"Nakakahiya ang iyong ginawa, Senyorita!"pabulong na sabi sa akin ni Dolores habang nagmamadali kaming lumabas.
Tapos na ang misa at labis-labis na ang kahihiyang nararamdaman ko.
"Alam ko Dolores.Hindi ko naman ginusto iyon!Sadyang nagulat lamang ako dahil may tumusok sa aking binti."
"Rosalia..."
Hindi pa man kami gaanong nakakalayo sa pintuan ng simbahan nang may tumawag sa akin.Napako ako sa aking kinatayuan.
"Si Senyorito Javier ang tumawag sa'yo!"wika ni Dolores.
Inayos ko muna ang aking postura at ekspresyon bago sila harapin.Katabi niya ang kaniyang Mama at Papa.
"Magandang umaga, Senyor, Senyora at Javier Salvi."pormal na bati ko at binigyan sila ng isang napakagandang ngiti.
Kita ko ang pagngisi ni Javier sa akin kaya mabilis kong inilipat ang aking tingin sa kaniyang mga magulang.Sana naman ay hindi nila narinig ang isinigaw ko kanina o 'di kaya ay makalimutan na sana nila ang nangyari.
"Magandang umaga rin, Rosalia."mariing bati ng Senyora.
Pansin ko ang pagtitig nila kay Dolores kaya naman nilingon ko rin siya.Ang kaniyang mga mata ngayon ay tila hindi nababakasan ng emosyon.
"Siya ang aking matalik na kaibigan, si Dolores."pagpapakilala ko.
"Kumusta ka, Dolores?"nakangiting bati ng Senyor Glorioso sa kaniya.
Sumilay ang isang ngiti sa labi ng aking katabi.
"Maayos naman po, Senyor."
Hindi ko malaman ngunit tila may lihim na pag-uusap sina Senyor, Senyora at Dolores sa kanilang mga mata.
"Kung ganoon ay sa mga Hermedilla ka pala naninilbihan?"usisa ng Senyora.
Bago pa makasagot si Dolores ay ako na ang nagsalita.
"Hindi siya naninilbihan sa amin, kinupkop siya ng aking yumaong ina kaya para ko na rin siyang kapatid.Gayon pa man ay may gusto akong itanong, magkakilala po ba kayo?"
Ngumiti ang ginang sa akin bago marahang tumango.
"Ang kaniyang ina ay isa sa mga naging kasambahay namin noon.Simula noong umalis sila ay wala na kaming naging balita.Bata pa siya noon at marahil ay hindi niya na masyadong natatandaan ang nangyari."
Umawang ang aking labi.Kung ganoon ay kilala nila ang mga magulang ni Dolores?
"Dolores, kilala nila ang iyong pamilya."bakas ang saya sa aking boses ngunit nang malingunan ko siya ay nakita ko kung gaano siya kalungkot.
"Ipagpatawad n'yo, Senyorita, ngunit aalis na muna ako.Doon muna ako sa loob ng karwahe."paalam niya bago naglakad palayo.
Nakasunod lamang ako sa kaniya ng tingin dahil tila may problema siya.
"Manang-mana sa kaniyang ina.Bastos at walang modo!Ni hindi man lang nagpaalam ng maayos."
Naagaw ang atensyon ko sa sinabi ng Senyora Guadalupe.Awtomatikong napalitan ang kaniyang ismir ng pagngiti nang makitang nakatitig ako sa kaniya.
"May alam po ba kayo kung nasaan ang ama ni Dolores?"pagbabaka sakali ko.
"Tama na ang pag-uusap tungkol sa dalagang iyon.Ipagpaumanhin mo Rosalia, ngunit baka nagkamali lamang kami.Baka napagkamalan lamang namin si Dolores na anak ng aming dating kasambahay."paliwanag ng Senyor kaya kahit gusto ko pang magtanong ay tumango na lamang ako.
Labis na nakapagtataka ang kanilang ikinikilos.Tila balisa ang Senyor na nagpaalam, kasunod ang kaniyang asawa.Naiwan kami ni Javier doon.
"Aalis na rin ako."paalam ko ngunit mabilis ang kaniyang naging kilos at humarang sa aking daan.
"Hindi ko aakalaing makakapagsabi ka ng ipinagbabawal na salita sa mismong loob ng simbahan."
Nanlaki ang aking mga mata.
"Hindi ko naman iyon nais na isigaw.Talagang nagulat lamang ako."depensa ko.
Tumango-tango siya at tila naniniwala sa aking sinabi ngunit naroon pa rin naman ang ngisi sa kaniyang labi.
"Siya nga pala, may ibabalik ako sa'yo.Magkita tayo bukas ng tanghali sa Parola."
Umangat ang isa niyang kilay.
"Sa Parola?Ngunit bakit naman ako magpupunta?At ano ang iyong ibabalik sa akin?Papano kung isa lamang iyon sa'yong mga patibong?Papuntahin mo ako ngunit hindi ka darating, tama ba?"pang-aakusa niya kaya halos umikot ang aking mga mata.
"Huwag masyadong malawak ang iyong imahinasyon.Magpupunta ako at hindi kita paghihintayin.Bukas ng tanghali sa Parola, nagkakaintindihan ba tayo?"
Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ko pa makuha ang sagot mula sa kaniya.
"Sige, hihintayin kita.Mag-iingat ka sa pag-uwi, Rosalia Teresita."
Nginitian ko na lamang siya bago lampasan at magtungo sa karwahe.Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng aking saya.Gusto ko lamang namang ibalik ang kaniyang panyo ngunit bakit hindi ko pa ginawa ngayon?
Napalis ang aking ngiti nang bumukas ang pintuan ng karwahe at bumungad sa akin ang mumunting paghikbi ni Dolores.Kaagad akong pumasok sa loob.
"Dolores?Umiiyak ka ba?"nag-aalalang tanong ko.
"H-hindi, Senyorita.Huwag mo akong alalahanin."aniya habang nakatalikod pa rin sa aking gawi.
Marahil ay naaalala niya ang kaniyang pamilya.
"Alam mo bang nakakapagtaka ang ikinilos ng mga magulang ni Javier noong makita ka?Ang sabi ng Senyora Guada ay kilala nila ang mga magulang mo ngunit ang sabi naman ng Senyor ay hindi raw, na baka nagkamali lamang sila."
"Sa tingin mo may inililihim kaya sila?"tanong kong muli ng hindi siya magsalita.
"Hindi ko alam, Senyorita.Makilala man nila ako ay wala pa ring silbi iyon dahil matagal ng umalis ang aking ina sa kanilang mansion.Kung nanilbihan man siya doon ay w-wala na rin namang mangyayari dahil wala na siya."humihikbing sabi niya.
"Dolores...."
Inalo ko siya at niyakap upang kumalma.Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kamiserable.Naaawa ako sa kaniyang kalagayan ngayon.Tila labis siyang naapektuhan nang maungkat ang tungkol sa kaniyang pamilya.Hanggang sa makarating kami sa hacienda ay tahimik pa rin siya.Hindi ako sanay ng ganito siya.
"Ano kaya kung magtungo tayo sa hacienda ng mga Agravante upang magtanong tungkol sa iyong mga magulang?"suhestyon ko.
"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin!"maagap na pagtutol niya na ikinabigla ko.
"Ngunit bakit nagagalit ka?Gusto lamang kitang tulungang mahanap ang pamilya mo."
Kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Dolores.
"Kapag ginawa mo iyon ay para mo na rin akong trinaydor, Rosalia.Nakikiusap ako sa'yo, huwag mo ng banggitin pa ang tungkol sa mga sinabi ng Senyor at Senyorang Agravante."
"Pero-"
"Ayaw mo na ba ako dito?Gusto mo na ba talaga akong b-bumalik sa tunay kong pamilya?"nangingilid ang luhang tanong niya.
"Hindi!Gusto lamang kitang sumaya.Gusto ko lang na makilala mo ang iyong totoong pamilya."
Lumapit siya sa akin at yumakap.
"Ngunit ikaw at ang Senyora Gracia na ang aking itinuturing na pamilya.Huwag mo ng gawin, pakiusap?"
Kahit napipilitan ay tumango na lamang ako bilang pagpayag.Hindi ako matahimik ngunit para sa kaniyang ikasasaya ay hahayaan ko na lamang ang kaniyang gusto.
BINABASA MO ANG
Anathema of Rosalia Teresita
Historical FictionAgravante Legacy : Anathema of Rosalia Teresita Sa bayan ng San Agravante ay nakatira ang dalawang pinakamayaman at maimpluwensiyang mga pamilya, ang mga Hermedilla at Agravante. Si Rosalia Teresita Hermedilla ang nag-iisang anak ng Senyor Ernesto n...