Day 14

42 1 3
                                    

"Ikaw Baekho 'wag na 'wag mong uubusan ng pagkain 'tong mga batang 'to lalo na si Ren! Napakapayat nyan maawa ka! Tapos Jr 'wag puro games ang inaatupag mo! Bawalin mo si Baekho! Minhyun turuan mo tong mga to na maglinis ng bahay hindi yung puro ikaw lang umaako ng mga resposibilidad na hindi naman dapat ikaw ang sumasalo! At Aron! Mag-ahit ka na ng kilay mo please." pati ako natawa na din sa sinabi ko. Bigla naman kasi iyong lumabas sa bibig ko. 

Pinagmasdan ko sila habang tumatawa..

Hindi ko na mapagmamasdan ng malapitan ang mga mukha nila...

Hindi ko na din maririnig ang mga boses nila..

Nakakalungkot.

Tumalikod agad ako. Shet 'wag muna! Please luha 'wag muna tutulo!

"Tia?" tawag nila. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Anong ginagawa mo? Bakit ka nakatalikod sa amin?"

"Nag.. Nangungulangot ako! Wag kayong titingin! Sasapakin ko kayo!" tuluyan nang pumiyok ang boses ko ng sumigaw ako at ayun nga, naglandasan na ang mga luhang kanina pa nag-uunahan sa paglabas. Ang hirap talagang magpaalam sa mga taong mahalaga sayo. Sa taong naging parte ng buhay mo.

"Tia.."

Please naman Aron magpakamatured ka nga muna ngayon at pick-up-in mo kung bakit ako nakatalikod ngayon! Ayoko ngang makita nyo akong umiiyak eh!

"Tahan na..." napahagulgol ako nang maramdaman ko ang yakap nila sa likod ko. Alam kong lahat sila nasa tabi ko ngayon. Ang dami ba namang kamay na nakapalupot sa kamay ko, ano pa nga ba ang iisipin ko diba? 

Shet kung sa ibang pagkakataon, kikiligin ako sa mga back hug ng mga unggoy...

Pero sheeettt, naappreciate ko ng bongga ang pagmamahal nila. 

"kainis kayo! Bakit ba ang sweet nyo?" kumawala ako sa yakap nila at niyakap sila isa isa. Sila na mababango!

"Thank you sa memories, guys.." agad kong kinuha ang DSLR ko na kakukuha ko lang sa office ng CEO. Diba nga bawal ang gadgets? Nangiti ako nang maalala lahat. Yung time na nawindang ako sa rules na pakulo ng CEO, yung awkward na pagkikita namin ni Aron, yung silipan moment ko kay Baekho, yung kadramahan ni Ren, yung pagiging Agumon ni Jr at ang PMS ni Minhyun. Lahat yun, hinding hindi ko makakalimutan. Hindi man ito nakukuha sa camera na maaaring ipaprint at itago, hindi ko naman mabubura ang mga magagandang alaala sa utak ko. May mga bagay talaga na hindi nakukuha ng camera.. Appreciation lang talaga ang katapat noon na babaunin naming anim sa habang panahon. "Picture muna tayo!"

"One.. Two.. Three... KIMCHI!" sigaw ng manager na siyang kumuha ng litrato namin. Inakap ko din siya dahil may magandang memorya din na tumatatak sa isip ko kasama siya. Kahit papaano ay may pinagsamahan din kami. Macarons lang katapat nyan hahaha..

Muli, inakap ko sila isa isa. Sulit na sulit talaga ang isang buwan. Napapaisip nga ako kung ano pa kayang mangyayari sa amin kung higit isang buwan pa ang pagtira ko dun? Makikita ko din kaya ang yumminess ni Aron? Natawa ako sa naisip ko.

"Tia maraming beses ko na 'tong sinabi pero, Thank you." bulong ni Jr nang yakapin ko siya. Naalala ko pa noong warzoned kami ni Jr. Warzoned? Saan nanggaling yun? Anyway, hindi ko aakalaing magiging maayos kami kagaya ng mga sa story na nababasa ko. Ang ipinagkaiba nga lang, hindi kami nagkatuluyan sa huli.

"Pwede mo naman kasi akong silipan eh, wag ka lang manggugulat." natatawang sambit ni Baekho ng mayakap ko siya. Kinurot ko tuloy sa braso. Sa pagkakaalam ko, umuusok yan sa galit ng mangyari iyon. Haay, nakakahiya naman talaga yung scene na yon.

"Thank you for lending your shoulders when I need one. The best ka talaga, Tia." Awww, si Ren yan na may matching iyak pa. Kainis! Ayokong umiiyak si Ren! Nakakadala lang T.T

"Thank you sa pagpapaligo kay Mel." luh? Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Aron. Agad naman siyang natawa. "Joke lang, ito naman." agad nyang pinisil yung magkabilang pisngi ko na para bang gigil na gigil. "Thank you for being a friend. Hindi mo alam ang ginawa mo sa amin."

Pumunta naman ako kay Minhyun na hawak hawak ang pisngi. Kainis ka Aron!

"Tia.." tawag ni Minhyun. "Makipag-ayos ka sa Mama mo ah?" agad akong napatingala at sinalubong ang tingin niya. Now that he mention it, bigla akong natigilan. Siya lang ang taong nagpaalala tungkol sa amin ni Mama. Siya lang. "Alam mo kasi, mahirap kapag hindi kayo nagpapansinan ng Mama mo. Kasi diba, siya nalang ang pwedeng gumabay sayo, siya nalang ang natitirang kasama mo.. Sana magkaayos na kayo.." Kahit pa minsan, paiba iba ng mood si Minhyun.. Kahit minsan aakalain mong meron siya sa sobrang sungit, hindi ko pa din talaga maiwasang humanga sa kanya. Sa kabaitan nya.. Sa lahat ng pagkakataong kinakampihan nya ako.. Siya lang ang taong nagpakita ng kabaitan sa akin simula palang.. 

"Minhyun.. Why so sweet?" natawa kaming dalawa.

Kumaway ako sa huling pagkakataon. Kahit papaano, nawala ang bigat na nararamdaman ko. Hinila ko na ang mga bagahe ko. Nanggigilid nanaman ang luha ko kaya panigurado pagkasakay ko tutulo nanaman ito.

Pero hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag nila ulit ako. Nagtakbuhan sila sa akin na parang batang nag-uunahan. Muntik pa ngang madulas si Aron. Akala ko gugulong na siya hanggang sa mapunta dito sa pwesto ko.

"See you soon." yan lang ang sabi ni Jr kasabay ang pagdampi ng labi nya sa kaliwang pisngi ko. Agad namang sumunod si Ren at humalik sa kabilang pisngi. Hinalikan naman ni Aron ang noo ko at si Baekho naman ay sa ulo ko. Muntik pa akong mapaatras nang akalain kong hahalikan nga ako ni Minhyun sa labi. Dumampi ang malambot nyang labi sa ilong ko, which I found sweet. 

He never fail me until the end.. Ang sweet nya talaga. Ang sweet nila.

***

Medyo may kalayuan ang bahay at kailangan pang lakarin. Hindi kasi pwede ang tricycle dito at hanggang gate lang pinapayagan.

Nagtataka pa nga ako sa mga taong nakasalubong ko. Sinasabi nila na bakit daw ako biglang nag-artista. Like hello~ Para namang pang-artista ang beauty ko. Tapos yung iba akala nag-abroad ako.. Napapailing nalang ako at sinakyan nalang sila. Less talk, less explanation haha..

Napakagat ako sa labi ko habang tinutunton ang bahay namin. 

Sa bawat paghakbang ko, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko lalong lalo na nang naaninag ko ang bahay namin.

Agad akong tumakbo at napatakip sa bibig..

Mama....

Ang buong bahay namin ay puno ng tarpaulin na may pagmumukha ko kasama ang caption na 'Mama is so proud to you!'. Nakadikit din sa bawat dingding na madadaanan ko ang pagmumukha ko nanaman na profile picture ko sa facebook at may nakalagay sa baba ng 'Artista na ang anak ko!' 

Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang makatayo na ako sa tapat ng gate namin. 

'Free noodles available inside'

Yan ang nakalagay. Hindi ko pala nabanggit na may munti kaming karinderia na siyang libangan ni Mama. 

Agad akong pumasok at walang sabi sabing inakap si mama ng buong pagmamahal..

Ang akala ko galit siya. Naitatakwil nya ako katulad nang pagkakasabi nya sa akin noong umalis ako.. Yun pala...

I smiled. Kahit ano pa man ang nangyari, meron at meron pa ding mabuting bagay ang mangyayari.. Hindi naman kasi pwedeng palaging masaya ang buhay. Nasaan ang trill ng buhay? Noon, ayoko ng may trill. Kuntento na ako sa meron ako, pero ngayon mas naintindihan ko kung bakit kailangan pa noon... Mas maaappreciate mo pala talaga ang isang bagay kapag may dumadating na hindi mo inaasahan.

Tulad nalang ngayon.. 

Rules are Rules ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon