6

4 1 0
                                    

Nakalimutan ko ang nangyari kanina dahil tumawag sakin si Ate Senna. Buti nalang at hindi na masyadong sumagi sa isip ko. Unang kita ko palang talaga sa kanya hindi na maganda pakiramdam ko. He's like a danger who's always chasing me. Kaya minsan may mga pangyayaring hindi maganda sakin.

I'm on my way to my condo. After that happened, I calmed myself by doing some shopping kaya marami akong napamili at nakalimutan ko iyon. Pinark ko na ang sasakyan ko at binuksan ang likuran ng sasakyan sabay kuha ng mga groceries ko. Tatagal ang mga pinamili ko dahil hindi naman ako laging kumakain at kailangang mamaintain ko ang katawan ko. Being a model is not an easy job, but it is a difficult and complicated job. 

Nakayuko ako habang naglalakad papasok sa elevator. Nakasuot parin ako ng disguise ko para hindi ako makilala. May nakita akong pares ng sapatos. Wait, these shoes are familiar. Tumingala ako at hindi nga ako nagkamali. In front of me is none other than Zion. Zion, the jerk.

"You need some help?" Narinig kong tanong niya. Tinalikuran ko na agad siya noong nakita ko palang ang pagmumukha niya.

"Hindi na kailangan dahil kaya ko at kakayanin ko. Mamaya ibang tulong pa ang gusto mong kapalit" Masungit kong sabi. Pinindot ko na ang button sa number 510 dahil doon ang line up ng number ng condo unit ko.

"Tinatanong kita kung kailangan mo ng tulong. I already said my apology earlier, but you didn't accept it. Nagkapalitan tayo ng sitwasyon sa paghingi ng tawad kanina" Ani ni Zion nakabuntot pa siya sakin.

Umikot ang mga mata ko. Kasalanan niya kung hindi niya nagawa iyon sakin baka okay na kami. Sometimes, I don't know if I can trust others more than my dad. 

"Kasalanan mo bakit kasi may alam kapang padila dila sa pisngi ko. I'm not a food to be licked, nor am I a candy." Ani ko.

Nakita ko sa reflection ang mukha niya. He's controlling himself not to laugh. Nakakainis talaga. I'm saying the truth. Para siyang ulol tignan.

"I'm sorry earlier" Saad niya. Nakatingin siya sakin at biglang tumayo nang matuwid. "And I'm sorry again this time. Your cheeks taste sweet. I'm saying what I've tasted, no more, no less."

Humarap ako sa kanya sabay hampas ng plastic na dala ko. Ako na naman talaga. Nakalimutan ko na at talagang pinaalala pa. He's teasing me, and it makes me annoyed.

"Nagsorry ka pa kung hindi naman kaaya aya ang sasabihin mo. You are really a jerk and an asshole who deserves to be in prison." Sabi ko sabay tigil ng paghampas ko ng plastic bag sa kanya. Ako rin lang napagod samin. 

"Prison? Why not because I'm guilty that I've tasted your cheek?"

"This jerk already admitted his wrongdoing. You also humiliated me."

"There's no case for that, Miss Solero" Ani niya kasabay ng pagtunog ng elevator. Nauna siyang lumabas kaya sinundan ko siya. Wait, bakit siya nandito sa floor ng unit ko. Lumabas rin ako.

"Are you stalking me? Bakit ka pa nakasunod sakin?" Tanong ko. Huminto siya sabay harap sakin. Nakapamulsa parin ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

"Nasa harapan mo ako at hindi ako nakasunod sayo. I'm not the type of stalker to stalk with"

"Far too much sarcasm. Bakit ka ba andito kung hindi moko sinusundan?" Mataray kong sabi sabay bangga sa balikat niya at nauna na. Malapit na ako sa condo ko at ilang hakbang nalang. Narinig ko siyang natawa kaya napahinto ako at sakto nasa harap na ako ng condo ko.

"Is this your condo?" Tanong niya. Hindi ako sumagot kasi obvious naman. Tumapat siya sa akin at may itinuro. Sinundan ko iyon at nakita ang unit number 520. Katapat lang ng condo ko. "This is my condo unit" Ani niya sabay lagpas sakin.

"I'm not going to assume, but this is not a coincidence. I think you look at my history and my previous details and that is why you are here. Zion, it's too bad you're pretending." Saad ko sa kanya sabay wave ng kamay at pasok sa condo ko. May fingerprint doon kaya madali akong nakapasok.

Born to be Yours (SS #1)Where stories live. Discover now