Day 4
A/N: Updated na! Sorry, ito na siguro yung last na update sa ngayon. Busy eh, di ko pa sure kung makakapagtype ako sa bahay. Happy reading~
Advance Merry Christmas :)
Crysalis Tia Lim on the side~
3RD PERSON POV
(Para mas madali!)
Pinatawag ang lima ng kanilang manager kahit na hating gabi na. Ito lang kasi ang pagkakataon nilang makapag-usap since tulog na ang bisita.
Umupo silang lima sa tapat ng Manager nila. Nasa meeting area sila kung saan walang ibang pwedeng pumasok kundi sila lang.
“Ano tingin nyo? How’s the girl?” bungad nito sa mga lalaking inaantok na.
“Terrible.” Lahat sila napatingin kay Baekho. Mataman naman siyang tinitigan ng manager. “Bakit mo naman nasabi?”
“Eh, kasi unang una, sinilipan nya ako-“
“Wait, wait.. Let me correct you, it was an accident.” Putol ni Ren ditto. Medyo nainis naman si baekho sa sinabi nito.
“Kahit na. I’m sure ginusto niya rin.”
“Eh diba ok na kayo?” tanong ni Aron.
“As if totoo yun. Siyempre pinalabas ko lang na ok na kami para lubayan na nya ako. Kilala mo ako Aron.”
“That’s all? Sino pa may reklamo?”
“Ako!” nagtaas ng kamay si Jr. “Pinahiya nya ako!”
“BWAHAHAHAHAHA”
“Get lost! Mga hinayupak kayo! Tatawanan nyo nalang ba ako?”
“K-kasi naman…pff…” sinubukang magsalita ni Minhyun sa kabila ng pagtawa. “Masyado ka naman kasing magreact.”
“Ako pa ngayon ang may kasalanan?”
“Teka nga.. Ano ba kasi yung nangyari?” singit ng Manager na na-out of place na. hindi kasi makarelate.
Bago pa nila tuluyang masabi, dinaganan na sila ni Jr. Take note, silang lahat. Ganun siya kagaling.
“Sige, sabihin nyo! Ng kayo naman ang mapahiya!” banta niya sa mga batang nahihirapan na. Sa bigat ba naman niya, idagdag pa na patong patong sila ngayon. Ang mas kawawa ngayon ay si baekho dahil sya ang nasa pinakadulo.
“Fine.. Fine..” at doon lang siya bumangon.
Napakamot nalang ang Manager sa ulo. Mga bata talaga.
“Dalian na nga natin para makapagpahinga na tayo.”
“I like her.” Binalingan nila sir en. Sa p[agtitig nila, para bang nakagawa ng masama ang binata.
“kakainin mo din yang sinabi mo.” Saad ni baekho. Si Aron naman, isinalpak nalang ang earphones sa tenga na para bang naiirita na dahil kanina pa sila nag-aaway.
“Ano bang ayaw nyo sa kanya? Maganda naman siya, mabait, ma—“ naputol ang pagsasalita ni Minhyun dahil kay Jr.
“Teka, teka.. Don’t tell me gusto mo siya?”
“So? Is that a big deal?”
“Nakalaklak ka ban g shabu?” akmang susuntukin sana ni minhyun si jr pero agad itong napigilan ng Manager nila. Buti nalang at malapit sila kaya hindi natuloy ang balak. Tumulong na din yung iba sa pag-awat.
“Bitawan nyo nga ako!” pagmamatigas nya. Binatukan tuloy siya ng Manager. “Aray!”
“Tahimik!” yun lang ang tanging sinabi nito. Tumawa naman si Jr kaya ang nangyari, binatukan din siya nito ng mas malakas.
“Ikaw ang leader, dapat ikaw ang pinakaresponsable sa grupo. Nakakalimutan mo na ata yung tungkulin mo. Last warning na to, boys. Isa nalang at makakarating ‘to kay Mr. CEO.”
“Bahala nga kayo diyan.” Sabi ni Minhyun. Tinangka siyang pigilan ng Manager, ngunit hindi siya nagpapitlag, sa halip, ibinagsak pa niya ang pinto.
“Tapos naman na siguro ‘to diba? Matutulog na ako.” Paalam ni Jr.
“Ako din.” Sumunod na si baekho kay Jr at tanging naiwan nalang sa loob ay ang tatlo.
“mga batang yun talaga, ang hirap pagsabihan.” Komento ng manager matapos ihagis ang sarili sa mini couch. “Ren. Ano sa masasabi mo? Sa tingin ko kayong dalawa nalang yung makakausap ko ng matino.”
“Hmm, for me? As I said, I like her. She’s interesting for the way she acted na lumabas ang totoong ugali ni Baekho in the first day.. Ikaw Aron hyung?”
“Ha? Ano ulit yun? Ako ba kausap mo?” sabay tanggal ng earphones sa tenga. Nakatanggap tuloy sya ng mahiwagang sapak ng manager nila.
“Aray naman! Sadista nito!”
“Gusto mo pa?”
“Sabi ko nga hindi na… Ano nga ulit yun, Ren?”
“Hay, tinatanong ko kung ano masasabi mo sa fangirl natin.”
“Weird.”
“Weird?”
“Yup.”
“Eh bakit?” umayos muna ito ng upo bago magsalita ulit. “Eh kasi nung first day, nung kukuhanin ko yung Barbeque sa Ref, nakita ko siyang nakanguso sa doorknob. Hahalikan ata yun, ewan ko! Kaya ayun, weird siya para sa akin.”
“Weird nga!”
“Believe me.. Ikikiss nga ata yung doorknob natin. Bakit, ayaw ba nya sa atin? Ang weird nya talaga!”
“Yeah.. Bagay kayo, parehas weird.”
“Whatever you say,Ren.”
“Wait, mamaya na kayo maglaro.. may isa pa akong concern..” napatigil naman yung dalawa at humarap ulit.
“May gusto akong linawin sa inyo at pakisabi na to sa dalawang unggoy nay un.. Ang baba ng views ng latest show nyo. Marami ding comments na ang boring dawn g dating. Pinapaalalahanan ko lang kayo, make up with it ok? Nasaan na yung dati nong ginagawa? Dati naman wala tayong problema dyan ah.” Nagkatinginan lang yung dalawa sa narinig.
Matapos ang usapan, pinayagan na silang magpahinga. Sinabi na din ng Manager lahat ng napag-usapan maliban sa pag-aaway ng dalawa.
Back to her POV
“Minhyun? Di ka pa tulog?” san nanggaling yun? Nakasalubong ko siya. Mukhang asiwa pa nga yung histura nya. Tinignan lang nya ako saka naglakad ulit. Minhyun, pati ba naman ikaw iisnobin din ako? Wala man lang ‘Good Night’ o ngiti? Sinundan ko siya.
“Hey, ok ka lang?” nang humarap siya ay napatigil ako. “Mukhang hindi.” Sabi ko saka may kinuha sa bulsa. Kinuha ko yung kamay niya at ibinigay yung gamut sa sakit ng ulo. Mukhang may sakit siya eh, saka instant hamak to hoho..
“Inumin mo yan kung masakit ulo mo. Uminom ka din ng maraming tubig hanggang sa maging bundat ka na.. pero syempre biro lang hehe..” hala! Di siya natawa? Hayaan na, corni eh -___-
“Uh… Sige, Good night.” Paalam ko. Nagmadali akong umalis sa harap nya.
“Wait!!” tawag ata ako ni Minhyun? Napalingon ako.
“Thank you…” saka ngumiti ng mala anghel.. I’m in Heaven *u*
***

BINABASA MO ANG
Rules are Rules ✔
Historia CortaFan Fiction po ito :) Samahan ang ating bida sa pagtupad ng kanyang one and only wish para sa kanyang 18th Birthday--- Ang mapili para makasama nya ang ang idol group na matagal na nyang hinahangaan sa iisang bahay. Madami mang magalit sa kanya, hin...