“Damond.” Teka. Kelan pa siya nandyan? Bakit hindi ko yata namalayan?
He pulled me closer and draped an arm around my shoulders. His other hand is still inside his pocket. He threw a death glare at Eiji and I saw him flinched but still managed to smile sardonically.
“Oh, Sylvestre, never thought we’d meet again.” he said in a mocking tone before he looked at me, “I’ll see you next time.”
“Look how fun it will be, it’s like hitting two birds with one stone.” he murmured as he walked away.
Hindi maganda ang kutob ko dito. May binabalak siyang hindi maganda. Ako na lang talaga ang natitirang maganda sa kwentong ‘to. Charot.
“Stay away from him.” seryosong sabi ni Damond.
Kahit hindi naman niya sabihin ay lalayuan ko talaga yung lalaking yun. Hindi maganda ang kutob ko sakanya. Para siyang may binabalak na masama. Sa dami ng pwede niyang pagtripan, ako pa talaga ang napili niya. Gusto yata niya makatikim ng sapak, eh.
“Bakit pala ngayon ka lang pumasok?” tanong ko habang naglalakad kami pabalik ng room.
“Nagpapa-miss lang. Effective ba?” he laughed.
“Effective your face.” inirapan ko siya.
“Nagpapa-cute ka na naman sa’kin.” nilakihan niya lang kaunti ang hakbang niya at naabutan niya kaagad ako. Bakit ba kasi ang haba ng legs ng lalaking ‘to? Luging lugi ako.
“Ang kapal mo. FYI, matagal na ‘kong cute. Umalis ka nga diyan. Naaalibadbaran ako sa’yo.”
“Ikaw? Cute? Hahaha. Ang galing mo mag-joke. Ang sakit sa tiyan.” sarcastic na sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng suntok. “Pakiulit nga yung sinabi mo.”
“I said you are CUTE.” hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi at kinurot, “Ang cute cute mo. Hindi pa nga magaling yung blackeye ko balak mo na naman dagdagan.”
Talagang makakatikim ulit siya ng blackeye sa’kin kapag hindi siya umayos. Himala nga hindi na niya ko sinisigawan kapag inaaway ko siya. Bagong buhay na yata talaga siya. O baka naman bumalik na sa impyerno yung kaluluwa niya at ibang kaluluwa na ang nasa katawan niya. Katakot.
“Boss!” bigla akong inakbayan ni Drew at pasimpleng hinila palayo ng kaunti kay Damond.
“Oh, akala ko kasama ka nila Renzo?”
“Oo nga. Pinapasundo ka lang ng manliligaw mo.” he winked.
“Ngek. May klase pa, noh. Lagot na naman ako kapag nag cutting na naman ako.”
“Akong bahala sa’yo, Boss. Tiwala lang. Tara na?”
“Ah, eh.” tinignan ko muna si Damond na mukhang walang pakialam. Patuloy lang ito sa paglalakad at diretso lang ang tingin.
“Sige.” sagot ko. Tinignan ko ulit si Damond na deadma pa rin. Nakakabaliw talaga ‘tong lalaking ‘to. Bigla bigla na lang hindi namamansin. Bahala nga siya. Hmp.
Sumama ako kay Drew pero hindi niya ko dinala sa studio. Sa isang mall kami pumunta.
“Anong gagawin natin dito?”
“Basta.” hinila niya ‘ko papunta sa may events centre kung saan maraming tao na mukhang may inaabangan. Inginuso ni Drew ang stage at nakita ko ang Never Heard.
“Calling the attention of Miss Ashtyn Gertrude Sandford.” sabi ni Renzo sa mic habang nakatingin sa’kin. Nagtinginan din ang ibang tao sa’kin. Nagtago tuloy ako bigla sa likod ni Drew. Shy type ako, eh.
“Wala lang. Gusto ko lang sabihin ang pangalan mo sa harap ng maraming tao.” he laughed. “Sanay na akong magperform on-stage, pero ngayon hindi ko ma-explain yung kaba na nararamdaman ko. Hooh!”
“Drew, anong nangyayari?” tanong ko kay Drew na nakangiti lang.
“Relax. Basta manuod ka na lang.”
Ginawa ko ang sinabi niya pero wala pa rin akong maintindihan sa mga nangyayari dahil iba ang laman ng isip ko ngayon. Bwisit kasi yung demonyong yun. Ano ba kasi talaga ang problema niya? Kanina lang okay kami tapos bigla na lang siyang hindi namansin. Haay! Pakialam ko ba kung ayaw niya ko pansinin? Hindi ko naman ikamamatay yun.
Tinignan ko ang cellphone ko. Tignan niyo kahit text man lang wala. Asa naman siya na ako ang mauuna magtext sa kanya. At saka bakit ko ba siya iniisip? Malala na yata ang kabaliwan ko.
“Boss, tawag ka.” siniko ako ni Drew. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nasa akin ang atensyon ng ibang tao at kinakawayan ako ni Renzo mula sa stage. Bigla akong nagblush at hindi ako nakagalaw. Hinila na tuloy ako ni Drew papunta sa stage.
“Palaging may nagtatanong sa’kin kung may girlfriend na ‘ko o kung may nililigawan. Ang sabi nila swerte raw yung babaeng mamahalin ko dahil pogi ako. Totoo naman, pogi ako. Mahirap yun ideny dahil kitang kita naman ang ebidensya.” tumawa siya pati na rin yung mga nanunood.
“Gusto ko lang po ipakita sa inyong lahat kung gaano kaganda ‘tong babaeng mahal ko. Lilinawin ko lang po, hindi siya swerte dahil mahal ko siya. Kundi, swerte ako dahil siya ang babaeng minahal ko. Na sa dami ng babae sa mundo, sa kanya nahulog ang loob ko.” hinawakan niya ang kamay ko at itinaas. Tinakpan ko ang kilikili ko dahil basa. Joke.
“So, Girls, sorry pero taken na ang gwapong nasa harapan niyo.” he winked saka niya ko hinila pababa ng stage at tumakbo.
“Teka, bakit tayo tumatakbo?” tanong ko.
“Siguradong dudumugin tayo ng press at ayokong sagutin ang mga tanong nila na paulit ulit.” tumawa ulit siya at mas binilisan pa ang takbo hanggang sa makarating kami sa parking lot.
“Sakay.”
“Saan tayo pupunta?”
“Sa bahay namin.”
“Bahay niyo?”
“Oo. Matagal na kasi akong kinukulit ni Mommy na dalhin ka sa bahay.”
Pagdating namin sa bahay nila ay isang batang babae na naka Tinker Bell outfit ang sumalubong sa’min. May suot pa itong pakpak. Ang cute.
“Kuya!” nagpakarga ito kaagad kay Renzo at saka kumaway sa’kin.
“Hi! My name is Roan Joice Lorenzo. You can call me Roice. What’s your name?” ang cute cute niya. Feeling ko isa siyang manika na nagsasalita.
“I’m Ate Gerry.”
“Oh.” she gasped. “Ikaw po yung crush ni Kuya!”
“”Huh?” Ano ba yan? Pati ba kapatid niya alam na nililigawan niya ‘ko? Nakakahiya.
“Ikaw talaga, ang bata bata mo pa may pacrush crush ka nang nalalaman.” sabi ni Renzo sa kapatid.
“Sabi po kasi ni Mommy may crush ka na daw. Magpapakasal na po kayo?” she giggled.
Muntik na ko masamid sa sarili kong laway. Lokong bata ‘to. Kasal agad? Hindi ko pa nga sinasagot ang kuya niya. Bakit nga ba di ko pa sagutin e crush ko naman ‘tong nilalang na ‘to. Tumingin ako kay Renzo pero biglag nagregister ang mukha ni Damond. Napailing ako. Waah! Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng kapangitan niya? Bakit ba ayaw niya kong tantanan? Ipinikit ko ang mga mata ko at pagdilat ko ay si Renzo na ulit ang nakikita ko. Nakahinga ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Demon ✓
Teen FictionDamond what? Sylvetre? As in Damond Sylvestre? That demon?