Capitulo Treinta y Ocho

26 2 0
                                    

"Huwag kang matakot, Rosalia.Nandidito lamang ako at hindi kita pababayaan.Tiyak akong nakabalik na si Greta sa hacienda upang humingi ng tulong."bulong ni Dulce sa akin.

Nang lingunin ko siya ay nakita kong ngumiti siya ng bahagya upang pagaanin ang aking loob.Tila may kung anong natunaw sa aking puso.Tumulo ang isang butil ng luha hanggang sa magsunod-sunod na iyon.

Patawad sa aking mga nagawang kasalanan noon.Kung sakali mang makakaligtas kami ngayon ay titiyakin kong aayusin ko na ang pagtrato ko sa kaniya.Hindi ko aakalaing kung sino pa ang hindi ko inaasahang tutulong sa akin ay siya pang nandidito upang pagaanin ang aking kalooban.

Halos maghapon kaming naghintay, nagbabaka sakaling may darating na tulong ngunit halos papalubog na ang araw ay wala pa ring dumarating.Sana ay kumikilos na sila upang mailigtas kaming lahat dito.Taimtim akong nanalangin para sa kaligtasan ng bawat isa sa amin.

"Hoy!Magsiharap kayo sa amin!"

Dumako ang tingin ko sa tatlong lalaki sa harap ng aming kulungan.Marahil ang lalaking nasa gitna ay siyang pinuno nila.May kakaibang ngiti ito sa labi na tila may binabalak na masama.Kinalas nila ang tali na nagsisilbing kandado ng aming kulungan.

"Ilabas n'yo na ang prinsesa.Gusto kong matingnan kung ano ang kaniyang ibubuga."nakangising tila demonyo ang lalaki.Nanlaki ang aking mga mata at halos manlamig na ang buong katawan dahil sa labis na takot.

"H-huwag!Maawa ka!"histerikal na sigaw ko at nagpumiglas sa humawak sa akin.

"Layuan n'yo siya!Ako n-na lamang ang kuhanin n'yo!Maawa kayo sa bata!"umiiyak na lumuhod si Dulce sa harapan ng tatlo.Umawang ang aking labi sa kaniyang ginawa.

"D-Dulce!Tumayo ka riyan!"sigaw ko.

"Nagmamakaawa ako sa'yo, ako na lamang ang iyong g-gamitin!"

Tila napunit ang aking puso sa sakit habang nakatitig sa nakaluhod na babae.Hindi ko aakalaing gagawin n'yo ito para sa akin.

"Kung sa bagay ay may hitsura ka rin at may karanasan na.Kung ganoon ay pumapayag ako.Bitbitin n'yo na siya at dalhin sa aking silid!"sigaw ng pinuno nila sa dalawa bago kami talikuran.

Bumitaw sa akin ang dalawang lalaki at halos mapaupo na ako sa lupa dahil sa panghihina.

"D-Dulce!"

Inabot ko ang kamay niya at humawak doon ng mahigpit.Umiiiyak na umiling ako upang pigilan siya ngunit kagaya ng ginawa niya kanina ay nginitian niya ako.

"H-huwag mong gawin.....n-nakikiusap ako, h-huwag."

"Hindi ko maaatim na mapahamak ka Rosalia.P-patawarin sana ako ng iyong ama dahil sa aking g-gagawin."

"Tama na 'yan!Tayo na!"sigaw ng isang lalaki bago pilit na kinaladkad paalis si Dulce.

"Dulce!"habol na sigaw ko at akmang susundan siya nang sampalin ako ng lakaki.

Napahiga ako sa lupa at hindi na nakahabol pa nang maikandado na nilang muli iyon.Wala akong ginawa kundi ang sumigaw nang sumigaw ng kaniyang pangalan ngunit hindi na siya lumingon pa.

Hindi ko na malaman ang iisipin ko.Ngayong wala si Dulce sa aking tabi ay napupunong muli ng takot ang aking pagkatao.Tahimik akong umiiyak sa isang sulok habang yakap-yakap ang aking mga tuhod.Gustong-gusto ko ng umuwi.Ayaw ko na dito.Sana ay panaginip lamang ito, isang napakasamang panaginip!

Dulot ng pagkapagod ay nakatulog ako ng ilang sandali ngunit nagising rin nang makarinig ng ilang tawanan kasunod ng malakas na pagsigaw ng isang babae.Tumayo ako dahil kilalang-kilala ko kung kaninong boses iyon.

"M-maawa kayo!Tama na!A-ayoko n-na!"umiiyak na sigaw ni Dulce na kahit nasa malayo ang kubong pinagdalhan sa kaniya ay rinig na rinig ko pa rin.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.Sa pangalawang pagkakataon ay mayroon na namang napagsamantalahang babae ng dahil sa akin.Kumuyom ng madiin ang aking mga palad.Gustuhin ko man siyang puntahan at tulungan ay wala akong magawa.

Ilang sandali pa ay nawala bigla ang boses ni Dulce at ang tanging naririnig ko na lamang ay ang malakas na tawanan ng mga kalalakihan.Papalapit iyon.Natanaw ko ang dalawang lalaking kumuha kay Dulce na buhat-buhat ang kawawang babae.Kahit madilim ay natatanaw kong halos mawalan na siya ng kasuotan dahil sa pagkapunit ng kaniyang saya.

Natulala ako at hindi nakakilos nang ipasok nilang muli si Dulce at basta na lamang ihiga sa lupa.Ang kaniyang mga mata ay tila wala ng buhay at nakatingin na lamang sa kawalan.Bakas sa kaniyang katawan ang pagpapahirap dahil sa ilang sugat at dugong nagkalat doon.

"D-dulce?"nanginginig ang aking boses.

Lumapit ako sa kaniya at yumuko.Doon ko nasilayang mabuti ang kaniyang kaawa-awang pinagdaanan.Bakas ang paso sa kaniyang leeg at pisngi, ganoon rin sa kaniyang dibdib.Kinagat ko ng madiin ang aking ibabang labi upang pigilan ang pagkawala ng malakas na paghikbi.Ako dapat ang napunta sa ganitong sitwasyon ngunit iniligtas niya ako at nagparaya siya.Dahan-dahan kong ipinatong ang kaniyang ulo sa aking mga hita.Hinaplos ko ang kaniyang namamagang pisngi na tila dulot ng pagkakabugbog sa kaniya.

"Dulce?G-gumising ka na dyan.Hindi k-ka maaaring mamatay!Makakatakas tayo d-dito!"

Tumulo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

"P-patawad, pa-patawarin mo a-ako kung nasira ko a-ang relasyon n'yo ng i-iyong Papa.Pero maniwala ka, m-minahal kong talaga si Ernesto.M-mahal na mahal ko siya..."

Kahit na nahihirapan siyang magslita ay sinikap pa rin niya.

"Hindi mo ako anak pero bakit ka nagsakripisyo?H-hindi ko maatim na makita kang nagkakaganito na dapat ako ang dumanas ng iyong mga natamo!Dulce, hindi ka maaaring m-mamatay!"

Umawang ang kaniyang labi at tila kinakapos na sa paghinga.Hinawakan ko ang kaniyang nanginginig na kamay at doon ay humigpit ang pagkakakapit niya sa akin.

"R-Rosalia...T-Teresita."

Iyon ang huli niyang sinabi bago tuluyang bumigay ang kaniyang katawan.Marahang idinampi ko ang aking palad sa ibabaw ng kaniyang mga nakamulat na mata upang maisara iyon.Sa ginawang pagsasakripisyo para sa akin ni Dulce ay tila katumbas ng sakit ng kaniyang pagkawala ang aking naramdaman kagaya noong namatay si Mama.Sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha na tila ayaw ng tumigil pa sa pag-agos.

"Dapat na ba akong magsisi sa aking ginawa ngayong nakikita kong umiiyak ang munting prinsesa?"

Nag-angat ako ng mukha at nakita ang hayop na lumapastangan kay Dulce.Sinenyasan niyang buksan ng isang lalaki ang kulungan.

"Mag-usap tayo, munting prinsesa."nakangising aniya na nakapagdulot ng matinding takot sa aking pagkatao.

Anathema of Rosalia TeresitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon