Forty three

3 3 0
                                    

"Talo na naman ako!" Inis na sigaw ni Aèm. Tawang-tawa naman si Fauro habang inaasar ang dalaga. Kanina pa sila naglalaro ng COD at kahit isang beses, hindi man lang nanalo si Aèm sa kanya.

Kung nagtataka kayo kung nanalo na ba ako sa kanya, oo, hindi pa nananalo si Fauro sa akin. Call of duty addict yata 'to noon.

Hindi naman sa pagmamalabis, naka-isang daang laro na yata ang dalawa. Limang beses lang ako naglaro dahil napakarami ko pang babasahing article. Kailangan ko kasing ma-memorize ang mga nilalaman ng makakapal na librong nasa mesa ko ngayon. Hindi sa pinipilit ako kun'di dahil required na iyon kapag pumasok ka sa pag-aabogasya.

Hindi naman magandang mangulangot ka sa hearing kapag tinapunan ka na ng mga articles ng kabilang panig, 'di ba? Kailangang kabisado ang mga sangay nito, ultimong sa pinakamaliit na detalye ng artikulo. Walang pinalalagpas ang hustisiya. Ang batas ay batas.

"Masyado kang seryoso, Ace." Tinapunan ko ng tingin si Aèm nang marinig ko ang pangalan ko.

Ngumiti ako at muling ibinalik ang atensiyon sa binabasa. "Mahal ang tuition, Aèm. Kailangan kong magseryoso kung gusto kong tumagal sa field na 'to."

"Okay. Whatever, sunog kilay queen." Naririnig ko pa rin ang sarkasmo sa tinig niya kaya't hindi ko maiwasang mapangiti.

Nagpatuloy silang dalawa sa paglalaro habang ako nama'y nakatutok pa rin sa mga papeles doon. "Fau," mahinang tawag ko. Sandali siyang tumigil sa paglalaro at lumapit sa akin.

"Bakit po?" magalang na tanong niya. Ibinaba ko ang suot na salamin saka hinilot ang sintido.

"May bilihan ba rito ng law books?" Nang magmulat ako ng mata ay nagtama agad ang paningin namin. "Marami pa kasing kulang dito sa binabasa ko, eh."

"Hmm—Mayroon naman. Sa Arizona," aniya habang nakangiti. Tumango ako at sinabing, "Thank you."

"Yes!" Halos mapalundag ako mula sa aking kinauupuan nang mangibabaw ang matinis na boses ni Aèm mula sa sala. Sabay kaming napatingin sa kanya at naroroon na naman ang kaniyang ngiting tagumpay. "Nanalo na ako sa 'yo, Fauro!"

"That's cheating," mahinang puna ng binata.

"I never cheated," she insisted.

Fauro's face strecthed into a wide grin. "You shoot me when I stopped playing, that's cheating."

"At least, I won!"

Hindi ko na pinansin ang pagbabangayan nilang dalawa.

Mama
Kumusta ka riyan?

Ace
Ayos lang po, Ma.

Mama
Mag-aral ka nang mabuti, ha? 'Wag puro gwapo ang hanap.

Ace
Hahaha.

Oo naman, Ma.

Ingat kayo r'yan ni Papa.

Mama
Aba'y, ikaw rin.

Take me down the road of SacramentoWhere stories live. Discover now