15.2
Klayre's POV
I tried messaging Aaliyah... Pero hindi niya pinapansin ang mga messages ko sa kaniya. Naka-mute 'ata ako. O 'di kaya ignore.
To be honest, wala naman talagang balak si Aaliyah na i-accept ang friend request ko (ramdam ko iyon) Pero nang dahil kay Galaxia, saka na niya ako in-accept.
Yes, ni-request ko talaga kay Galaxia na pakiusapan si Aaliyah na i-accept ako! Mabuti naman at umubra yun kaya friends na kami ngayon ni Iyah sa facebook.
Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama ko, umaasang rereplyan ako ni Aaliyah. Kung ano-ano nalang amg mga pinag-gagawa ko talaga dito sa kama ko, nababagot at nag-aantay sa isasagot ni Aaliyah!
Nakakainis. Bakit ba kasi ang tagal-tagal niyang magreply!
Huhu. Try ko kayang i-text si Galaxia? Utusan ko kaya siyang sabihin kay Aaliyah na replyan ako? Pero hindi talaga pwede! Mas lalo lang magagalit si Iyah sa'kin at magiging suspicious ang lahat.
Binaon ko ang mukha ko sa unan at doon ko nilabas ang sigaw ko! Sigaw ng inis! Basta gano'n. Huhu. Bawal akong sumigaw ng sobrang lakas kasi baka magising lang si mama, e.
"Ma... May pupuntahan lang ako." Sabi ko kay mama habang inaayos ang buhok ko sa harapan ng salamin. Habang si mama, may pumupuksi siya ng mga malunggay.
Ang dalawang kambal naman na kapatid ko, nasa sala at nanunuod ng tv. Hindi na nga nila nagagalaw yung homework nila nang dahil sa sobrang tutok diyan sa pinapanuod nilang cartoons!
Bata kasi e, seven year pa ang mga 'yan kaya hindi ko sila masisisi.
Bahala talaga sila! Hindi ko a-answeran ang mga homework nilang yan. Masyadong spoiled at tamad. 'Pag hindi kasi nila natatapos ang mga schoolworks nila, sa'kin kaagad napupunta e. Syempre bilang older sister nila, it's my duty to help them. Masyado silang spoiled sa'kin! Ang bait-bait ko talagang ate, hays.
"Ate, ate!"
Yan na naman ang dalawa, sabi na nga ba, e. Mangungulit na naman ang mga 'to. Sabay pa silang naglakad papunta sa'kin.
"Oh, bakit?" Tanong ko kay Kio at Ryke.
Nakakunot ang noo nilang pareho sa'kin. May hinuhulaan 'ata 'tong dalawang 'to, halata kasi sa mukha. Hinuhulaan nila ako, a. Minsan gusto ko nilang pagbanggain ang utak ng dalawang 'to e, hays.
"Saan ka punta?" It was Kio asking.
"Diyan lang sa tabi-tabi." Ayaw ko nang magbigay pa ng details sa makulit na kambal na 'to.
"Ate, gusto namin pagkain. Bili ka mamaya pagkauwi mo. Please." Nagpapacute pa si Ryke sa harapan ko.
"Wala akong pera mamaya, a, kaya sorry." Paumanhin ko kaagad.
Ang takaw-takaw talagang kumain ng dalawang 'to, as in, kaya nga lumalaki ang tiyan ng mga 'to e. Hindi manlang mag-excersize sana. Pero kahit na gano'n, ang kyu-cute padin nila! Mabuti nga dahil unan ko silang dalawa.
"Kayo, huwag niyo na munang guluhin ang ate niyo. Gawin niyo nalang ang mga homework niyo." Suway nalang ni mama sa dalawang mga bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/291584568-288-k103885.jpg)
BINABASA MO ANG
After Kissing a Girl (Varsity Series #1)
Novela JuvenilVARSITY GIRLS Series (1/4) Perez X Ortega Volleyball X Softball