Last Day

55 1 3
                                    

Marahan kong pinunasan ng panyo ang mukha kong puro pawis. Napangiti ako nang titigan ang panyong hawak hawak ko. Hindi ko man alam kung sino ang may ari nito, basta ang mahalaga ay sa Nu'est ito galing. 

"Tia halika na at baka masingitan tayo!" tawag sa akin ni Charize na isa sa mga kaibigan ko. Tumango ako at lumapit na sa kanya.

Nandito ako para makita sila, hindi bilang si Tia na minsan nilang nakasama sa iisang bahay. Nandito ako katulad din ng iba.. Nandito ako bilang isa sa mga fan nila. Matagal din akong nawala. Nagfocus kasi ako sa pag-aaral at nang matapos ko na at naibalik ko na kay Mama ang lahat ng sakripisyo nya, eto ako at nagsasaya na. Fresh graduate ako at eto ang regalo sa akin ni mama! Ang makaattend sa concert ng Nu'est..

Hindi nagtagal at nakapasok na kami. Sobrang naenjoy ko ito at inaamin kong ito ang pinakamagandang regalo na naibigay sa akin. After ng ilang taon, nakita ko na ulit sila. Nagbago sila, pero alam kong hindi pa din nagbabago ang pakikitungo nila sa amin. Sa mga fans.

Natapos ang concert at heto kami't nakapila para magpaautograph at magpapicture. Medyo kinakabahan ako. Alam ko sa sarili ko na inaasam ko pa din na maalala nila ako, pero kaunting pag-asa lang ang inilaan ko doon. Ayoko kasing umasa. Napakasakit. Mahirap. Hangga't maaari ayoko na ngang umasa pero kasi diba, kahit papaano, may pinagsamahan naman kami.

Nagsigawan ang mga kasama ko nang pumasok na ang lima. Lahat sila mga nakaputi. Para ba silang mga anghel na sobrang gwapo.

Namiss ko sila. Sobra.

Matyaga akong naghintay at nang makaharap ko si Jr ay bigla siyang ngumiti. Exckted na akong makausap ulit sila at yila hindi ako makapagdesisyon kung ano ang unang sasabihin. Pero parang gumuho ang mundo ko sa hindi inaasahang sinabi nya.

"Hello. Anong pangalan mo?"

"Ah.. Ano.. Tia..." tinitigan ko siya ng mabuti. Hindi niya talaga ako natatandaan? Para namang pinagbagsakan ang mukha ko nang lumipat ako sa gawi ni Aron. Katulad ni Jr, hindi din ako nakilala ni Aron. Bakit kaya? Nagpagupit lang naman ako ah. Ganun na lang ba yun? Kalimutan na? Sabagay, sino ba naman kasi ako para maalala nila. Sa milyon na fans nila, malamang na nakalimutan na nila ang isang tao na may pangalan na Tia.

Napakagat ako ng labi at lumandas ang luha sa mata ko. Binuklat ko ang pinirmahan nila at hindi mo mapigilang mapanganga. Teka... Bigla akong napatingin sa gawi nila at nagulat nang nakatingin silang lahat sa akin. Muli ay itinuon ko ang pansin sa sulat ni Jr katabi ng pirma niya.

'You're Tia, of course. The girl who taught us to move on XD.'

Tila ako naestatwa nang magtama ang mga mata namin mas lalo na nang nginitian nya ako. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sila sa akin.

"Kamusta ka na, Tia?"


January 8, 2018


*****

an: Thank you sa lahat ng nagbasa. Love you!

Rules are Rules ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon