Day 11

52 1 7
                                    

a/n: HELLO! Kailangan ko mag-update! Kailangan ko talaga! Kasi naman, kinikilabutan na ako. Bakit ba kasi naisipan ko pang magbasa ng horror akala mo naman ang tapang ko huhu. Kinikilabutan ako kainis! AYAN NA SI ARA!!!!!!

 Last minute update bago tuluyang lumuwas. May pasok nanaman ToT

Tia's POV

Napadilat ako. Para akong may hangover at napakasakit ng ulo ko sa sobrang pag-iyak kagabi. Syet! Ayoko nga maalala kasi nandidiri ako! Paano kung.. Paano kung....

"Tia?"

"Ay kabayo!" napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat saka hinintay bumukas yung pinto. Aba si Ren pala..

Teka, bakit feeling ko namiss ko siya? No. Sila.

Feeling ko ang laking pagkakamali yung ginawa kong pag-alis. Tinignan ko si Ren, may konting sugat pa siya sa mukha, may bandaid at medyo putok ang bibig. Ngumiti siya.

"Ok ka na?"

"Ah, o-oo.." umupo siya sa gilid ng higaan ko.

"Tara na?" luh? Saan?

"Saan?"

"Kakain.. Dali na. Nagluto si Jr, first time. Promise."

Ows? Sige na nga. Tingin ng mukha ni Jr! Naka-apron ba? O mukhang uling sa itim yung niluto?

Pagkababa namin bumungad agad sa amin yung mukha ni Aron na......?

"Ano trip mo?" napataas ako ng kilay. Si Ren naman tatawa tawa lang. 

"Bagong style." sabi nalang nya kahit nahihiya. Nilagyan nya kasi ng pipino yung mga mata nya saka parang ginawang salamin para siguro hindi malaglag kapag naglalakad siya. Di kasi pumirmi eh.

"Uy, Tia! Kain na!" napangiti ako kay Minhyun. Ewan ko ba, feeling ko lagi nalang siyang nagpapakita ng kasweetan sakin. Ang bait bait nya, konti nalang talaga iisipin kong may gusto 'tong si Minhyun sakin. Ahihihi, kafeeling ko naman.

Lumapit ako sa table. "Ano niluto nyo?" walang nagsalita kaya automatic napatingin ako kay Jr. "Diba ikaw nagluto, Jr?"

Agad naman niyang iniiwas yung tingin saka nagkamot na parang nahihiya. "Ah. Eh.. Kanina. Pero kasi..." para bang hindi nya alam kung ano isasagot. Ano ba nangyayari dito?

"Ako na nagtuloy kasi.." singit ni Baekho na halatang pinipigilan yung tawa.

"Hala, sige Baekho kaya mo 'yan. Hingang malalim. Inhale, exhale!" at yun na nga, hindi na nakapagpigil, natawa na. As in, halakhak. Ibang klase -_-

"Ang yabang mo ah! Ok na nga 'yung luto ko kumpara noong unang beses!" maktol naman ni Jr saka pumwesto sa may sulok. Si baekho tawa pa din ng tawa tapos nakita ko si Minhyun na inihain na yung mga pagkain. Nakita ko 'yung ulam, kare-kare. Wow, marunong pala magluto si Baekho ng ganun? Lumapit ako kay Minhyun saka bumulong. "Ano ba niluto ni Jr?"

Medyo lumapit si Minhyun para bumulong, mukhang hindi maganda timpla ni Jr eh. "Dapat fried chicken, kaya lang ayun nga, sinunog nya."

Tumingin ako kay Jr na nakasimangot. Luh, bata lang? Di bale, cute nya shet.

Rules are Rules ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon