Prologue

32.7K 833 337
                                    

PROLOGUE

"I said let's break up, Aaliyah... Wala nang papatunguan pa 'tong relasyon natin. I am better off without you. You don't deserve me, okay!?"

Nakayuko lang ako habang isinigaw ni Jasper 'yang mga katagang 'yan sa harapan ko. Ang sakit. Nawawasak ang puso ko.

At ang mas masakit... Pinagtitinginan na kami ng mga taong nandidito. Nakatitig ang mga taong nandidito habang sinisigawan niya ako kaya nakayuko lang ako.

"No... Baliktad ang sinabi mo! I am better off without you!" Isang napakalakas na sampal ang ginawa ko sa kaniya. Para ngang mas nasaktan pa ang palad ko.

"Sure, fine. Tatanggapin ko ang sampal mo, Iyah. Basta break na tayo." Durog na nga ako pero inulit niya pa kaya mas lalo lang akong nadurog. Sana tinakpan ko kaagad ang tenga ko nang sabihin niya 'yon.

I can't take this anymore.

Without saying any words, I turned may back to him. Kumaripas na ako ng takbo palabas sa cafe na 'to... Lumabas akong may dala-dalang sama ng loob at kahihiyan. Pero bahala na... Basta ang gusto ko ay makaalis na ako dito.

Naninikip talaga ang dibdib ko. To the point that I'll need to tap my chest in order to breath freely. Tangina. Fuck, ang sakit.

"Aaliyah." Si Jasper. He called me, more like he was commanding me to stop. Hindi ko alam na nakasunod parin pala siya sa'kin hanggang ngayon. Hindi ako natutuwa.

"Anong sinusunod-sunod mo sa'kin? Matapos ang ginawa mong pamamahiya sa'kin doon sa restaurant!? Ang lakas ng loob mong sundan parin ako."

Sinabi ko ang mga katagang 'yon nang hindi tumitigil sa paglalakad. Tuloy-tuloy lang ako. Wala akong balak na tumigil.

"Alam ko pero kailangan kitang ihatid... Dumidilim na. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo." He sounds sincere but still, it was still not enough for me. Hindi parin ako kumbinsido sa mga pananalita niyang 'yan. Ayaw ko siyang kasama.

"Layuan mo na ako, umalis ka na. I don't need your help, Jasper." Pagmamatigas ko. Niyakap ko kaagad ang sarili ko nang dahil sa malamig na bugso ng hanging bumalot sa katawan ko.

Jasper was right, it was getting dark. Magdidinner sana kaming dalawa kaso nga lang, bigla niyang inungkat 'yong breakup. Akala ko pa naman ay magsasaya kaming dalawa ngayong gabi pero hindi pala... Aayain lang pala niya akong makipaghiwalay.

"Fine then, tutal wala rin naman tayo. You're not my responsibility now, Aaliyah. Bahala ka na. Ikaw na nga 'tong inaalok..." He sounds dissapointed but for what? Dahil ayaw kong sumabay sa kaniya ngayong gabi? Then fuck him. Talagang ayaw ko! Matapos 'yong nangyari kanina, sasabay pa ako sa kaniyang umuwi na para bang walang may nangyaring sigawan?

"Talagang sobrang fine, Jasper, na umalis ka na." Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko.

I sighed in relief when he already stop following me. Hindi na niya ako sinusundan pa. Mabuti nga 'yon dahil marunong siyang umintindi.

Tama nga ang ilang mga kaibigan ko patungkol sa mga paalala nila sa'kin noon. Sabi nila, basta basketball player ay babaero, manloloko at saka cheater. Dalawang taon na kaming magkasama... But he only ended our relationship just because I can't give him everything that he needs. I bet, there's a third party. Noon ko pa napapansin 'yon pero binabalewala ko lang... Ngayong break up, lang namin, ko mismo ang naikumpirma ang lahat.

After Kissing a Girl (Varsity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon