25.
"Saan na ba tayo? Baka nawawala na tayo, by, ah." Kinakabahang tanong ni Klayre sa'kin.
Sampung minuto na kaming naglalakad nang naglalakad pero hindi padin kami nakakarating sa destinasyon namin. Sa tansya ko, ilang minuto nalang ay makakarating na talaga kami doon. Kaunting lakad pa talaga.
Medyo malayo na kami sa coastal area. Sa likuran kami ng hotel dumaan, e. May maliit na valley kasi sa likod ng hotel. Nasa tuktok kasi ng hills nakatayo ang hotel rito kaya bumaba kami ni Klayre dito sa valley. Na sa tingin ko'y hindi pa napupuntahan ng kahit kanino.
Since I was a kid, mahilig na talaga akong mag-explore kung saan-saang parte ng Alona, e. Mula sa malalim na karagatan hanggang sa makipot na mga kweba, ine-explore ko ang mga 'yon.
Gano'n talaga kapag bored ako at wala akong makausap. Hays.
We are at the other part of the beach now. Walang tao dito, kami lang ni Klayre. Maputi din ang buhangin dito. But the difference is, the waves at the main part of Alona beach is rebellious. While the waves here at the other part is calm and serene. I like here more. Kaming dalawa lang ni Klayre, kuntento na ako.
Klayre and I with the waves, white sand, rock formations and even the blue skies! Perfect spot ito para mag-date kami ngayon.
A peace of Heaven. It's like boracay but with a peaceful crowd. This is a nice place to unwind. To reflect. To relax. And to meditate.
"Ingat," sabi ko kay Klayre kasi nakita kong nadulas siya habang paakyat sa bato.
"Sorry, madula kasi, e." Aniya. Hinawakan ko pa ang kamay niya para alalayan siyang makaakyat dito.
Umaakyat kasi kami ngayon sa mga naglalakihang bato makaabot sa destinasyon namin, which is the hidden cave. Sa palagay ko nga, ako lang ang nakakaalam dito sa Alona na mayroong kweba dito. Sila Papa, hindi pa siguro. Syempre malikot ako, e, kung saan-saan ako nakakarating. Saka hindi din ugali ni Papa ang tumungo dito sa other side.
"Wow. Ang ganda dito, ah." Manghang sabi ni Klayre nang makarating kami dito sa kweba.
Overlooking ang dagat dito. Mula dito, natatanaw ko ang mga mangingisda mula sa kalayuan. Para kaming nasa tuktok ng bundok pero nandito sa loob ng kweba.
"Alam mo, dito ako pumupunta sa tuwing pinapagalitan ako noon. Wala kasing may nakakaalam patungkol sa kweba na 'to, e." Kwento ko sa kaniya.
Bumuntong hininga ako at sabay kaming umupo dito sa kinatatayuan namin.
"It's beautiful here." Klayre smiled. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang tuktok no'n.
Tahimik dito kapag ako lang mag-isa ang pumupunta. Ang patak ng tubig lang ang naririnig ko o 'di kaya tunog ng mga paniki. Hindi ako pumupunta dito tuwing madilim ang panahon kasi natatakot ako, e, tuwing umaga lang talaga.
"Kung mawala man ako, dito mo ako mahahanap, ah..." natatawa kong sabi.
Natawa lang din siya sabay iling. "Sure." Hinaplos niya ang legs ko. "By the way, sigurado ka ba na wala pang may nakakaalam sa lugar na 'to? Parte pa ba 'to ng Alona?"
"I think so. Other side na kasi 'to ng Alona, e. Sa tingin ko, wala pang may nakakapunta dito kasi malayo 'to sa coastal area ng Alona. Hindi 'to sakop ng resort." Ang sagot ko.
"Sige..." humiga siya sa balikat ko.
"Klayre," tawag ko.
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
After Kissing a Girl (Varsity Series #1)
Novela JuvenilVARSITY GIRLS Series (1/4) Perez X Ortega Volleyball X Softball