Minhyun's POV
Kasalukuyan kaming nasa prisinto ngayon. Nakaposas kaming lahat, at sa pagkakakita ko, si Baekho ang mas napuruhan. Tinawagan na din ni Aron si manager para ayusin yung gulo. Ngayon naghihintay nalang kami na dumating siya. Tinignan ko si Jr na siyang katabi. Ang sama pa din ng tingin nya sa lalaking tigasin. Grabe pala manuntok 'tong si Jr. Pati si Ren naging halimaw din. Tignan mo tuloy, may sugat sya sa ilong. Tumama kasi siya sa posteng bakal kanina. Si Aron naman parang panda, parehong mata yung napuruhan. So Baekho naman panay ang sugat sa braso. Naihagis kasi siya sa mga bubog kanina. Walanghiyang mga basagulero na 'yan, hindi nila alam na napakaespesyal ng mga mukha nila.. May nahagilap akong salamin sa gilid. Tinignan ko mukha ko. May sugat ako sa baba ng mata, syet medyo labas yung laman! Kailangan na 'tong malinis at baka maimpeksyon pa.
Sa kabilang banda, natanaw ko si Tia na mukhang apektado pa din sa nangyari. Kinakausap siya ng babaeng pulis, pero hindi man lang siya sumasagot. Muntik na kasi siyang marape ng mga halimaw na 'to. Kung maliwanag lang siguro yung paligid malamang tumba 'tong mga 'to.
Parang naggrand entrance naman si manager at talagang ibinagsak pa yung pinto nang pumasok. Nakita kong namumula na sya sa galit. May mga kasama siyang mga desenteng lalaki na sa tingin ko ay pinadala ng CEO. Nagtagal sila saglit sa pag-uusap habang kami nakadungaw lang at nakahawak sa rehas. Oo, kinulong kami pansamantala. Ayaw kasi kami paniwalaan na hindi kami yung nag-umpisa ng gulo at since hindi pa makausap ng matino si Tia, si manager nalang ang hinintay para magpaliwanag.
After maiayos yung gulo, pinakawalan na kami. Ngayon ko lang din naramdaman yung pagod at sakit ng katawan. Sumakay kami sa van, kasama si Tia na tulala pa din. Medyo kinakabahan nga ako para kay Tia. Hindi ko alam kung ano gagawin ko para makatulong..
"Tia, magpahinga ka na muna. Kokontakin ko muna pamilya mo-"
"Wag!" sabat naman ni Tia. Yun na siguro yung unang salita na lumabas sa kanya ngayon. Medyo nanginginig pa din yung boses nya. "Please wag na.. Ayokong mag-alala si mama."
Nakita ko naman kung paano kaawaan ng iba yung lagay ni Tia ngayon. Sobrang minaltrato kasi siya, muntik na talaga. Buti nalang at naisipan ni Aron na hanapin siya sa paligid kung hindi, malamang, mangyayari ang hindi dapat mangyari.
Kanina, nung nakita namin siyang pinagtutulungan ng limang mga barumbadong lalaki, sobrang sumakit yung puso ko. Yung nakita kong sira sira na yung damit nya, yung kahit wala na siyang lakas para lumaban, sigaw pa din siya ng sigaw at nagbabakasakaling may tumulong.
"Sige, naiintindihan ko. Pero hindi ba dapat malaman ng mama mo yung nangyari?"
"Ok na.. Ako nang bahala. Basta wag mo na syang tawagan." pagmamakaawa nito. Sinamahan ni manager si Tia sa taas ng kwarto nya at naiwan kami sa sala. Hindi pa din ako gumagalaw sa pagkakatayo at tila naestatwa.
Nagsalita naman si Jr. "Kasalanan ko 'to."
Umiling naman si Aron kahit hirap na hirap na siyang gumalaw. "Hindi. Ako may kasalanan."
Agad namang dumating si Ren at Baekho na may dala dalang first aid kit. "Lahat tayo may kasalanan."
Oo nga naman, masyado kaming nakulong sa nakaraan. Siguro ito na yung lesson para magtanda kami. Kasi kung hindi pa, baka may isa nanamang buhay na mawala dahil sa amin.
"Minhyun, halika. Gamutin ko yang sugat mo." tawag ni Ren. Ngumiti siya at pinalapit ako. Ginamot nya ng mabuti yung sugat ko at ganun din ang ginawa ni baekho kay Jr. Nang matapos ako ay ako naman yung gumamot kay Ren. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. kahit anong galit, hindi talaga maiiwasan na hindi mag-alala sa kanila. Tinawag ni Ren si Aron ng walang halong pagkainis.
"Hyung, gamutin ko sugat mo." pinagmasdan ko lang sila, at nangiti ng palihim.
"Ren ano... sorry. Sa lahat lahat." hindi kumibo si Ren at sya naman nyang ikinayuko. Pagkatapos nyang linisin yung sugat ni Aron nagsalita siya.
"Ok na, Hyung.. Matagal na kong hindi galit sayo. Matagal ko na ding kinalimutan yon. Bati na tayo?" nangiti na din si Aron saka kinuha sa kamay nya yung bulak.
"Tignan mo 'to, may sugat ka pa sa gilid ng mata oh. Sino ba gumamot sayo?" itinuro naman ako ni Ren at dali daling naghagis ng bulak si Aron sa gawi ko. "Mukha kang bulag ah. May sugat pa oh!"
Pinulot ko yung bulak na nalaglag sa sahig saka umupo sa tabi nya. "Malay ko diyan!"
"Mga hindi kasi kayo marunong! Aray Jr! mata ko na yan!" agad naman kaming napatawa sa dalawa. Nalagyan kasi ng alcohol yung mata ni Baekho. Hindi naman malala kasi sa bulak lang naman. Patuloy lang naming pinagtatawanan si baekho dahil umiiyak na siya sa sakit. Ikaw ba naman malagyan ng alcohol..
Third Person POV
Rinig ko ang tawanan sa baba. Nangiti nalang ako saka napabuga ng hangin.
Sa wakas, bumalik na sila....
Napangiti na din ang manager habang pinagmamasdan ang lima na naglalaro at nagtatawanan sa baba. Masyado siyang natuwa kaya naman hindi nya maiwasang maipahid ang uhang namumuo sa gilid ng mata nya.
Masaya siya, at gusto nya akapin ang mga unggoy. Humakbang siya ng malaki pero hindi nya naalala na pababa nga pala siya ng hagdan at.... Nangyari ang mangyayari.
Nahulog at nagpagulung- gulong ang manager nila.
---
MERRY CHRISTMAS!
BINABASA MO ANG
Rules are Rules ✔
Cerita PendekFan Fiction po ito :) Samahan ang ating bida sa pagtupad ng kanyang one and only wish para sa kanyang 18th Birthday--- Ang mapili para makasama nya ang ang idol group na matagal na nyang hinahangaan sa iisang bahay. Madami mang magalit sa kanya, hin...