan siya ay tama lamang iyon.Gusto ko siyang magdusa.Harapin niya ang resulta ng pang-aakit niya kay Papa.Kung gaano siya kasaya sa piling ng aking ama ay tiyak na tutumbasan ko iyon ng paghihirap.
"Lumabas ka na at huwag na muling magpapakita sa akin!"
Laylay ang magkabilang balikat na sinunod niya ang aking utos.Sumunod pa ako upang muling ikandado ang pintuan doon.Nakaiinis ang kanilang mga pag-arte!Sinisira na nga ni Greta ang aking araw ay ganoon pa rin ang ginagawa ni Dulce!
Kinagabihan ay may ipinadalang napakagandang saya ang aking Papa.Ibinilin niya sa katulong na iyon ang ipasuot sa akin bukas.Para namang magtutungo ako.
"Itapon mo na 'yan."utos ko bago pinagsarahan ng pintuan ang katulong.
Tinungo ko ang maliit na mesa at binuhay ang kandila sa tabi non.Kaagad na umalingasaw ang mabangong amoy na nagmumula sa nakasinding kandila.Dinig na dinig ko ang malalakas na hiyawan at tawanan sa ibaba.Ang buong paligid ng mansyon ay halos mapalibutan na ng mga bisita.Hindi ko alam kung nasa labas ba sina Javier at ang kaniyang pamilya.
Nakaramdam ako ng kuryoso kaya naman palihim akong dumungaw mula sa teresa ng aking silid.Iginala ko ang tingin sa mga bisita ngunit nabigo akong hanapin doon ang pamilya Agravante.Marahil ay bukas pa sila magtutungo dito.Nahagip ng mata ko si Atayde at nakitang kausap niya si Dolores.Nakangiti sila sa isa't isa.Masasabi kong bagay naman siang dalawa kung sakali mang magkaroon sila ng relasyon.
Napadako ang tingin ko sa mga tumutugtog nang biglang naiba ang tunog non.Mabagal ang bawat ritmo at tila pang sayaw na.Pait at sakit ang bumalot sa aking pagkatao nang makita kong inaya ni Papa si Dulce na magsayaw.Ang atensyon ng lahat ay nasa kanila ng dalawa at halos karamihan doon ay nakangiti, ang ilan ay hindi matigil sa pagpalakpak.
Napakasakit sa pakiramdam dahil nakita ko na rin noon ang ganoong eksena.Ang pagkakaiba nga lamang ay si Mama ang kasayaw niya at hindi si Dulce.
BINABASA MO ANG
Anathema of Rosalia Teresita
Fiction HistoriqueAgravante Legacy : Anathema of Rosalia Teresita Sa bayan ng San Agravante ay nakatira ang dalawang pinakamayaman at maimpluwensiyang mga pamilya, ang mga Hermedilla at Agravante. Si Rosalia Teresita Hermedilla ang nag-iisang anak ng Senyor Ernesto n...