Prologue

61 2 0
                                    

"What is my next schedule?" Tanong ko sa assistant ko.

"1:00PM to 5PM po. Need niyo pong pumunta doon on time po" Ani niya sabay abot ng phone ko.

"Pwede bang i-cancel iyan?" Tanong ko ulit. Umiling siya. "Great! Wala na akong pahinga. Call my manager" Masungit kong sabi. I hate this. Kinuha agad niya ang phone niya sabay alis para makausap ang manager ko.

Napatingin ako karagatan. Nasa barko kami kung saan ay disenyong bahay ito. It's called a "dinner cruise". Ilang oras lang pahinga ko at kailangang kailangan ko talaga.

Lumabas pa ako lalo at pumunta sa pinakadulong bahagi ng barko. Sobrang ganda nang tubig pero nakakatakot. I don't know how to swim. Umusog ako nang unti. I'm afraid that something will come up at bubulaga sakin.

"Rose, anong sabi?" Tanong ko habang nakatingin sa nagtataasang puno nang buko. It's relaxing here, but the stress didn't go away.

"Ma'am, hindi daw po pwedeng i-cancel dahil ang penshoppe po ang gustong maging model po kayo" Rinig kong sabi niya.

"Meeting ba ang magaganap doon? O signing ng contract?"

"Sabay na daw po ang signing at meeting po. Kaya matatagalan po kayo" Sabi niya sabay abot sakin nang message ni manager ko.

Wala akong takas kung ang manager ko na ang nagsabi. I need to rest for awhile, but this day isn't the right day for rest. Binalik ko agad ang phone sa kanya. Buti nalang uunti ang taong nakasama namin.

I'm wearing a white cube top and matching white shorts. Kailangan ko talagang makahagap ng hangin lalo na sa katawan ko. When I'm at work, we sometimes stay in buildings and streets, which is suffocating. Binaba ko na ang salamin ko para takpan ang kulay ng paligid nang black. I'm wearing a facemask kaya hindi ako nakikilala ng mga tao dito sa barko. Wala na ako sa mood para sumaya man lang dahil may next pa akong schedule.

Huminga ako nang malalim at pinikit ang aking mga mata. I need some refreshment like this. Kinuha ko ang wireless earbuds ko para makinig. Mucis gives me comfort every time the situation is not good.

Hinawi ko ang buhok ko habang nakapikit. Sobrang bagal nang paandar sa baryo kaya okay siya at medyo safe naman. Nasa gitna na kasi ang barko at mamaya ay kakain na. Kinuha ko ang phone ko at nakitang may message ako.

Binasa ko iyon at galing kay ate Senna. She's asking me if I'm free later. Napangiti ako at nagreply. Medyo nawala ang pagod ko sa message ni ate pero andoon parin. Kakatapos lang ng isang shoot ko at natagalan dahil may isa akong kasamang sobrang arte.

I was about to click the send button when someone bumped my shoulder. Nanlaki ang mga mata ko dahil malakas ang pagkakatulak sakin. "What the hell---" sigaw ko hanggang sa dahan dahan kong naramdaman ang tubig na yumakap sa katawan ko. Nahulog ako dahil sa malakas na tulak.

Naramdaman kong unti unting lumulubog ang katawan ko.My breath is slowly fading and I can't breathe any longer. Is this my end? No, marami pa akong gustong maabot na mga pangarap. Iginalaw ko ang mga kamay ko para makatulong sa pag-ahon pero parang walang nangyayari. Please, someone help me. Hanggang bulong nalang ako. Pumipikit narin ang mga mata ko.

I'm still fighting to breathe. Unti unti nang lumalayo ang liwanag sa aking mga paningin pero may naaninagan ako. It's a shadow, and someone is diving in my direction. Nabuhayan ako nang hininga. Someone is going to save me. Hinigit agad ako nang kung sino mang taong tumulong sakin. Huminga agad ako nang malalim ng maramdaman kong nakaahon na kami. Umubo ako nang umubo habang nakapikit parin.

"Ma'am! Ma'am, okay lang po ba kayo? Malalagot ako nito kay manager" Narinig kong sabi ni Rose at kinuha ang kamay ko para makaakyat. Uminulat ko ang mga mata ko at nakahinga nang malalim ng makitang si rose lang ang andito kasama ang rescue team.

"I-I'm fine. Huwag munang sabihin kay manager ito dahil tayong dalawa ang malalagot" Sabi ko nang nakatayo na ako sa barko at binalot agad ako ni rose ng tuwalya.

Magsasalita na sana si rose pero may nakauna na sa kanya. Napatingin ako sa likuran ko at nakitang siya ang sumagip sakin. Basa ang buong katawan at pati narin ang buhok. Nasa tubig pa siya.

"Hindi ka kasi nakikinig. It's your fault kaya ka muntik nang malunod" Saad niya sabay ahon narin. What? Ako pa talaga.

"So, ikaw pala ang nakabangga sakin kanina. Hindi ko kasalanang binangga mo ako at munting ng malunod" Masungit kong sabi sabay taas ng kilay at naikutan ko siya ng mga mata ko. He's arrogant and a jerk.

Great! Nawala na ang salamin ko at pati narin ang facemask ko. I'm revealing myself in front of him. Napatingin ako sa baba at nakahinga nang malalim nang makita kong nasa edge ng barko ang phone ko. Kinuha ko iyon at binigay kay rose.

"Sinabihan kita pero hindi mo ako narinig" giit niya.

"Duh! You don't need to talk to me if you know that there's a huge space here. Malawak dito pero nakuha mo pa akong mabangga" Sabi ko habang nakatingin sa kanya. His hair is messy and wet, but he's fine. He's good looking, too.

Napatingin siya sa paligid kaya napatingin rin ako. May mga net doon kaya hindi pwedeng lusutan. Ang maaari lang daanan ay doon sa parte kung saan naroon ako. Nanlumo ako at nahihiya. Ako pa ang may ganang magsungit.

"Binangga kita kasi nasa daan ka. It's your fault, and I'm not going to say sorry, but be careful next time, miss." Sabi niya sabay alis.

Nakatingin ako sa likod niyang papaalis na. Kakakainis siya. Hindi man lang nagsorry o kahit pasensya man lang sa nangyari. What an arrogant jerk he is.

"Tignan mo siya rose. He's the type of man that I'll never want to meet with again. Muntik na akong mamatay kanina at saan kaba nagpunta?" Naiinis kong tanong.

"Katatapos ko lang pong kinausap si manager dahil tumawag ulit kaya noong pagkabalik ko ay nakita na kitang nalulunod at nakita kong sinagip ka noong lalaki pero tumawag parin ako nang rescue team" Sabi niya sabay kuha ng phone ko sa kamay ko.

Hinawi ko ang buhok na nagtatakip sa paningin ko. Nawala na sa paningin ko ang lalaki. I'm still thankful pero nawala na iyon dahil sa mga sagot niya sakin. And to my surprise, he didn't recognize me or even know me. That's a good thing because we'll never meet again.

Born to be Yours (SS #1)Where stories live. Discover now