Day 6

61 1 8
                                    

Day 6

Nagmasid ako sa paligid, hinintay yung tamang pagkakataon para sundan siya. Nakita kong umupo siya sa sofa. Sakto naman at mukhang nasa kani-kanilang kwarto pa ang NU'EST ngayon. May taping nanaman daw kasi kami. Bale pangalawa na 'to. 

Ito lang kasi yung pagkakataon ko, hindi na ako makakahintay pa..

"Ehem.." dahan dahan akong lumapit sa kanya. Muntik pa nyang maibuga yung kape na iniinom nya.

*cough* 

"Ay sorry.." nginitian ko lang siya. Pinunasan naman nya yung mga natapon sa pants nya saka tumingin sakin.

"Tia, ang aga mo naman ata.."

"Ahm.." umupo ako sa tabi nya saka kinuha yung tupperware sa sukbit kong bag. Nakangisi kong ipinakita ito sa kanya"Favorite mo 'to... diba?"

Napalunok siya, at syempre taglay ko na yung victory smile ko.

"Ano bang kailangan mo?" aba, matalino.. Alam na may plano ako.

"PInasadya ko pa 'to sa kakilala ko para lang sayo. Ang sweet ko diba?" kita kong napapikit siya. Sarap palang inisin ni Manager.

"Just tell me what you want!" ibinagsak ko sa table yung macarons saka tinitigan sya ng matalim. "Bring me 'to the CEO, now!"

---

Astig ko 'no! Napasunod ko agad yung manager nila hoho.. Kasalukuyan naman siyang nagmamaneho ngayon, ako nasa passenger's seat. Natatawa nalang ako kasi mukhang stress na stress na sya lalo n't hinahanap at tinatawagan siya nila Jr.

"Just prepare yourselves there. I'll be back."

|Hyung naman! Kanina pa kami ready. Bakit kasi aalis ka nalang ng pabigla-bigla? Edi sana naitulog pa namin 'to! Ang aga ko nagising oh!| boses ni Minhyun. Napa 'tsk' naman si Manager hihi.

"It's emergency, ok? Ibababa ko na. Basta magtetext nalang ako.." sabay patay ng tawag at hinagis yung phone sa likod. Aba, astig ah. Mayaman ba 'tong si Manager at hinahagis lang ang phone?

***

"Nandito na tayo.. Ewan ko ha, wala akong alam kung bakit gusto mo sya makausap pero... Sana naman.."

"Sana naman...ano?" kita mo 'to, nagpause pa. Tss.

"Sana naman ibigay mo na yung pagkaing ibibigay mo. Nakakainip maghintay dito oh."

Inilabas ko na yung tupperware at ibibigay ko na sana pero nagbago isip ko kaya binawi ko. "Oops, mamaya nalang pala.." iniwan ko na siya pagkatapos bigyan ng nakakalokong ngiti. For sure minumura na ako nito bwahahaha

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Mukhang hindi ako napansin kaya umubo ako at ayun, nagulat. Tumurit yung ballpen na hawak nya.  Napatunayan kong magugulatin pala siya.

Iniayos nya yung salamin saka kumuha ng ibang ballpen sa harap nya. ANg tamad di pinulot sa sahig. "Door was made for us to knock first before entering." walang ganang sabi nito.

Rules are Rules ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon