Fifty six

3 4 0
                                    

"First case mo 'yan?" awang ang labing tanong ni Fauro matapos mabasa ang annulment paper na ginawa ko para sa kliyente ko.

Hindi ko rin alam kung ano ba ang pumasok sa kukote ni Mc Kenzie at sa akin la ibinigay ang kasong ito. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero mukha ba akong broken, ha? Ni hindi nga ako maka-relate sa mga kwento ni Mrs. Empress, eh. But then again, work is work.

Tumango ako saka inayos ang mga nakakalat na papel na ire-review 'ko mayamaya lang. "Oo."

"What's the context?"

"Ayaw pumayag nung lalaki, mahal niya raw talaga ang asawa niya. Matagal din naghintay si Mrs. Empress sa asawa niyang umalis nang mahigit sampung taon. Just imagine, isang dekadang hindi ginalaw ang baso tapos babalik kung saan upos na ang kandila at nais na nitong makawala. Kalokohan."

Biglang umurong ang dila ko sa hindi malamang dahilan.

"Sino bang humawak sa kaso nung katunggali mo?"

Natigilan ako at binigyan siya ng inosenteng tingin. Napaisip ako saglit. Tumaas ang sulok ng aking labi saka tuluyang napangiwi. "Hindi ko pa alam, eh."

"Ahh," tahimik na pagsang-ayon niya saka umupo sa swelve chair doon. Inilibot niya ang tingin sa opisina ko na animo'y sinusuri ang paligid.

Judge Ruscitti
Nasaan ka na bang hipokrita ka? Nandito na 'yung kabilang panig, tangena nito.

Ace
Saglit lang. Inaayos ko lang bag ko. Otw na.

Judge Ruscitti
On the way papunta rito? Bilisan mo naman.

Ace
On the water.

Judge Ruscitti
Pusang gala, i-drop ko kaya 'tong kaso mo?

Ace
Char, heto na! Akala ko kasi 4 pm, 3:20 pa lang.

Judge Ruscitti
May lakad ako. Binigyan ko na rin ng notice 'yung kabilang panig. Kapag hindi on time ang abogado niya, punyeta! Siya ba manunuyo?

Agad kong tinawagan ang numero ni Mrs. Empress at sinabing pumunta siya sa korte bago mag 3:30 ng hapon. Napagkasunduan naming magkita sa labas ng court room.

"Eh, sinong judge ba ang hahawak nitong case?" tanong ni Fauro nang maisilid ko ang telepono sa loob ng briefcase kasama ng mga papeles na kakailanganin ko para sa paglilitis.

"Si Aèm," tugon ko. Nanlaki naman ang mga mata niya, namamangha.

"I guess, I'll free my time to watch you wearing that court gown and defend your client in front of our friend, Judge Aèm." Napailing na lang ako saka kinuha ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng mesa.

"Sasabay ka sa akin?" taas kilay na tanong ko ngunit umiling lamang siya saka ipinakita sa aking ang susi ng blue mustang niya. "I will tail you, Ace, until I find your tickle."

"Adik," tanging nasabi ko bago isinalpak ang sarili sa loob ng sasakyan at nagmaneho papalayo roon.

Take me down the road of SacramentoWhere stories live. Discover now