18
Kasalukuyan, maaga na naman akong sinundo ni Klayre. Halos araw-araw, maaga talaga kaming pumapasok para hindi masyadong matao doon sa campus. Gusto niya kasing maglakad-lakad doon habang nakaholding hands, e.
And it's not a problem for me. Kahit na inaantok ako minsan, gigising padin ako ng maaga para sa kaniya. Maaga na din kaming natutulog tuwing gabi para hindi kami gumising ng puyat tuwing umaga.
Medyo madilim pa ang kalawakan at malamig habang naglalakad kaming dalawa ni Klayre. While holding Klayre's hands, it's warm. Mainit-init ang kamay niya kaya hindi ko binibitawan 'eto kanina pa.
"Ang blooming mo ngayon, ah." Ani Klayre. Dinadala pa niya sa likuran ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha ko.
"Ikaw din... I'm just happy." Sabi ko at humiga sa balikat niya.
"Mas masaya ako." Aniya at hinalikan ang kamay ko.
"Nga pala, baby, 'yong parents mo... May balak ka bang sabihin sa kanila 'etong patungkol sa'tin?" Malambing niyang tanong. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Klayre sa kamay ko.
Umiba ang ekspresyon ng mukha ko.
No... Wala talaga akong balak na sabihin sa kanila. Alam kong magagalit lang sila at madidismaya.
They will think that I'm crazy. Ang mga magulang ko, alam kong hindi sila maniniwala na mahal ko si Klayre. Iisipin nila na kahibangan ko lang ang lahat ng 'to... Hindi lang 'yon, baka papalayuin lang din nila ako kay Klayre at hindi na papabalikin pa dito sa Iloilo kahit kailan.
Natatakot ako.
"Don't worry, malalaman din nila, okay?" Pagsisinungaling ko. Kahit na ang totoo, wala naman talaga akong balak sabihin sa mga magulang ko. Ayaw ko lang madismaya si Klayre kaya sinabi ko 'yan. I don't want to hurt her feelings.
"Sige, basta ako, sigurado naman akong tatanggapin tayo ni mama..." may assurance na sabi ni Klayre, hinalikan pa niya ang tuktok ng kamay ko.
"Paano kung hindi?" I asked her in my low voice.
"Ipaglalaban kita." Aniya.
I just smiled. Hindi na ako sumagot pa.
I wished I have that courage same as Klayre... But sadly I don't. Takot ako. Hindi ako katulad ni Klayre na matapang. Kasi galing kami sa iba't ibang pamumuhay, e. I live all my life proving something for my parents. And I don't want to see their dissapoinment with me... Kapag nalaman nilang nakikipagrelasyon ako sa katulad kong babae.
Gusto nilang magkaapo sila... Na magkaanak ako... Isang bagay na alam kong hindi maiibigay ni Klayre sa'kin.
But still, I love Klayre. It doesn't matter to me anymore. As long as we're happy and Inlove with each other, alam kong wala kaming ginagawang masama.
For me, being a mother is a choice and not an obligation... And if being with Klayre have a consequence of having no children at all, then I will choose not to. I won't leave Klayre, I'll stay by her side 'till the very end. This is my choice that I won't regret.
Basta mahal ko siya, wala na akong pakialam pa sa mga sasabihin ng iba.
"Klayre..."
BINABASA MO ANG
After Kissing a Girl (Varsity Series #1)
Roman pour AdolescentsVARSITY GIRLS Series (1/4) Perez X Ortega Volleyball X Softball