12: Poisoned Kiss

9.4K 406 29
                                    

12

"Alis na tayo?"

Napalunok ako nang malala nang maitanong ko kay Klayre 'yan.

We'd been sucking and french kissing for almost five minutes already! Dapat nang itigil kasi baka may makakita pa sa'min dito. Natatakot ako 'pag nangyari 'yon. Baka kaming dalawa pa ang magiging topic sa buong campus 'pag gano'n.

"Bitin." Parang ang sama ng loob niya.

What?!

Anong bitin?

Matapos 'yong marahas niyang pagkagat at paghigop sa labi ko, bitin pa din? Dammit. Halimaw ba ang babaeng 'to?

I can't believe this girl!

Siya na nga ang pinagbigyan dito eh, siya pa ang may lakas ng loob na magreklamo na bitin.

Yes, ginusto ko din naman ang halikan naming dalawa. Hindi ko itatanggi na nag-enjoy ako pero... Siya kaya ang nagfirst move! Siya ang naunang naglapit ng labi namin sa isa't isa.

"Hindi kaya bitin, okay na 'yon," mabilis kaagad akong umiwas ng tingin. Namumula ang pisngi ko. Ayaw kong nakikita niya akong nagiging kamatis. "Umalis ka na nga. Ang bigat mo kaya." Reklamo ko pa.

Klayre is still sitting on my lap.

Hindi ko siya maitulak-tulak kasi ang higpit ng pagkakayakap niya sa leeg ko. Both of our eyes are even locked with each other. Parang may kung anong kuryente pa ang dumadaloy sa dugo ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Bakit?" Lumunok ako.

Sa wakas, nakapagsalita din ako! Kanina pa talaga ako speechless habang nakatitig sa kaniya.

"Nagustuhan mo ba?"

Is she pertaining about the kiss?

"Hmm... I do-don't know... Hindi ko alam, Klayre," tumigil ako. Self realization.

Hindi na dapat niya tinatanong 'yan! I kissed her back, so that literally means that I like the kiss!

Nagustuhan ko, oo! Pero ayaw kong umamin nang harap-harapan sa kaniya! God, I am embarassed! I just can't say it directly.

"Pulang-pula ka ngayon at hindi ka diretsiyahang makatitig sa mga mata ko... So that means, nagustuhan mo talaga." Sabay kindat niya sa'kin. Kanina pa siya pakindat-kindat sa'kin kaya... Wala siyang kaalam-alam, na palihim din akong ngumingiti.

Isang seryosong titig lang ang nakikita niya sa mukha ko pero wala siyang kaide-ideya kung ano na ang nangyayari sa kaloob-looban ko.

Minsan nga'y kinakagat ko nalang ang dila ko para hindi ngumiti sa kaniya, bahala na kung dumugo 'to.

Hindi niya lang alam pero malaki 'yang impact sa'kin nang pakindat-kindat niya... Ang puso ko, hindi ko nga malaman kung bakit nag-aalburuto.

Mas lalo akong nahiya. She doesn't need to tease me... Baka sa susunod, hindi ko na talaga siya bibigyan ng halik katulad nito.

"Ewan ko sa'yo, Klayre, umalis ka na nga sa'kin." Pag-iiba ko nalang ng usapan kasi ayaw kong sagutin 'yong binibintang niya sa'kin.

"Hindi ako aalis kasi hindi mo pa sinasagot ang-" mabilis ko na siyang pinutol.

"Fine then!" Marahas kong sigaw at banayad na ngumisi. "Oo, nagustuhan ko! I really liked what happenned earlier, Klayre. So? Are you happy now, dahil napaamin mo ako? Masaya ka na ba sa narinig mo?"

She blushed... Because her cheeks got red all of a sudden. Pati ang kaniyang tenga ay namumula. I got it, sa kaputian ni Klayre ay hindi niya maitatago ang pamamakat na pamumula sa kaniyang mukha.

Kinikilig siya, huh?

I laughed softly.

"Bakit hindi ka makasagot?" Hinawakan ko ang bewang niya at pinisil 'yon. Nagustuhan niya 'ata ang paghimas ko sa bewang niya kasi napaangat kaagad ang gilid ng kaniyang labi.

"Kung sino ang mas kinilig sa'tin, edi siya ang tibo! Ikaw ang mas kinilig sa'tin, Klayre, ibig sabihin ikaw ang tibo!" Ngumisi kaagad ako pagkatapos. Hindi ako magpapatalo dahil paninindigan ko ang pinaniniwalaan ko!

Sasabog talaga ako sa inis 'pag nagpumilit pa si Klayre na ako ang tibo dito! Kasi alam ko kasi sa sarili kong straight ako!

And that would never change,

. . . Oo straight ako. Kaso nga lang, BAKIT KO NGA BA nagustuhan ang halik na iginawad namin ni Klayre sa isa't isa? Oo, sobra kong nagustuhan. What I mean by that is, that's the most passionate kiss that I had experienced. It's already my favorite kiss.

Favorite kiss... Pero sa isang babae ko pa naexperience!

"Ikaw ang tibo kasi kung saan-saan mo nalang idinadampi ang mga palad mo, dito sa iba't ibang parte ng body parts ko. Tell me, gusto mo ang katawan ko, 'no?" Mapang-akit niyang tanong.

"Aba, ikaw nga, nagfe-feeling lalaki, e. And also, you even kept on acting like my boyfriend even if you're not! So, sino ang tibo?" Pakikipagtalo ko parin. Ayaw ko talagang matalo dito!

Makikipagtalo talaga ako hanggang sa umamin si Klayre sa totoong sa pagkatao niya! Sa totoong budhi niya.

'Pag umamin siya, edi tapos na ang usapan. Hindi ko naman siya ijujudge at huhusgahan agad-agad... Hmm well, tatanggapin ko naman kung sakali mang baliko talaga siya.

Wala sa isipan ko ang mangjudge... Baka 'yan ang ikinatatakot ni Klayre kung bakit hindi niya magawa-gawang umamin... Na lumantad, agad-agad.

"Klayre... Umamin ka nga... Hindi naman kita ija-judge 'pag umamin ka. Malay mo... Hmm... Baka supportahan pa kita." Sabi ko sabay iwas ng titig. Namumula na naman ang pisngi ko.

I really can't face her directly. Nawawala lang ako sa katinuan 'pag nagkatitigan kami nang pang-matagalan... Basta, nawawala ang sanity ko.

"Ikaw, susuportahan mo ako?" Sarcastic niyang tanong at mabilis na tumayo.

Nakatayo siya ngayon sa harapan ko at inayos ang sarili niya. I did the same too, inayos ko din ang nagulo kong uniform. Magulong-magulo na talaga ngayon ang uniporme ko. Nakabukas na nga ang dalawang butones nito.

"Gulo mo, Aaliyah, 'no?" She added. . . Parang may double meaning na naman 'tong pagkakasabi niya.

Parati nalang may double meaning ang mga sinasabi niya! Parati lang niya akong pinapahirapan sa panghuhula! Damn it. I shook my head. Hindi ko na nga papahirapan ang sarili ko sa babaeng 'to. Ang complicated niya.

"Oh..." inabutan niya ako ng panyo.

"Para saan?" My forehead creased.

"Para diyan," Ininguso niya ang labi ko. "Basang-basa. Ang galing ko talagang mag-moisturized." Pagmamayabang pa niya.

"Klayre! Tumigil ka nga!" Hinampas ko kaagad ang balikat niya. Nakakainis 'to! Namumula na naman tuloy ako.

Tawang-tawa parang tanga. Tss.

Her kiss is really a poison... I don't know what Is really happening to me right now.

After Kissing a Girl (Varsity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon