a/n: Ang tagal na hold nito ah. May nagbabasa pa ba nito? Haha
Kahit wala na, ok lang. Nangako kasi ako na hindi na ako magdedelete ng story kaya kahit napakalame tatapusin ko padin sa ayaw nyo at sa gusto XD
Ito na ang update~
Day 5
Napag-isip isip ko ngayong araw na na simulan ang paraan para magkaayos na kami ng tuluyan ni Jr at Baekho. Nakaharap ako ngayon sa notebook ko habang nakatungo na wari'y nag-iisip. Pinagmasdan ko ang mga naisulat ko.
- Patawanin si Baekho
Since si Baekho ang unang nagalit, nagplano ako na magfocus muna sa kanya
Napatawa nalang ako bigla sa naisip kong kaweirdohan. Hindi parin ako tumitigil hanggang sa....
*knock knock
"Sino yan?" tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa pinto. nang pihitin ko ang doorknob agad na bumungad si Ren. Gulat man, hindi ko nagawang itulak si Ren nang yakapin nya ako.
"R-Ren?"
"Pwede dito muna ako?"
---
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, sa halip, tumulo ang mga luha nito.
This is not true... No way..
Si Ren? Umiiyak?!
"U-Umiiyak ka ba?" tinusok ko yung tagiliran niya at nang lumingon siya, puro uhog ang mukha niya.
"Hindi.. Joke lang to, fake to.." sarkastik ang pagkakasabi niya. Sorry naman, di lang talaga ako makapaniwala.
"Hala, Ren tahan na.." hinagod ko yung likod nya. Paano ba magpatahan? Inakap ko nalang ulit si Ren kahit na pumahid na yung uhog niya sa likod ko.
"Ren naman! Tama na! 'Wag ka na umiyak.. Mukha kang..." napatigil si Ren at tinignan ako ng masama. "Mukhang ano?"
"Mukha kang baby~~" sabay pisil sa magkabilang pisngi niya. Napangiti naman si Ren sa ginawa ko. "Oh diba.. Edi ngumiti ka din!"
"Salamat.."
"Ano ba kasing nangyari? Baka makatulong pa ako o mabigyan kita ng advice.."
BINABASA MO ANG
Rules are Rules ✔
KurzgeschichtenFan Fiction po ito :) Samahan ang ating bida sa pagtupad ng kanyang one and only wish para sa kanyang 18th Birthday--- Ang mapili para makasama nya ang ang idol group na matagal na nyang hinahangaan sa iisang bahay. Madami mang magalit sa kanya, hin...