a/n: Hello! Tatapusin ko muna ito bago magfocus sa ibang story. Malapit na 'to. Two chapters nalang.. Yiieee, makakatapos na din ng isa pang story.. Hindi ako makapaniwala. Lol.
***
Succesful ang huling taping namin. Ngayon ko naramdaman ang pagmamahal ng buong staff sa akin at isa isa pa silang nagbigay ng regalo. Hindi ko aakalaing mangyayari 'to.
Ngayon ay balak naming pumunta ng Star City, pero syempre Nu'est lang din ang kasama ko.
Kanina sa sasakyan, mas excited pa si Ren sakin pero ngayong umaakyat na kami ng rides ay hindi naman maipinta ang mukha..
"Sigurado kayong ito yung una nating sasakyan?" muli ay tanong nito. Si Aron halatang nagpipigil ng tawa.
"Oo nga. Teka, kanina mo pa yan tinatanong ah. Natatakot ka ba?" umiwas siya ng tingin at nagpatiuna na.
"Ano ba, ang babagal nyo naman eh!"
***
"AYOKO NA!"
"AKO DIN!!"
Nagtawanan naman sila habang nakatitig sa amin ni Ren. Paano ba naman kasi, first time ko sumakay ng Viking. Itong si Ren naman, piniga masyado yung kamay ko. Namumula na tuloy! Ako kasi ang kamalas malasang nakatabi niya. Si Baekho na katabi nya sa kaliwa, ayun tawa ng tawa. Tuwang tuwa sa mga pagmumukha namin.
Hindi pa man ako nakakarecover ay agad nila kaming hinila sa Surf Dance..
May Ghad! Para naman akong iniitsa sa langit! Ang sakit ng mga braso ko, hindi ko din alam kung ano na hitsura ko sa ngayon. Ang alam ko lang, kailangan kong sumigaw para mawala yung kakaibang pakiramdam sa tiyan ko. Para akong mamamatay sa kaba! Ito ba yung sinasabi nilang 'Parang humihiwalay yung kaluluwa mo'?
Madami pa kaming sinakyan at talaga namang latang lata na ako. Kumain muna kami para daw mawala hilo ko. After noon ay nagpunta kami sa Snow World. Nagpapicture kami at kahit mahal, kumuha pa din sila ng copy. Nakalimang ulit din kami sa pag-iislide dun. Pati sa Jungle Splash hindi nila pinalampas kaya naman mukha kaming mga basang sisiw pagkatapos.
Pumunta din kami sa Dungeon at yung isa pang walang kwentang Horror house na nakalimutan ko na kung ano tawag. Basta, napakalame ng isang yun. Paano ba naman, hindi ata kami napansin at para lang kaming naglalakad sa dilim. Si Ren, grabe! Napakatinis ng boses kung sumigaw parang babae! Dun sa Dungeon halos masuntok na niya yung mga nakadisplay na zombie. Ang dami ko talagang tawa sa kanya kanina.
Nagtagal din kami sa paglalaro. Masyado akong naexcite sa pagbaril kasi nga diba, tinuruan na ako ni Baekho noon kaya confident ako. Nakakuha ako ng prices at proud na proud naman sila sa akin. Si Baekho naman hindi nagpaawat doon sa akyatan. Err, nakalimutan ko tawag dun, pero ang gagawin mo lang ay makaakyat sa tuktok at hilahin yung lubid para makakuha ka ng premyo. Alam nyo yung kapag umaakyat kayo ng bundok?
Tapos malaman ko na napakaliit lang naman pala ng price! Isang keychain lang! Sayang effort ng pag-akyat no!
Naging bata din ako kasi iyon ang unang beses kong makasakay ng Carousel. Ang gusto ko kasi noon ay si Papa ang magsasakay sa akin doon kaya lang, maagang nawala si Papa kaya hindi na natuloy pa yung balak ko. Pinipilit ako noon ni Mama pero ayoko ko. Feeling ko kasi maiiyak ako kapag sumakay ako dun ng hindi si Papa ang kasama. Pero ngayon, kahit pa Nu'est ang kasama ko, hindi man lang ako umayaw nang mag-aya si Minhyun. Nakakahilo siya, pero naenjoy ko ito, lalo na't Nu'est ang kasama mo.
Mukha kaming mga bata kasi lahat kami may hawak hawak na malalaking stuff toy. Natutuwa ako kasi hiyang hiya sila lalo na't maraming nakakakilala sa kanila.
Nagjack en poy pa ang mga loko kung sino ang magkakasama sa Ferris Wheel. Sa huli, ako si Jr at Baekho ang magkakasama. Gusto pa nga sanang umulit ni Minhyun pero hindi na sila pumayag. Natawa nalang ako sa kakulitan nila.
"Hay, heaven~" saad ko nang pagmasdan ang magandang tanawin sa itaas. Kita kasi ang buong Manila lalo na't medyo madilim na. Ang ganda pagmasdan ng mga ilaw na tila maliliit.
"Nag-enjoy ka?" tanong naman ni Jr. Si baekho nakatingin lang sa amin.
"Oo naman.." sabay pakita ng malaking stuff toy na si Patrick. "Thank you nga pala dito ah." siya kasi ang nanalo para makuha 'to. Nagpapaunahan kasi yung lima sa paghuli ng isda at ang sinwerte ay si Jr. May pagkashokoy kasi.. Biro lang..
"Wala yun.."
Natahimik kami.. Masyado akong masaya ngayong araw at ang pagtahimik namin ang siyang naging daan para maintindihan ko pang lalo ang lima. Contentment. Ngayon ko kasi narealize kung gaano sila nagpagod at nageffort sa lahat kahit na may issue sila noon. Biruin mo, wala kaming kaalam alam sa nangyari.. Hindi namin alam na may dinadamdam na pala sila noon. Aaminin ko na napakahirap makisama sa mga taong alam mong hindi komportable sa presensiya mo. Alam ko yun kasi sa tuwing naggu-groupings sa school para sa mga projects ay iyon naman talaga ang sinusukat.. Hindi mo hawak ang bawat isa at mas lalong hindi kayo pare-parehas ng pag-iisip. Maaaring ang gusto ng iba ay ayaw ng ilan.
"Ano nga palang balak mo pagkatapos nito?"
"Pagkauwi natin?"
"Hindi.. After mong umalis.." may kaunting lungkot ang pagkakasabi ni Baekho. Ngumiti ako, pero hindi ko maialis ang lungkot ng mga mata ko.
"Edi dating gawi."
"Mananatili ka pa din bang nasa tabi namin?" si Jr naman ang nagtanong. Natigilan ako..
"Fan ka pa din ba pagkatapos nito? Kasi... alam mo na, nakita mo na ang kahinaan namin kaya...." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Baekho at sinagot ang tanong niya.
"Syempre naman! Ano ako baliw! Mas naging matatag pa nga ako eh! Naging mas loyal ako sa inyo, pramis!" pero yung tanong nyo na kung mananatili ako sa tabi nyo? Hindi ko ata masasagot 'yan...
"Thank you." agad silang yumakap sa akin. Pinigilan ko lang na lumandas yung luha ko at ayokong magdrama sa harap nila. Shet, nahahawa na ako sa kadramahan ng Nu'est!

BINABASA MO ANG
Rules are Rules ✔
Cerita PendekFan Fiction po ito :) Samahan ang ating bida sa pagtupad ng kanyang one and only wish para sa kanyang 18th Birthday--- Ang mapili para makasama nya ang ang idol group na matagal na nyang hinahangaan sa iisang bahay. Madami mang magalit sa kanya, hin...