Fifty five

4 4 0
                                    

"Dito mo ako picture-an, dali." Napailing na lang ako saka sinunod ang aming mayora. Pumwesto siya sa gilid ng kalsada at nag-pose ng kung anu-ano. Panay click naman ako ng camera.

"Alam mo bang hindi ako pumunta rito para maging photographer mo?" sarkastikong tanong ko. Ngumiti naman siya saka nag-peace sign.

"Ako naman ang picture-an mo, wala pa akong pang-IG, Aèm." Kanina pa kami naglalakad-lakad sa kalye at nakababagot talaga. Kinuha naman ni Fauro ang kaniyang camera at kinunan din ako ng litrato.

"Ngumiti ka naman, Ace." Binigyan ko naman siya ng nakalolokong ngiti.

"Maghanap kaya tayo ng museum?" mungkahi ni Aèm. "Oh kaya naman pumunta tayo sa instagramable place." Nagpauna siyang maglakad habang panay pa rin ang kuha ng litrato ng kung ano-ano sa madaraanan niya.

"Hanggang kailan tayo rito, Mr. Archi?"

He looked at me and beamed. "Until the next day."

Nasa kalagitnaan ako ng tahimik na paglalakad nang nagmamadaling bumalik si Aèm at bigla na lang sinunggaban ang mga mata ko. "Ang pangit ng view."

"Ano ba, Aem?!" Iritadong saad ko habang pilit na inaalis ang palad niya mula sa mga mata ko.

"Maganda kapag ganito ang pose natin, picture-an mo kami, Fauro!"

"Ano ba 'yan?! Mabubura ang make-up ko!"

"Ibibili kita ng bagong eye shadow palette." Mas lumalim ang gitla sa noo ko at buong lakas na inalis ang kamay niya. Katulad ng inasahan, nagtagumpay ako.

"Ano bang tinatago mo, ha?!" Inayos ko ang hibla ng aking buhok at Inilibot ang tingin sa paligid. Nakangiti sa akin si Aèm habang si Fauro ay hindi maipinta ang mukha, animo'y nakakita ng multo amputa.

"Nagpa-picture lang ako, 'di ba, Fauro?" aniya sa kasama ngunit tila nakalutang ang isip nito. Kinailangan ko pa siyang alugin at tanungin ng, "Ayos ka lang?" para mabalik sa katinuan.

"O-Oum, oo n-naman," nauutal na sagot niya. "Ito 'yung ano—'yung shot." Inilahad niya ang camera at mukha naman kaming sira doon. Halatang galit na galit ako at kunot na kunot naman ang noo ni Aèm.

"Sinira mo ang make-up ko para rito?" Iritadong tanong ko kay Aèm saka inalis ang tali ng buhok ko. "Minsan talaga ang hirap mo ring hulaan, Aèm."

"Tara, coffee." Hindi na ako nakatanggi sa paanyaya niya nang bigla niya na lang akong hilahin. Si Fauro ay wala man lang ginawa at parang tuta lang na sumunod, ngunit tulala.

Pinagsiklop ko naman ang mga daliri namin dahil baka masagasaan siya dahil sa kalutangan niya. Namula agad ang pisnge niya habang nakatingin sa aming mga kamay. Nang makarating kami sa kalapit na mall ay binitawan ko na ang kamay ni Fauro saka sinuri ang aking telepono na kanina pa nagba-vibrate.

Mc Kenzie
You'll be holding your first case. For futhermore discussion, come to my office. Make sure to bring Aèm with you.

Ace
Rogger that!

"Si Mc Kenzie?" taas-kilay na tanong ni Aèm. Tumango naman ako saka muling isinilid sa bag ang aking telepono.

Take me down the road of SacramentoWhere stories live. Discover now