Forty eight

2 2 0
                                    

Mc Kenzie
I need you two in my office tomorrow morning. But if you're coming back to L.A today, I'll just send you an email. Thank you.

Ace
Rogger that!

"Sino 'yon?" Nagulat na pang ako nang may Aèm Ruscitti na sumulpot mula sa kung saan.

"Si Mc Kenzie, pumunta raw tayo sa office niya bukas."

Natapos ang buong sabado nang hindi namin namamalayan. Namingwit kami, naglakad-lakad at kung anu-ano pa. Kinaumagahan no'n ay kailangan ng umuwi ni Fauro dahil may pasok na siya kinaumagahan. I mean, first day niya sa B.A kaya dapat maaga pa siya bukas.

"Naku, eh, hindi na kayo magtatagal?"

"Ma, may pasok na kasi si Fauro bukas." Kinuha ko ang bag ko na nakasabit sa balikat ni Aèm. "Kami naman ni Aèm, wala pa kaming pasok bukas kasi lock session."

"Edi, magpaiwan na lang kayo," mungkahi niya ngunit napailing agad ako.

"Magpaiwan na lang kaya kayo?" Napapikit na lang ako nang gatungan iyon ni Fauro. "Kaya ko naman na ang sarili ko, Ace. Ang importante, mag-enjoy pa kayo ni Aèm."

"Hindi," pagmamatigas ko. "Sasama na kami, 'di ba, Aèm?" Binalingan ko siya ng makahulugang tingin ngunit binigyan niya naman ako ng inosenteng titig.

"I won't mind kung magpapaiwan tayo," parang batang sagot niya. "Ang sarap ng luto ni Tita at saka pinapapunta pa tayo ni Mc. Kenzie sa office niya bukas, hindi ba?"

Napailing na lamang ako. Alam kong nandoon na naman siya.

"Ace," Fauro called. "It's fine. Just enjoy the rest of your vacation." He gave me a mind relieving beam. He twisted around to face Mom and Dad. "Tito, tita, mauna na ho ako. Maraming salamat po sa masarap na pagkain," aniya habang nakangiti.

"Naku, hijo, walang problema. Bumalik ka hanggat gusto mo," natatawang tugon ni Mama saka inalalayan si Fauro palabas.

Mc Kenzie
Can you guys make it?

Ace
Yes, Sir.

Mc Kenzie
That's good.

See you, then.

Take me down the road of SacramentoWhere stories live. Discover now