After ng nakakapagod na pag-arte, sa wakas natapos na din. Kasi naman si manager eh, ang labo sabi nya tatlong bese lang daw kami nagshoshoot tapos kanina kinausap kami gagawin daw na limang episode kaya kanina nagrush kaming magshoot para sa 2nd episode. I bet boring nanaman ‘to. Naaawa nga ako kay Ren kasi todo effort siya na umaktong normal. Hay, ngayon napatunayan kong magaling nga siyang umarte. Biruin mo natiis nya yun. Parang ang galing galing nyang magpalit ng katauhan at kanina napakasigla nyang nakikipag-usap sa iba. Samantalang sa likod ng kamera ni hindi nga nagkikibuan ‘tong mga unggoy na ‘to. Speaking of limang unggoy, kakausapin ko nga pala sila. Hindi ako papayag na matatapos yung buwan na wala man lang akong nagawa para matulungan ‘tong limang ‘to.
“Wait lang wag muna kayong umalis.” Pigil ko sa kanila. Napahinto naman yung lima at tinignan ako. “Ahm, may gusto lang akong ayusin… tungkol sa inyong lima.”
Pagkasabi ko nun, nagdikit naman agad yung kilay ko. Kasasabi ko lang na lima diba? Ano ‘tong nakikita ko at naglalayag na si Jr papuntang kwarto nya.
“Huy, sabi ko lima.. So meaning, kasama ka. Huy!” tinawag ko siya pero hindi siya lumingon. Aba’t….
Tia… Relax, ‘wag mo ipakita ang mala halimaw mong anyo sa mga lalaking ‘to..
Pero dahil hindi pa din maawat si leader at mukhang nasisiyahan sa paglalakbay patungo sa mundo nya, agad kong kinuha yung bote na kanina ay iniinom ni Minhyun(buti nalang naubos na nya yung laman) at biglang inihagis sa gawi nya. Ayun, sapul sa likod ng ulo nya. Woo! Galing ko.
Agad naman siyang humarap na madilim ang aura. Syempre alam ko kung saan na patutunguan nito kaya agad akong tumakbo sa likod ni Baekho. Bati muna kami ni Baekho ngayon, malaki katawan nito, safe ako dito..
“Ano bang problema mo?” tanong agad sakin ng unggoy habang pinipigilan ni Ren at Minhyun papalapit sakin. Nasa likod pa din ako ni Baekho na medyo natataranta na.
“Kakausapin ko nga kayo diba?”
“Bakit kailangan lahat pa?”
“Natural, alangan namang sila lang. Tungkol nga sa inyong lima eh. Ikaw kasi masyado mong idol si Luffy at naglalayag ka na sa mahiwaga mong kwarto. If I know manonood ka lang ng anime mo. May gusto nga kasi akong ayusin!”
Sasagot pa sana siya pero biglang umentra si Aron.
“Wait, wait.. Ano nangyayari dito? Bakit hindi ako inform? Ano na?” nagmake face nalang ako saka napabuga ng malakas na hangin.
“Ewan ko sayo. Tanong mo sa kilay mo, baka sagutin ka..” iniwan ko na sila sa sala saka umakyat na. Nawalan na ko ng gana eh. Ang gulo ko ba? Buti nga hindi ako ginantihan ni Jr ng bote nung tumalikod ako. Yun kaya yung iniisip ko kanina kaya binilisan ko lakad ko. Mahirap na, baka mahampas ako kapag nagtagal pa ako.. At least nakaganti na ko. Sama kasi ng ugali eh..
Napaupo ako sa kama saka nag-isip.. Syeteng buhay naman ‘to oh. Akala ko mag-eenjoy ako. Plano ko pa namang akitin si Jr kaso ubod naman ng yabang. Si Baekho ang sama ng ugali, si Ren napakaiyakin, si Aron wag mo na pansinin… Wala sa vocabulary nya ang maturity. Si Minhyun… ANo nga ba si Minhyun?

BINABASA MO ANG
Rules are Rules ✔
Short StoryFan Fiction po ito :) Samahan ang ating bida sa pagtupad ng kanyang one and only wish para sa kanyang 18th Birthday--- Ang mapili para makasama nya ang ang idol group na matagal na nyang hinahangaan sa iisang bahay. Madami mang magalit sa kanya, hin...