Day 8

64 1 9
                                    

Medyo nagulat pa yung iba matapos sabihin ni Jr yun, pero pinagsawalang bahala ko nalang. Yun din naman gusto nila eh.. Yung umalis ako..

Kasi nga pakialamera ako..

Binuksan ko yung cabinet ko saka iniligpit yung mga damit.. Gusto nya kong umalis? Edi sige! Akala nya ah…

Nung may kumatok, agad kong itinago yung bag ko saka inayos yung kwarto ko. Pagbukas ko, nakita ko si Minhyun..

“Bakit?”

Pero hindi naman siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin. Alam  ko yung tingin na yan, kinakaawaan nya ako!

Umiwas ako ng tingin. “’Wag mo nga ako tignan ng ganyan.. Feeling ko kawawang kawawa ako eh.”

“Sorry…”

“Sige ok na.. Paano, pagod na kasi ako eh.” Mag-aayos pa ako ng gamit :/

“Pwede pumasok sandali?” pero bago pa man ako makapagsalita tinakpan na nya yung bibig ko saka dali daling pumasok at sinara yung pinto ng kwarto. Nakasteady lang kami sa likod ng pinto habang nakatakip padin yung kamay nya sa bibig ko. Ano trip nito? Rape-in ako? Walang problema dun ah.. Basta pananagutan nya ako XD

“Jr lagot ka kay manager kapag nalaman nya ‘to..” wait wait, si Aron uhugin yun ah.. Sorry, galit ako sa mga taong yun kaya may phrase na kasunod. Nakakainis kasi eh, lalo na yung Jr na maitim na yan. Grr.

 “Wala naman na syang magagawa sa oras na mawala na siya.”

“Pero ako sisisihin ni Hyung!”

“Dapat lang, ikaw matanda eh.”

“Kaya nga eh! Ako yung matanda samantalang ikaw dapat kasi ikaw leader! Ano ba kasing plano mo? Sa tingin mo mapapanatag ako kapag lumabas siya ng bahay ng hindi nagsasabi? Sino may responsibilidad? Diba ako?”

“Unusual Aron.. Nasaan yung Aron na kilala ko? Bakit naninibago ako ngayon?”

“Wag mo akong inisin Jr, hindi mo pa ako nakikitang magalit..”

“Bahala ka.. Makulit siya eh, kahit wala akong kasiguraduhan na hindi nya ipagkakalat sinabi ko pa din. I did my job, wala na kong pakialam.”

Pinaupo ako ni Minhyun sa kama saka hinawakan sa magkabilang balikat. “Hindi ka naman aalis, diba? Diba?”

Umiling ako, at alam ko sa sarili na nagsinungaling ako..

Rules are Rules ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon