1

13 1 0
                                    


Nasa meeting kami ngayon kasama ang manager ko. Buti nalang at nakapagpalit agad ako ng damit kanina kung hindi ay baka sinipon na ako at inubo. I'm wearing a skirt and a turtleneck jacket with a white shirt inside. Iilan lang kami dito at andito ang representative ng penshoppe.

"We would like to sign up with you, Miss Solero, to model our new clothes and be our ambassadress. You are famous in the modeling industry here in the Philippines. I hope you can collaborate with us." Nakangiting sabi ng representative. Ngumiti rin ako at tumingin sa manager ko. Nakita ko siyang nakikipagkamayan na so it means that I will accept the contract and be their model.

Nakipagkamay din ako at nagsimula ng pumirma ng kontrata. I'm a famous model, and I can't deny it. It's all over the news and social media, but here only in the Philippines. I started modeling when I was 16 years old, and I'm already 21. I want to be known worldwide and that is my dream. Natapos ang pirmahan at may picture taking session.

"Wala ba akong pahinga man lang? Katatapos ko lang tinapos ang tatlong pictorial shoot at ngayon ito bubungad sakin really?" Ani ko sabay upo. Hinilot ko ang ulo ko. I'm not complaining about the contract issue, but I'm complaining about my rest. 

"Nathalie, this is for you on your own. You want to be famous all over the world, right? This is the start. Don't worry, bibigyan kita ng pahinga mo" Saad niya sabay hilot sa noo ko.

"Make sure na last na ito dahil kailangan ng katawan ko ang pahinga. Kakatapos lang kanina pero ganito na agad. May schedule pa ba ako mamayang gabi?" Tanong ko.

"Wala na pero bukas na isa ay may photoshoot ka"

Tumango nalang ako. This is my job, so I'll do it without a little rest. I still need a rest, not for my beauty but for my body.

Kinuha ko ang phone ko at sinent kay Ate Senna iyong message kong naudlot na isent sana kanina. That jerk again. Sana hindi na kami magkita pa.

"I'll go now, honey, rest for a bit here. Marami pa akong meeting for your upcoming schedule" Bulong sakin ni Martin. He kissed my left cheek. "Don't be too stressed and don't be too annoying. It's not good, remember? Bye" Sabi niya sabay alis na. Narinig ko nalang ang pagbukas at sara ng pintuan.

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad si rose sa akin. Nagaalala ang mga mata niya. She's been working with me as an assistant since I started modeling and she's been with me for over 6 years. She knows me well. 

"I'm fine, Rose,and I'm sorry earlier. It's my fault sana ay hindi na ako masyadong lumapit sa pinakadulo ng barko. I'll promise I'll be very careful next time." Saad ko.

Tumango siya at ngumiti sakin. "Okay lang iyon ma'am basta ba ay wala kang nararamdamang kakaiba sa katawan o kahit anong sintomas ng ubo. Kasalanan ko rin dahil hindi ko na napigilan iyong lalaki kanina" Sabi niya habang kumakamot ng ulo.

"Kasama ba natin iyon sa barko kanina?"

"Opo ma'am. Kasama po siya noong may ari ng barko kanina" Sabi niya.

So, he has the nerve to dive anywhere he wants because he's close to the owner of that boat.

"How dare he? Hindi siya pwedeng magdive doon, because there was a tourist. Tinulak pa niya ako." Naiinis kong sabi. Naaalala ko na naman. Malakas ang tulak niya kanina at malaki ang katawan kumpara sa katawan ko.

Kinalma ko ang sarili ko. Inabutan ako ni Rose ng tubig at uminom agad ako. Tumunog ang phone ko at nakita kong nagtext doon si Ate Senna. She's meeting with me tonight. Napangiti ako. Napatingin ako kay Rose na nakatingin sakin.

"You can go home, Rose. I'll see you tomorrow, maybe. Uuwi muna ako dahil magkikita kami ni Ate Senna" Nakangiti kong sabi.

"Okay po ma'am. Text niyo nalang po ako kapag kailangan niyo po ako" Sabi niya. Tumango ako sa kanya at nagsimula na siyang magligpit. Sumandal muna ako sa upuan.

Pagkatapos magpaalam na si Rose sakin at ako nalang mag-isa dito sa conference room. Tahimik dito at ito ang kailangan ko. Pumikit ako para makapagpahinga. Umalis rin agad ako makalipas ang ilang minuto at umuwi sa condo ko. Huminga ako ng malalim. Sobrang dami ng nangyari at muntik na akong mamatay kanina.

Pumunta agad ako sa kwarto ko. I badly need my bed right now. I really, really do. Magkikita kami mamaya ni Ate Senna kaya kailangan kong ipakitang masaya ako dahil baka makahalata siya. I can tell because we've known each other since we were kids. She can sense it immediately.

Nakatulog na ako nang ilang minuto ng biglang tumunog ng doorbell ko. Naiinis kong ibinaon ang mukha ko dahil naudlot na naman ang pagtulog ko. Ayoko mang umalis sa pagkakahiga ay kailangan. I'm tired really.

Binuksan ko agad ang pinto at walang nakita. Lumabas ako at lumingon ako sa hallway pero walang tao. Ang condo ko kasi ay nasa pinakadulo kaya glasses nalang ang makikita sa dulo. It's the end of the hallway.

"Is someone pranking me? Talaga ba? Kasi tumatalab" Sigaw ko. Babalik na sana ako pero may nakita akong note sa pintuan ko.

The note says: "This condonium is expensive and elegant, but you are the one making it ugly. Throw away your garbage. "

What? Napatingin tingin ako sa paligid kung sino ang naglagay ng note na ito. Who the hell came from? Napatingin ako sa harapan ng condo ko at nandoon nga ang mga basura ko. Hindi naman malalang basura iyon.

Napatingin ako sa katapat kong condo. My condo number is 518 and this one is 520. Kumatok ako dahil baka siya ang naglagay ng notes. Walang nagbukas sa unang katok kaya kumatok ulit ako ng dalawang beses. Naiinip na ako. Kakatok pa sana ako kaso biglang tumunog ang phone ko. Ate Senna is calling me. Sinagot ko ang tawag.

"Yes Ate?" Sabi ko habang naglalakad na pabalik. Narinig kong bumukas ang pinto ng katapat kong condo pero huli na dahil nakapasok na ako.

"Honey, let's meet up around 9:00PM. May tinatapos pa kasi ako" Saad ni Ate. May narinig akong ingay doon at alam kong maraming tao base sa boses nila.

"It's okay Ate. Pwede naman tayong magkita sa ibang araw kung hindi kakayanin mamaya" Sabi ko.

"Are you sure? After a few years, magkikita ulit tayo"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. We've been apart from each other, and I miss her so much.

"Yes, I'm sure, just don't let yourself do overtime at work. Take care then" Ani ko. This scenario is normal for me, especially because I live my life alone when they leave me.

"I will baby, you need to rest then dahil wala ka daw pahinga sabi ni Martin"

Si Martin talaga kahit anong ganap sinasabi niya kay Ate Senna. Umiling nalang ako.

"Sunod sunod ang schedule ko Ate pero okay naman ako at kaya pa naman ng katawan ko. Sige na I'll hang up na" Sabi ko sabay baba. Hindi ko na hinayaang makapagsalita pa siya baka kasi humaba pa.

Humiga ulit ako at bumalik sa pagtulog kanina. It's too much for this day. Tomorrow we will do another scenario, and it is a tiring feeling.

Born to be Yours (SS #1)Where stories live. Discover now