24: Hidden Paradise

4.8K 238 7
                                    

24.

"Pasensya na kayo kanina, huh. Ganoon talaga sila, e. Busy kasi sila, e, kaya umalis sila kanina sa harapan ng hapag..." paumanhin ko sa kanila. Parang ako ang nahihiya sa inasta ng parents ko kanina, e.

"That's okay. We understand your parents naman. My parents are just like them too. Inuuna ang trabaho." Sagot ni Gaile.

Nandito sila sa kwarto namin ni Klayre. May bar gin din sa harapan namin. May pulutan ding mga chicharon.

Bawal talaga kaming uminom but what can we do? Gusto ko, e. Ngayon lang naman tutal wala namang may susuway sa'min. Wala dito ang mga coach namin.

"Iyong mga parents mo, pansin ko lang may pagka-strict. Nahihirapan ka din ba minsan mag-cope sa ganiyan? Parang nagagawa mo padin naman ang gusto mo?" Summer asked.

"Oo nga. Pero mabuti nalang hindi strict ang mga parents ko katulad ng sa'yo." Usisa din ni Ariannex.

"Uhm, you're right. Nahihirapan ako 'pag ganiyan. Kasi strikto si papa. I'm having trouble adjusting with my parents. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sundin. Ang gusto nila... O ang gusto ko."

Bahagya akong humiga sa balikat ni Klayre. Kaagad din naman niyang hinaplos ang ulo ko gamit ang palad niya. She's also combing my hair using her fingers. With a combined tingling sensation and also some butterflies in my stomach, I can't stop myself but to smile.

The way how Klayre brush my hair, I'm relaxed. Nakangiti ako habang nakatingin sa kaniya.

Nang maramdaman kong malagkit na ang galawan namin ni Klayre sa isa't isa. Nawala sa isipan ko na may kasama pa pala kaming iba dito. Heck. Gusto kong sampalin ang sarili ko.

"Alam na namin. May pa-secret pa kayong nalalamang dalawa." Bulgar ni Ariannex.

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?!"

"Oo." Aniya.

"Wa-wait. Paano?" Isa-isa ko silang tinitigan pero kay Galaxia lang tumigil ang mga mata ko. Siya ang suspetya ko dito. "Galaxia sinabi mo?"

"Hindi, bakit ko naman sasabihin?" Kaswal niyang sagot.

"By, I'm sorry."

Napatampal ako ng noo ko.

"Klayre." Seryoso akong napatingin sa kaniya. "Hindi mo manlang ako pinaalam sa'kin ang patungkol diyan. Todo sikreto ako kanina pa pagkatapos alam na pala nila?"

'Yan, patay ka ngayon." Nakangising sabi ni Summer. Parang matatawa pa.

"Sorry na," niyakap ako ni Klayre sa bewang. Sobrang higpit. "Hindi na ako makatiis, e. Atat na talaga akong malaman nila na tayo na. Basta 'yong feeling na; sobra akong masaya tapos gusto ko lang ishare sa mga nakapaligid sa'kin. Ganoon, Iyah..." todo paliwanag siya. Ang tanging nagawa ko lang ay ang makinig. Because it still have a sense tho.

"Don't just keep it a secret, Iyah. To be honest there's nothing to be scared of. Don't fear about the opinion of others. Sa totoo nga masaya kami para sa inyo..." Gaile said as she smiles widely.

"Oo nga..." singit ni Ariannex.

"Alam naming lahat... Ikaw lang ang inaantay namin na magsabi, Aaliyah." Si Galaxia.

I used my palm to cover my face. I'm blushing in the middle of this conversation. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit 'tong pisngi ko. Grr... Nahihiya akong makita nila ang nangangamatis kong mukha.

"Fine. Oo na. Totoo iyong sinabi ni Klayre sa inyo na kami na. Okay?"

After that, sinabunutan ako ni Ariannex sa kilig pati na rin si Klayre ay sinabunutan niya. Pero dahil competetive 'tong si Klayre, sinabunutan din niya si Ariannex. I just laughed. Everything is chaos now... Chaosly making memories.

After Kissing a Girl (Varsity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon