04
"Ang sarap... masarap ba?" Nilagyan ko pa ng isang sandok ng kanin ang plato ni Galaxia kasi masarap ang kinakain namin ngayon, eh. Baka nahihiya lang siyang kumuha pa kasi nandito ako.
Nasa seafood restaurant kami ngayon. Baka hindi namin maubos ang lahat ng mga 'to. Ang dami kasi, eh.
"Huwag mo na sanang nilagyan, busog pa ako." Malumanay na reklamo niya. Bumuntong hininga pa siya. "Bakit mo kasi nilagyan pa ng kanin?" Reklamo pa niya.
"Syempre, sayang 'pag hindi natin naubos, eh. Dapat maubos natin 'to, no. Ang dami mo kasing inorder pagkatapos hindi mo naman mauubos." Sabi ko sa kaniya. Busy pa ako sa kakahalo ng kanin ko sa sauce ng alimango. Ang sarap kaya ng sauce.
"Itake out nalang natin mamaya." Suhestiyon niya. "Kakain ka pa ba? Pwede bang sa labas nalang kita intayin?" She then ask me. Napanguso ako sa sinabi niya. Ayaw ko kayang iniiwan ako dito.
"Dito ka lang, hintayin mo nalang ako. Malapit na kaya akong matapos." Ngumiti pa ako nang sobrang lapad kay Galaxia. Nagpapacute ako para maniwala siya.
Ngumisi lang siya, wow. Nagpapacute na kaya ako sa kaniya. Habang siya, walang kaeffort-effort lang niya akong nginisian. Wala talagang appreciation si Galaxia sa katawan niya.
"Oo na," Galaxia said, defeated. "Kamusta na pala kayo ng Jasper na 'yon? Anong nararamdaman mo?" She then asked. Malamig na naman ang mukha niya. Hindi ko matukoy kung concern ba talaga 'tong kaibigan ko sa'kin.
"Nag-usap kami kanina... Nalaman ko na ang lahat ng dahilan niya. Masakit pero kakayanin." Peke pa akong ngumiti, nagbabasakaling maniwala si Galaxia. Hindi niya sana mahulaan na maiiyak ako.
Kapag naoopen up si Jasper sa usapan namin ni Galaxia, kumikirot parin ang dibdib ko. Hindi lang naman kay Galaxia kundi sa iba ko pang mga nakakausap. Nasanay kasi ako... Nasanay akong ikwento at ipagmayabang si Jasper sa mga kaibigan ko o sa kung sino man. Pero ngayon, nagsisisi ako.
Next time, hindi ko na talaga gagawin 'yon! Magiging lowkey na talaga ako. Para sa huli 'pag nagbreak kami, walang sisihan. Kung lang kasi walang-wala pa akong balak na pumasok ulit sa isang relasyon.
"Sabihin mo sa'kin kung may ginawa siya sa'yo... Poprotektahan kita." Sabi ni Galaxia. Nakatitig siya sa mga mata ko kaya halatang sincere siya sa kaniyang mga sinasabi.
Ngumiti ako. Her words will always be my embrace, para akong niyayakap ng mga salita ni Galaxia. Dahil do'n, pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa.
"Sandali, may bibigyan lang ako."
Pinatay ulit ni Galaxia ang makina ng motor niya. "Hintayin mo nalang ako dito." Dagdag pa niya.Bumuntong hininga. Pinagmasdan ko lang si Galaxia na maglakad papunta doon sa pamilya ng pulubi. Inabot ni Galaxia sa pamilya ang mga pagkain na-takeout namin kanina. Nagpaalam pa si Galaxia sa'kin kanina kung pwede niyang ibigay 'yong mga pagkain sa pulubi. Um-oo kaagad ako. Sobra din naman kasi ang pagkain naming dalawa.
Cold but kind, that's what I can decribed Galaxia's heart as of now. Minsan kasi hindi siya ganiyan, eh. Minsan wala siyang pakialam sa sobrang pagkacold niya.
Nang makarating ako sa apartment namin, nauna na akong pumasok. Magpapaiwan pa si Galaxia sa labas, may aayusin lang daw siya sa motor niya.
Hinayaan ko lang siya, para lang niyang anak ang motor niya. Alagang-alaga. Ang motor niya lang mismo ang nasa puso niya. Hays.
BINABASA MO ANG
After Kissing a Girl (Varsity Series #1)
Teen FictionVARSITY GIRLS Series (1/4) Perez X Ortega Volleyball X Softball