20
"One, two, three... Go!" Sigaw ni Coach Phillip nang inihipan na niya ang whistle.
Ako lang mag-isa ang tatakbo ng field ngayon! Walang kasama! Bilang consequence dahil nga masyado akong maraming violation na nagawa this past few days. Ngayon, nangangako na ako na hindi ko na uulitin ang mga 'yon!
Patatakbuhin ako ng dalawampung ikot dito sa oblong na field. Nakasuot ako ng sporty black short at saka pink adidas jersey. Babolat pa ang sapatos ko, which supposedly not good for running outside the field. Kaso lang, nakalimutan ko ang rubber shoes ko na ginagamit ko sa pagtakbo, e, kaya 'eto nalang ang ginagamit ko.
Halos masira na nga 'to, e, pero okay lang... Wala pa din akong balak humingi ng pera pambili ng bago sa mga magulang ko kasi hindi naman nila ako sinusupportahan sa pagiging varsity, e. Bahala na daw ako sa buhay ko kapag pinagpatuloy ko pa 'tong pagva-varsity ko.
Mag-iipon nalang ako ng pambing bago. Makakabili din naman ako ng bagong babolat ko o mizuno.
Tumakbo lang ako nang tumakbo. Hindi naman ako madaling mapagod, e, kaya hindi pa ako tumitigil para magpahinga. Titigil lang ako sa pagtatakbo 'pag kinakapos na ako sa paghinga.
Mabuti nalang na hindi masyadong malaki ang boobs ko kasi nahihiya ako 'pag tumatalbog ang boobs ko, e!
May mga baseball players rin dito na chini-checkout ako! Dito kasi ako sa field tumatakbo, e, obviously dito rin sila.
May sumisipol pa! Hindi kaya, tinatawag nila ako gamit ang apelyido kong nakaukit sa likod ng jersey ko! 'Eto ang sinasabi kong nahihiya ako 'pag sexy ang sinusuot ko, mayroon talagang mga lalaki na naninipol.
Disregarding them, tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Malapit ko na din namang makumpleto ang dalawampung ikot dito sa field. Ganito ako kabilis, mahaba kasi ang binti ko.
Hindi ako makafocus, nadidistract ako sa kumpulan ng mga softball players na tumatakbo na rin sa gitna ng field.
Si Klayre kaagad ang hinanap ko.
Magsisimula na rin siguro ang practice nila.
Nakita ko na siya! Napagdesisyunan ko nalang na bagalan ang pagtakbo ko para makita niya din ako. 'Eto siguro iyong kinukwento ni Klayre sa'kin na tuwing hapon ay naglalaban ang softball at baseball players sa field.
Nagpapakita daw siya ng no remorse at no mercy sa tuwing may laban siya. May yabang na kinukwento ni Klayre sa'kin iyon. Kaya niya daw pagbagsakin ang mga baseball players. Natawa nalang ako.
"Hello."
Napatingin kaagad ako sa babaeng nagtatakbo din. Magkatabi na kami ngayon. Nakasuot siya ng softball uniform. Assuming it was Klayre's teammate.
"Hi." Ngumiti ako.
"Diba kaibigan ka ni captain Klayre, Aaliyah right?" She asked, creasing her forehead.
I slowly tilt my head towards her. In a slow pace of motion, wala sa sarili akong napatingin. Hearing Klayre's name, napapangiti nalang ako.
"Oo, bakit?" Tanong ko rito.
"Wala lang. Mabuti nalang may kasama akong tumatakbo dito sa field. Nakakahiya kasi 'pag mag-isa lang ako, e. Hehe." Natawa siya pagkatapos.
![](https://img.wattpad.com/cover/291584568-288-k103885.jpg)
BINABASA MO ANG
After Kissing a Girl (Varsity Series #1)
Teen FictionVARSITY GIRLS Series (1/4) Perez X Ortega Volleyball X Softball