A/N: Jusko, ang hot ni Minhyun >.<
Day 3
Malaki.
Malaki ang mata ko habang katitigan ang sandata este ang mga matang nagbabaga.
“Aaaahhhh!!!!”
“Aaaahhhh!!!!”
Sabay kming napasigaw sa gulat. Agad syang nagtago sa may kurtina at ako namanng si tanga hidi pa umalis at nagtakip ng mata, kaso nga lang nakabukas ang mga daliri ko. Nakita ko…. Nakita ko….. Ang abs ni Baekho. Kayo ah! Madumi iniisip nyo.
“Anong nangyari?” rinig ko ang dagundong ng sahig. Sabay- sabay silang nagsipuntahan sa kung saan ako nakatayo ngayon. Unti- unti kong ibinaling yung ulo ko sa kanila. Si Ren gulu- gulo yung buhok. Si Minhyun medyo pikit pa yung mata saka si Aron naman tikwas tikwas yung buhok at nakapaling yung damit. At hindi ko naman inaasahan ang get- up ni Jr kasi nakabrief lang siya! AS IN!!!
“Hey! Anong nangyari?” Ulit ni Minhyun. Napaiwas ako ng tingin saka hiyang- hiya na tinuro si Jr. Hindi nila ako magets kaya tinignan nalang nila yung mukha ni Jr, then pababa…..
“Sh*t”
Last thing I knew, nakasalampak na silang tatlo sa sahig matapos magtatakbo ni Jr palabas ng kwarto.
“HAHAHAHAHA..”
Jusko! Namumula na sila kakatawa. Ok pa ba sila?
“S-Si… J.. Jr.. Ang epic!” tawa ni Aron. Hindi pa din sila maawat.
“Sayng di ko napicturan!”
“Naipost sana natin sa fb, twitter instagram n iron saka—“
“Itigil nyo na nga yan!” doon lang sila nahinto sa sigaw ni Baekho. “Ang babaw nyo! Magsitulog na nga lang kayo!”
Napatitig ako sa kanya na nakawardrobe. Waah! Ang hot nya lalo na yung may tumutulo tulo pa sa buhok at mukha nya! Fresh from the bath.
“At ikaw!” napatalon ako ng bahagya. Nakita ko syang nakatingin sakin. Inging nakakatakot. “Hindi ka ba marunong kumatok?”
“S-Sorry..”
“I don’t need your damn sorry.. Dyan ka na nga!” nilayasan na nya ako. Nakita kong nakatingin lang si Minhyun sakin kaya binigyan ko sya ng bahagyang ngiti. Nagsibalikan na kaming lahat sa kwarto at sa hindi malamang dahilan, napaiyak ako. Bakit ganun? Bakit nagalit si Bekho? Tanga! Syempre magagalit yun! Ang bastos ko naman kasi, hindi ko naisip kumatok. Pero bakit ganun? Diba si Baekho siya? Masayahin, palatawa, bibo. Bakit ganun nalang siya magalit sakin? Aish, sumasakit ulo ko. Past 12am na din, lagpas na yung oras ng tulog ko.
Humilata ako sa kama, pero nandun pa din yung isip ko sa nangyari. Too much for this day. May tao akong napagalit ngayon. Si Baekho…. At si Jr.. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa nangyari kay Jr, pero kasi ramdam ko nag alit din siya sakin. Pero ako naman kasi yung may kasalanan eh, kung hindi ko pinasok yung CR, malamang hindi kami magduduet ni Baekho at hindi rin sila magmamadaling gumising para puntahan kami. Ugh, tanga ko!
---
“Good Morning..” bati ni Aron. Nagulat naman ako ng onti. An gaga nyang gumising.
“Good Morning din.. An gaga mo naman yata?”
“Ah. Ako kasi nagluluto.. Wala kang aasahan sa mga yun.” Tumawa ako ng bahagya. Feeling ko ako’y isang Koreana kapag tumatawa kasi naman, namamaga mata ko ToT
“Forget what happened ok? Namamaga na mata mo.” Ay, halata pala.
“Halata ba?”
“Sobra.” Singit ni Minhyun. Itinuloy nalang ni Aron yung pagluluto niya, ako naman humarap kay Minhyun.” An gaga mo din, Good Morning..”
“Lagyan mo ng yelo mata mo, may taping tayo mamaya.”
“Taping? Para saaan?”
“Syempre kailangan may mapanood sila about sa pagtira mo ditto.. I’m sure inaabangan ng mga fans yun.”
“Hala! Edi makikita ako ni Mama sa TV? Oh no, nakakahiya!”
“Haha, you should be use of it. Every seconds may camera ngayon. Well, ngayon lang naman.”
“Ganun ba, buti sinabi moa gad para makapag-ayos ako.”
“Anyway, about kay Baekho at Jr.. You should make up with them. Magsorry ka nalang ng maayos para naman ok na lahat.” Sabi nya. Tama siya, I need to say sorry.
“Oo.. Gagawn ko yan. Ang tanga ko kasi!”
“Next time, knock first.”
“Yeah.”
---
9am nagstart yung taping. Bale, dinidikta lang nila kung ano dapat kong gawin. May scene pa nga na naiwan kami ni Jr at Baekho sa bahay kasi yung tatlo nag grocery. AWKWARD. Kapag minamalas ka nga naman. Tipid lang silang dalawa sa pagsasalita. Onting ngiti, pilit pa. Aray! Nasasaktan ako.. Jr at Baekho, wag nyo saking gawin to.
Natapos kami ng 3pm. Inihagis ko nalang ang sarili sa kama sa sobrang pagod. Tatlong bese lang naman daw yung gagawin naming taping. Pero sure ako, mabobored yung mga manonood nun.. kasi nga, gaya ng sinabi at nakita nyo, di nila ako pinapansin TT^TT
Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako sa may kusina. Nagtimpla ako ng Hot Chocolate. Iinom n asana ako, kaya lang nakita kong dumaan si Baekho. Tumakbo ako at hinarang siya.
“Baekho!!”
Lumingon siya, kaso naglakad ulit nng Makita nyang ako yung tumawag.
“Baekho naman! Sandali lang!”
“Ano ba kailangan mo sakin?” medyo irita yung tono nya.
“Sorry sa nagawa ko.”medyo naluluha nanaman ako pero pinilit kong pigilan. “Sorry kasi tatanga tanga ako..”napatingin ako sa Hot Chocolate na hawak ko. “Eto oh. Sana tanggapin mo.”
Tinitigan niya ito ng masama saka itinaas yung kamay. Ipinikit ko nalang yung mata ko. Basta, ano mang magyari, tatanggapin ko. Saktan nya ako, ok lang..
Pero nagulat ako nang ipatong niya yung kamay niya sa ulo ko. Napabukas ako ng mata.
“Accepted. Favorite ko yan. Thank you.” Kinuha niya ito saka ininom. Pinagmasdan ko siya habang papaalis sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Rules are Rules ✔
Short StoryFan Fiction po ito :) Samahan ang ating bida sa pagtupad ng kanyang one and only wish para sa kanyang 18th Birthday--- Ang mapili para makasama nya ang ang idol group na matagal na nyang hinahangaan sa iisang bahay. Madami mang magalit sa kanya, hin...