Kanina pa kami paikot ikot sa sala. Bale nagpapalitan lang kami ni Minhyun ng pwesto. Kapag lumalakad siya sa kaliwa, lalakad naman ako sa kanan. Ayos ah..
Kanina ko pa tinawagan si manager, at nakakuha ako ng isang malutong na mura galing sa kanya. Kaya nga ako kinakabahan eh. Mamaya magkakabukol nanaman ako.
“Umupo nga kayong dalawa! Ako yung nahihilo sa inyo eh!” saway ni Jr. Tinignan ko siya ng masama.
“Ikaw kasi, kung hindi mo sinabi yon edi sana hindi siya umalis!”
“Ano kasalanan ko dun? Eh diba nga gusto nya malaman? Edi sinabi ko. Wala akong kasalanan. Sadyang tanga lang siya”
“Hoy ayusin mo yang pananalita mo ah..” awat naman ni Minhyun kay Jr. Hinawakan naman ni Baekho si Minhyun para pigilan siya.
“Totoo naman ah. Nakakairita siya, akala mo siyang magaling. Marunong pang mangialam!”
“Aba’t..” agad kaming humarang sa gawi ni Minhyun at umaamba na ng suntok. Gago ‘tong mga ‘to ah..
“Tumigil nga kayo! Ano gusto nyo, mag-ayaw? Sige! Dyan naman kayo magaling eh, akala nyo naman maaayos lahat kung mag-aaway away kayo. Kung ayusin muna nyo kaya yung buhay nyo? Ang gulo nyo!” sigaw ko. Umiwas ng tingin si Minhyun, pero nagpinting yung tainga ko sa mga narinig ko galing kay Jr.
“Bago mo sabihin yan, bakit hindi mo muna ayusin yang kukote mo?” hindi ko napigilan at nasuntok ko na siya. Nakita ko nalang na pinupunasan nya na yung gilid ng labi nya. Ngumiti siya, pero pilit. “Pareparehas lang tayo. Mga tanga at hindi makalimot.. Paano nga ba natin aayusin yung sarili natin?” tumayo siya saka tinapik ako sa balikat. “Dude, hanggang ngayon siya padin?”
Yun lang ang sinabi nya saka umalis. Hindi ko siya naintindihan..
Lumingon ako kay Ren na mukhang siya lang ang nakaintindi ng sinabi ni Jr. Tinignan nya ako sa mata..
“Nagsalita ka kanina habang tulog. Binanggit mo pangalan nya.”
---
Back to her POV
Kagat kagat ko yung daliri ko habang nagmamasid sa paligid. Nakaupo ako ngayon sa bagahe ko at parang asong nawawala. Kinuha ko yung phone ko saka nagtext. Kabibili ko lang nito. Diba nga kinuha ng Pledis mga gadgets ko. Syang naman yun, mukhang hindi ko na makukuha.
Tinext ko si Mama kasi alam kong galit na galit na yun.
Ma, si Tia 'to. pakisave, new number ko.. Tatawag ako ah, sagutin mo..
Maya maya dinial ko na yung number nya. Buti nalang kabisado ko yung number nya.
Nakailang ring din bago nya sinagot.
"Hello?" boses ni mama na mukhang kagigising lang. Teka anong oras na ba? Ala syete palang naman ah.
"Ma! Si Tia 'to!"
"Alam ko, tinext mo nga ako."
"Ma naman, pasundo naman oh.. Uuwi na ko."
"Sawa ka na ba sa tinitirahan mo at kaya ka uuwi ngayon?" may pagtatampo sa boses ni Mama. Huhu wag naman ngayon oh, kung kailan kailangan kita Mama.. "Mas mabuti pa, dyan ka nalang tumira habang buhay, tutal yan naman gusto mo. Nakakahiya ka, hindi ko nga mapanood yung mukha mo saTV eh. Nakakahiya ka talagang bata ka!"
Alam kong marami akong nagawang kasalanan kay Mama. Yung pagkukulang ko bilang isang anak sa kanya, at yung mga time na dapat inilalaan ko sa kanya hindi sa Nu'est. Alam kong nagawan ko siya ng kasalanan.. Hindi nya ako pinayagang tumira nung umpisa palang, pineke ko lang yung letter ng approval ng magulang kasi gustung-gusto ko talagang makasama sila..
Pero hindi ko naman alam na ganito yung magiging kahihinatnan ng lahat..
"Ma.." naiiyak na ko..
"Kahit kailan talagang bata ka, puro problema ibinibigay mo sakin!"
"Akala ko ba gusto mo kong makita sa TV? Hindi ka ba masaya kasi nakakasama ko yung mga taong mahal ko?"
"Ikinakahiya na kita. Yung sinabi kong magpapatarpaulin ako ng mukha mo kapag nalabas ka sa TV? Hindi totoo yun. Ayokong mapagtawanan lang ng mga kapitbahay at sabihing haliparot anak ko na titira sa bahay ng mga lalaki!"
Tumulo na talaga luha ko nang ibaba nya yung tawag. Ngayon at nakausap ko na si Mama, naintindihan ko na lahat.. Wala na.. Umpisa palang hindi na talaga maganda idudulot sakin.. Ako lang 'tong matigas ang ulo. Ngayon, ako din ang lugi.. Wala akong mapupuntahan..
Nakarinig ako ng kaluskos, at awtomatiko akong napatayo at nakiramdam sa paligid. Madilim na din kasi.. Kinakabahan na ako at namamawis na yung mga kamay ko. Nanlaki mata ko sa narinig.
"Miss mukhang nawawala ka ata?"
Agad akong napalingon sa likod.
BINABASA MO ANG
Rules are Rules ✔
Cerita PendekFan Fiction po ito :) Samahan ang ating bida sa pagtupad ng kanyang one and only wish para sa kanyang 18th Birthday--- Ang mapili para makasama nya ang ang idol group na matagal na nyang hinahangaan sa iisang bahay. Madami mang magalit sa kanya, hin...