Day 12

47 1 3
                                    

"She taught us how to move on." biglang hirit ni Jr na siyang nagpangiti sa CEO. Ano daw? Seryoso?

"Hahahaha" tumawa lang siya ng tumawa at swear, para syang baliw. Nakita ko na mukhang nagulat din sila sa biglang inakto niya, pero agad din yung napalitan ng isang ngiti. Umiling iling pa si manager nang kuhanin ulit yung papel na inilapag nya sa lamesa saka ibinigay ulit sa CEO. So, ano yun? Pakulo lang? Para lang malaman nila kung ano isasagot nila?

"I don't get this.." pag-amin ni Aron. Tumango naman ang iba. Ako, parang nagets ko na. Di naman talaga sila galit, at pati ako naloko nila. Akala ko... Hays, galing umarte ah!

"Ok boys, ipapaliwanag ko." umayos na siya ng upo at iniayos din ang salamin bago magsalita ulit. "I didn't mean to make fun of you, I just can't stop wondering on how you'll act if I said that."

Mas kumunot ang mga noo ng mga unggoy.

"Ok, para sa mas malinaw na paliwanag. Planado ito. I mean, sinadya kong maghanap ng isang fan at nagbakasakaling mababago nya ang ugali nyo.. And I guess....it works?"

Napailing silang lahat, tila hindi makapaniwala. maya maya, sumabog na si Baekho, but in a good way kasi nakangiti siya.

"Kailangan talaga ipahiya kami? Hindi ko pa nga makalimutan yang kakulitan ng Tia na yan at nakitaan pa nya akong nagsashower!!"

"At ako naman palaging nagkakabukol sa kanya!" reklamo din ni Jr.

"Ahm, naging matapang ako... dahil kay Tia." nahihiyang sagot ni Ren at ngumiti sakin. Shet, ang gwapo.

"Madami akong natutunan kay Tia." proud na proud na sabi ni Minhyun. Sus, ako nga bilib sa kanya eh. Ang sweet sweet nya kasi >.<

"Ako... ahm..." nahihiya pa noong una si Aron pero sa huli sinabi din. "Feeling ko nagmature ako."

"Utot mo! Feeling mo lang yun!"

 

Tawa lang kami ng tawa hanggang sa lumabas na kami. Nagpaiwan si manager saglit at hintayin nalang daw namin siya sa baba. Habang nasa elevator hindi ko mapigilang hindi sila yakapin lahat. Shet naiiyak ako.

"Thank you." at umagos na ang luha ko.

"Shhh.." pagtahan nila sakin. May iniabot silang panyo at hindi ko alam kung kanino, basta kinuha ko nalang at ipinamunas sa mata ko. 

Agad din namang dumating si manager at tumungo na kami sa van pero napahinto ako sa nakita. Nandoon pa din sila... At tila galit. Napabuntung hininga ako.

"Why?" tanong ni Minhyun.

"Eh kasi...."

"Don't mind them." putol ni Aron. Alam kong masakit, kasi siya yung sumalo sa lahat ng mga ibinabato ng mga fans kanina. Alam kong hindi nya tanggap, kasi si Aron magaling sa fan service. Mahalaga sila para sa kanya at siya yung palaging nakikipag-usap sa mga fans dahil na rin sa pagiging DJ nya. Kaya naman alam kong mahirap sa kalagayan nyang makita lahat 'to. Para bang nawala lahat ng paghihirap nya na maging close sa mga fans.

Rules are Rules ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon