05
"Hoy, may sasabihin ako sa'yo. Buksan mo muna ang pinto."
Tamad akong napatayo nang biglang kumatok si Galaxia sa pinto ko. Makautos, parang nang-aamok siya ng away. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa'kin ang walang emosyon niyang mukha. Nakakrus pa ang kaniyang braso sa dibdib niya.
Sabado ngayon, buong magdamag lang akong nandito sa kwarto ko kasi tinatapos ko ang lahat ng mga schoolworks. Tinatamad na rin akong lumabas. I prefer to stay here in my room all day.
"Bakit?" I asked Galaxia.
"Add mo si Klayre Ortega sa facebook ngayon."
Mapakla akong natawa sabay kunot ng noo. "What are you talking about, Galaxia?!"
Teka, magkakilala ba sila ni Klayre!? Paano sila nagkakilala!? Ipinagkalat ba talaga ni Klayre ang nangyari sa'ming dalawa?! Walang hiya 'yon! Humanda talaga siya sa'kin bukas!
"Si Klayre Ortega, iadd mo daw ngayon sa facebook. May itatanong lang." Pag-uulit ni Galaxia sa sinabi niya kanina.
Napangiwi ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko!
"Paano naman kayo nagkakilala ng babaeng 'yon?! The fuck, Galaxia, huwag ka ngang lumapit-lapit sa babaeng 'yon. Mukha siyang tomboy, eh. Baka magustuhan ka no'n!" Asik ko. Ramdam na ramdam ko na naman ang gigil ko sa babaeng 'yon. Hindi pa umuupa!
"Hindi 'yon tomboy. Inutusan lang ako ng kaibigan niya." Paliwanag niya. "Nga pala, kayong dalawa ni Klayre Ortega. Paano kayo nagkakilala ng babaeng 'yon?" Pinangkinitan pa ako ng mga mata ni Galaxia.
Kinabahan ako! Namawis ang noo ko at napalunok pa ng malala!
Damn her! Kasalanan lahat ni Klayre 'to kung bakit kinakabahan ako! Straight ako! Ayaw kong isipin ni Galaxia na liko ako.
"Doon sa university. Softball player siya. Sa tuwing may practice, halos malapit ang kasi sa field ang volleyball court kaya nagkikita kami doon." Pagsisinungaling ko.
Maganda na siguro ang rason na ginawa ko para naman maniwala 'tong si Galaxia! Sana nga maniwala siya kasi hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot ko kung magtanong-tanong pa siya, eh.
"Sige, iaadd mo na ba siya ngayon?" She asked. Nakahinga naman kaagad ako ng maluwag nang maniwala si Galaxia sa'kin.
At saka wala talaga akong balak na iadd ang babaeng 'yon! Like, para saan? Gustong-gusto ko kasing makalimutan na 'yong bangungot na nangyari sa pagitan naming dalawa. Paano ko naman magagawa 'yon, e ang kulit ng babaeng 'yon! Ang kulit ni Klayre!
Cursed her! Hindi siya marunong makinig sa pinag-usapan namin. Marunong na siyang mangulit ngayon. Todo iwas nga ako pero todo lapit naman siya. Naiirita ako!
"Pag-iisipan ko muna." Kalmado kong sagot kay Galaxia.
"Nililigawan ka ba ni Klayre?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Kung may tubig lang sana ang bunganga ko, kanina ko pa sanang naibuga 'to kay Galaxia! Nandiri ako sa tanong! Si Klayre, liligawan ako? Now way!
She also hates me, I sensed that! Kaya bakit naman niya ako liligawan? Ang imposible kaya! Pero kung sakali mang manligaw siya sa'kin, hindi ako papayag! Hinding-hindi talaga.
"Hindi niya ako nililigawan. Ligaw kaagad? Bakit mo naman nasabi, e babae 'yang si Klayre. Straight ako at straight siya. Straight kaming pareho." Sagot ko kay Galaxia sabay ngiwi. "We are not compatible with each other, okay? I am only into men. Not girls." Sabi ko pa.
Umiling siya at humikab. "Sige."
"Ikaw naman, Galaxia, paano kayo nagkakilala ng Klayre Ortega na 'yan?" Pinagkrus ko ang dalawa kong braso sa dibdib ko at tinaas ang kilay ko.
"A common friend."
"Paano? I mean, iexplain mo kasing mabuti! Naguguluhan kaya ako mga sinasabi mo. Hindi ka kasi marunong mag-explain." Kamot-ulo kong sabi kay Galaxia.
Siya 'yong tipo ng babaeng parati nalang may thrill sa mga salita niya. Siya 'yong pabitin, 'yong tipong ipapahula niya muna mismo sa'kin ang sasabihin niya. Kapag nainis ako, saka na siya magsasalita.
"Si Nex, kaibigan niya si Klayre. Alam siguro ni Klayre na magkaibigan tayo kaya sinabihan ni Klayre si Nex na sabihin sa'kin 'yon. Iyon nga, na iadd mo si Klayre." Paliwanag niya.
Nangunot ang noo ko.
"Si Nex ba 'yong badminton player?" Nacurious tuloy ako. "Ariannex Del Valle?" Full name ng babaeng 'yan kahapon. Nakita ko mismo sa kaniyang jersey kahapon.
Si Nex 'ata 'yong babaeng badminton player kahapon eh, 'yong matinding mang-asar noong nakaraan sa aming dalawa ni Klayre. Inaasar niya kami ni Klayre kahapon, as in, na para bang tuwang-tuwa pa siyang makita kaming dalawa ni Klayre na nag-aaway.
"Oo, Ariannex Del Valle. Siya 'yong sinasabi ko sa'yo na parati kong nakakausap, na tiga-Hawks." Umiwas pa siya ng tingin sa'kin sabay buntong hininga. "Gutom ka na ba? Pwede akong magluto sa'ting dalawa."
Natawa ako.
Iniiwasan ba ni Galaxia na 'to ang tinanong ko? Kaibigan lang ba talaga sila ng Ariannex na 'yon?
Noon ko pa napapansin, na may babaeng kinikita parati si Galaxia. Pagkatapos ang mga rason niya sa mga 'yon ay mga kaibigan lang daw niya ang mga 'yon. Wala ng iba. Naniniwala naman talaga ako sa kaniya. Hindi naman siguro magsisinungaling 'tong si Galaxia.
"Sige, tawagin mo nalang ako 'pag nakaluto ka na. May tatapusin lang ako sa kwarto ko." Sabi ko sa kaniya.
Bumalik na ako sa kwarto at umupo ulit sa harapan ng study desk ko. Kailangan ko nang tapusin ang dapat na tatapusin.
Tulad ng sinabi ni Galaxia, in-add ko nalang ang Klayre sa facebook ko. Magpasalamat ang Klayre na 'yon dahil si Galaxia na mismo ang nagsabi!
Wala pang ilang minuto, hindi pa nga ako nangangahalati sa sinusulot ko ay may natanggap kaagad akong notif. It was Klayre!
Ang flirty niya, and I don't like it!
Ang bilis niyang magchat! Kakaaccept ko pa nga lang sa kaniya, eh. Ibig sabihin, inaabangan niya talaga 'yong pag-add ko sa kaniya.
Klayre:
Goodafternoon, busy ka ba?
Me:
Hindi. Bakit?
Nagreply nalang ako. Wala naman sigurong may masamang mangyayari, eh.
Klayre:
Wala lang. Aayain sana kita mamayang hapon.
Natawa ako. Nagpapatawa ba 'tong si Klayre? We're not even friends! Ang lakas naman ng loob niyang ayain ako. Hindi pa nga rin komportable ako loob ko sa kaniya, eh.
Pinatay ko nalang ulit ang cellphone ko. Hindi na ako nagreply, pakiramdam ko naaaksaya lang ang oras ko sa kaniya, eh. Nagreply rin naman ako, kaya bahala na siya diyan. Ayaw ko na siyang pansinin.
M s S A V A Y G E
BINABASA MO ANG
After Kissing a Girl (Varsity Series #1)
Roman pour AdolescentsVARSITY GIRLS Series (1/4) Perez X Ortega Volleyball X Softball