01.
"Wait lang, teka... Masakit pa kasi ang ulo ko." Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Ella dahil walang tigil niya akong dinadaldalan. Sumasakit lang lalo ang ulo ko.
Nandito parin ang hangover sa ulo ko. As in, sumasakit-sakit. Parang tinutusok ng karayom ang utak ko. Uminom na ako kanina ng gamot para dito, pero hindi pa masyadong humupa.
"Lagot ka talaga kay Coach Phillips niyan... Gagi, bakit pa kasi uminom ka pa, ha? Aaliyah Jean!?" Nanggagalaiting suway ni Ella sa'kin, kulang nalang ay sabunutan niya ako.
Sa kaniya ko lang kasi ibinulgar 'yong patungkol sa pag-iinom ko kagabi. Walang akong sinabihang iba, sa kaniya lang talaga kasi ako may tiwala. Wala na akong balak pang sabihan ang teammates ko. Lalong-lalo na si Diana, ang team captain namin.
Bawal kasing uminom ang mga athletang katulad namin. That's one of our major rule... But last night is my exception. I am broken and dead on the inside... Wala akong ibang magawa kundi ang icomfort ang sarili ko kaya uminom ako. Naaawa nga ako sa sarili ko e.
"Kasi nagbreak na kami ni Jasper... I missed him so much, Ella." Pasinghot-singhot kong sabi, pinipigilan ko lang ang sarili kong umiyak.
Lumalaylay ang balikat niya, ang mga mata niyang nalulungkot, ngayon ay nakatitig na sa'kin. I can tell, na naaawa siya sa'kin.
"Okay lang 'yan, Iyah. You're better off without him. I'm here." Hinaplos pa ni Ella ang ulo ko. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Excuse me? What kind of drama is that?"
Sabay kaming napatingin ni Ella sa pinto kung saan nanggagaling ang boses. It was Diana Weston, our team captain. Nakataas ang kaniyang kilay habang nakapamewang. Nakatayo siya doon sa pinto ng changing room.
"Coach Philip told me that I should aleeady lock the changing room. Kanina pa kaming nandoon sa court, ano naman ang ginagawa niya ditong dalawa?" Malditang niyang pagkakatanong. Aaminin ko, na medyo nasindak ako. Hindi ko siya matitigan sa mga mata.
"Nagpalit lang, captain." Si Ella ang sumagot.
Tumayo na kami sabay at tuloy-tuloy nang lumabas dito changing room. Hindi ko pa magawang titigan si Diana sa mga mata. Nakakatakot kasi siya. Ang maldita.
"Aaliyah Perez! You're always losing your focus! Anong nangyayari sa'yo, Perez!?"
Napapikit nalang ako. Kanina pa ako sinisigawan ni coach Philip kasi hindi ako makafocus ng maayos!
Ultimo, pati ang coordination at team work ng mga kasama ko ay nasisira ko nang dahil lang sa kapalpakan ko. Ang galing nila, ako lang dito 'yong tanging sumisira sa game!
"Sorry, Coach. Akala ko kasi may kukuha na ng bola bago pa man 'yon magtouch sa ground." Pagrarason ko nalang. Nakayuko ako kasi nahihiya ako. Nasa akin na ang attensyon ng halos lahat ng mga ka-teammates ko dito. Halos ngayong beses nga lang akong pagsalitaan ni Coach Philips ng ganito. Iyong sigawan niya ako.
"May game tayo bukas, Iyah. . . Isipin mo na hindi lang 'to practice kaya dapat seryosohin mo. Isipin mo na totoong laro 'to." Nararamdaman ko, na nagpupumigil lang si Coach Philip na sigawan ako.
Aaliyah naman, please focus!
"Seriously, Aaliyah? Para kang tanga ngayon. I bet, na hanggang bukas baka ay wala ka paring maibuga." Si Diana, nakatingin siya kay Coach Phillip habang sinasabi 'yon. Pasikreto lang siyang bumulong.
![](https://img.wattpad.com/cover/291584568-288-k103885.jpg)
BINABASA MO ANG
After Kissing a Girl (Varsity Series #1)
Teen FictionVARSITY GIRLS Series (1/4) Perez X Ortega Volleyball X Softball