[MSD-26]

1.4K 36 7
                                    

Sa wakas ay binitawan niya rin ang kamay ko pagtapat namin sa room. Nauna siyang pumasok.

“Boss, bakit hindi mo kasama si Renzo? Akala ko sinundan ka niya.” Tanong ni Travis na nagkakamot ng batok.

“Ha? Hindi ko siya nakita.”

“Baka nalihis na naman ng landas yung gagong ‘yon. Hayaan mo na.” Travis

Tumango na lang ako at umupo sa upuan ko. I felt awkward. Ni hindi ko matignan si Damond at wala akong gana magpasaway. Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ‘yong kundisyon niya. Papayag ba ko alang alang kay mommy para makasama niya si Dio? Haay. Napabuntong hininga ako.

Hangang matapos ang klase ay iyon lang ang laman ng isip ko. Hindi ko rin napansin na hindi nap ala bumalik ng classroom si Renzo. Ano kaya nangyari doon?

“Oy Renzo, saan ka galing?” tanong ni Mark.

Napalingon ako sa kanila.

“Infirmary.”

“Anong nangyari sa kamay mo?” Drew

Hindi siya sumagot at dumiretso siya sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat. Huminga siya ng malalim at tinitigan ako sa mga mata bago siya nagsalita.

“Can I court you?” he shook his head. “No, scratch that. I will court you.” He declared and my jaw dropped.

“Weew!”

“Binata na si Renzo!”

“Pakasal na yan!”

Sigawan ng mga kaklase namin. Ako naman ay natulala. Liligawan niya ko? As in, liligawan ako ni Roby Edric Lorenzo? Ang man of my dreams? My ultimate crush?

“Binyagan na yan!” sigaw ni Travis at binatukan siya ni Mark.

“Gago!” Mark

Nakatitig pa rin sa mga mata ko si Renzo at halos hindi ko na marinig ang mga asaran sa paligid namin. Liligawan niya talaga ako? Pero bakit ganoon? Hindi ko magawang magsaya? Di ba dapat kinikilig na ko ngayon? Yung tipong halos maihi na ko salawal sa sobrang kilig. Kaso hindi ko maramdaman.

‘You’re mine.’

Muli na namang nag-echo yung sinabi ni Damond at automatic akong napalingon sa paligid para tignan kung nandito siya. I sighed. Ano ba talagang nangyayari sa’yo Gerry?

“Hatid na kita sa inyo.” Renzo

I absentmindedly nodded my head. Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagbitbit noon hanggang sa parking lot. Wala pa rin ako sa sarili hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi ko na siya inalok na pumasok sa loob at dumiretso na ko sa loob ng bahay pagkatapos ko mag thank you sa kanya.

Nababaliw ka na talaga Gerry. Gusto mo ba dalhin na kita sa mental? Tanong ni Konsing na nakasuot pa ng straight jacket. Yung totoo? Takas ba sa mental ‘tong konsensya ko?

Anong gagawin ko? Papayag ba ko sa kundisyon ni Damond para makasama namin si Dio? Pero paano yan eh liligawan daw ako ni Renzo. Hindi ba ko magmumukhang two timer noon? Wag ko na lang kaya payagan manligaw si Renzo?

Hindi pwede yan. Ibalik mo nalang sa impyerno si Damond tapos happily ever after na kayo ni Papa Renzo. Oh diba, masaya. Sabi ni Konsing na nagbabasa naman ngayon ng manga. Infairness lang, sagana sa props si Konsing.

“Anak!” excited na tawag sa’kin ni mommy. Nagulat pa ako dahil bigla siyang pumasok sa kwarto ko at napabangon ako ng di oras.

“Mmy?”

My Sweetest Demon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon