CHAPTER 22
"AMBER, BAGAY SAYO yang uniform mo." Anang ni Cassandra sa kanya matapos siyang magbihis ng pe uniform nila. Ngayon, pupunta sila sa gym dahil sa pe nila. They will play volleyball for the two hours.
Nahihiyang yumuko si Amber saka napakamot sa batok. " N-nakakahiya nga, e. Ang iksi kasi nung short ko, nakakahiya sa mga tao." Saad niya. Hindi kasi siya sanay na masiyadong maikli ang suot niyang pang-ibaba.
"Ano ka ba, Amber. Huwag kang mahiya. You should be confident." Saad ni Steffanie habang tinatali nito ang buhok.
Napailing nalang si Amber saka napa buntong hininga. Sana lang talaga ay hindi siya makita ni Ace sa suot niya. Siguradong pagagalitan siya nito dahil dito.
Isang buwan na din ang nakalipas mula ng magkabati sila ni Ace, nanatili itong nanliligaw sa kanya. Hindi pa niya ito sinasagot dahil may gusto pa siyang makita at patunayan nito.
For almost two months of meeting him, makilala na niya ng maigi ito. He's sweet, possessive, caring and gentle to her while on to others, he's opposite like that. Malambing ito sa kanya at lagi siyang ina-aalagaan. Siya naman ay laging kinikilig at namumula dahil sa mga bagay na ginagawa nito sa kanya.
"Tara na, Amber. Naghihintay na ang mga kasama natin dun." Anang ni Cassandra saka hinila ang isang braso niya.
Habang naglalakad sila, panay ay yuko at iwas niya sa mga taong nakatingin sa kanila. Especially boys, keep on staring at them. May ibang lalaking nakatingin sa kanila ng nakangiti, habang ang iba naman ay nakatingin sa kanila ng nakangisi. She felt so uncomfortable with them.
Panay rin ang takip niya sa legs niya gamit ang jacket na laging dala dala niya dahil naiilang siya sa mga tingin ng mga lalaking nakatingin sa hita niya. Ang iba ay may pasipol-sipol pa.
Napailing nalang siya at mas binilisan pa ang paglalakad. Hanggang sa makarating sila sa gym, nagulat siya-sila dahil sa maraming estudyante ang naroon at mukhang manood sa kanila.
" What the..." Saad niya ng makita niyang halos mapuno ang gymnasium dahil sa estudyanteng manonood sa kanila.
"Tang*na... Kinakabahan ako..." Rinig niyang wika ni Steffanie.
Siya naman ay lumapit kay Cassandra at bumulong, "bakit nandito sila? Akala ko ba tayo-tayo lang?"
Cassandra shrugged and answered, " I don't know, Amber. Gaya ni Steff, kinakabahan din ako. Sana hindi ako madapa mamaya. Nakakahiya 'yun."
Amber didn't know what to say. Instead, pumunta nalang sila sa ka-team mates nila.
"Sinong kalaban natin?" Tanong niya habang nag-susuot ng kneepad.
"Senior, section B." Sagot ng isa niyang kasamahan.
Amber looked at her confusedly, " bakit senior? Akala ko ba, kaklase lang natin ang makakalaban natin?"
Anne just shrugged, " tanong mo sa PE teacher natin, Amber. Siya ang may pakana nito."
Hindi na siya nagsalita pa at inayos nalang ang pagkakatali ng sintas ng sapatos niya. Back when she's a kid, she's always playing volleyball. Yep- may volleyball din sa lugar nila. Ang kakaiba lang ay di bola ang gamit nila kundi gawa sa isang hangin.
Sana naman ay makayanan niya ang paglalaro nito. At sana, ay manalo rin sila.
NAPALINGON SI AMBER ng may tumapik sa kanya.
" What?" Aniya
Cassandra pointed her one finger on her back. Agad siyang napatingin sa likuran niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang naglalakad si Ace sa direksiyon niya na masama ang timpla ng mukha.
BINABASA MO ANG
THE LIGHT PRINCESS MEET THE DEMON KING
RomanceSynopsis: AMBER SHAYNE HEISTEIN is the princess of light kingdom. She's sweet, caring and lovable person. Every one in the palace adores her so much because she's kind and beautiful. She's generous to everyone. She live in a happy life with her fami...