"This will look good on you." Kanina pa ako nakanguso dahil puro revealing dress ang ipinapasukat sa akin ni Aèm.
"Masyadong kita ang cleavage ko, Aèm!" Humalukipkip ako kaya't umangat pa ng bahagya ang dindib ko.
"You look on fire, girl!" Kaunti na lang ay makita na ang mount everest at bermuda triangle ko.
"Mukha na ba akong kukunin ni satanas?" pabirong tanong ko. "Masyadong revealing, Aèm."
"Ano ka ba! Hindi na uso ang magpa manang-manang ngayon, 'no!" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inikot. "Ang ganda ng details ng likod!"
Ang isa namang ito ay itim na silk dress, medyo may kahabaan naman prro jusko lord! Hindi ko kinaya ang pa-cleavage at pa-backless ng lola niyo!
"Are you sure na throw party ang pupuntahan natin o stripping bar?" sarkastikong tanong habang pinapasadahan ng tingin ang aking kabuuan sa harap ng salamin.
Mula sa gilid ng mga mata ko, kitang-kita ko kung paano siya napatingin siya sa akin at nang magtama ang paningin namin, sabay kaming humagalpak ng tawa. Sa lakas nito ay naagaw namin angatensiyon ng ibang mamimili roon. Maging ang mga staff at pati na rin ang nasa counter. Nahihiyang napatakip ako ng mukha sakabahagyang siniko si Aèm na hindi pa rin tumitigil sa katatawa.
"Hey, Miss!" pagtawag niya sa isang staff roon. Nakangiti naman itong lumapit sa amin.
"We'll taking this," aniya saka itinuro ang dress na suot ko.
"Are you sure, Aèm?" nagdadalawang-isip na tanong ko. Tinignan ko ang nakasabit na price tag doon at halos lumuwa ang mata ko! "410$?"
"And that too!" turo niya sa dress na isinukat niya kanina. Iniwan niya ako saglit at kinuha ang card sa kaniyang bag. "Here."
"Do you sell bags or clutches?" muli niyang tanong habang pinapasadahan ng daliri ang bawat damit na madaraanan nito.
"Yes, Ma'am." Ngumiti muna ito bago kami talikuran. Mayamaya lamang ay bumalik siya sukbit ang anim na magkakaibang piraso ng mamahaling bags.
Umawang ang labi ni Aèm habang pinapasadahan ng daliri ang isang bag doon. "Dior!"
"I'll take this and—" binalingan niya ako. "How about you?"
I took a few deep breaths before answering, "Anything, Aem."
She gave me a sweet smile. "And—that one too!" Yinuro niya ang katabing bag ng napili niya.
"Kapagod, ang dami nating napuntahan." Kanina pa kami palakad-lakad sa loob ng mall.
"May two piece ka na?"
Nawala ang pagod ko at napatigil sa paglalakad. "Anong two piece?"
"Gaga, may pool party after!" Natawa siya at napailing na lamang. "Whatever! Marami akong gano'n sa condo. I'll gave you the hottest one."
Just as then, I put down all the shopping bags and checked my phone.
2 messages from Mc Kenzie
Mc Kenzie
Yeah, I forgot to tell you that there will be a pool party.Make sure to come!
YOU ARE READING
Take me down the road of Sacramento
JugendliteraturAce La Synfonic is a girl with a dulcet smile, so kind, so pure. With her white lies, she stands alone. She was a nuisance, a hard-headed brat and aspiring writer who was deeply infatuated with a future lawyer. Pen versus a scale, love beyond lies...