[MSD-8]

2.5K 48 0
                                    

My Sweetest Demon 8:

“Excuse me.” Inis kong sabi sa lalaking nakaharang dito sa pinto ng classroom. Epal masyado. Sino siya? Sino pa nga ba epal sa kwentong to? Alam niyo na yun.

“Huh?” sagot niya. Anong meron? Para siyang nakakita ng multo.

“Dadaan ako.” Sabi ko.

Para naman siyang nataranta. Nakakatawa reaction niya, but I find it cute ^_^. Cute? No! I find it funny. Yan. Better.

“Nagtxt sakin kuya mo. Hatid daw kita mamaya pa-uwi. Di ka daw niya masusundo, may lakad daw siya.” Yan ang bungad sakin ni Renzo. Bakit hindi sakin nagtxt si Kuya? So, close na talaga sila agad? E kahapon lang kaya sila nagkakilala.

“Naku wag na. maglalakad nalang ako. Malapit lang naman bahay namin.” Nakakahiya kasi kung ihahatid pa niya ko.

“Nahiya ka pa. Pag nagpapalibre ka sa’kin di ka nahihiya.” Natatawa niyang sabi. Well, totoo naman di ako nahihiya magpa-libre sa kanya. Makapal nga kasi mukha ko in real life. Haha

“Aray!” bigla kasing dumaan sa pagitan naming si Damond. At parang sinasadya niyang banggain ako.

“Tarantado ka a!” galit na sabi ni Renzo. Namalayan ko nalang nasa sahig na si Damond.

Ang bilis ng pang-yayari. Nakatayo naman agad si Damond at bumawi ng suntok. Help! Di ko alam kung pano ko sila aawatin.

Wala akong choice.

Umalis ako saglit.

Pagbalik ko may dala na kong pop-corn. Humanap ako ng pwesto kung saan maganda ang view. Potek.

Syempre joke lang. Ano ako gago? Syempre inawat ko sila.

Buti nga nag-paawat e. Pareho silang may dugo sa may labi.

“Renzo, let’s go. Ihatid mo na ko.” Sabi ko at saka ko siya hinila palayo kay Damond.

*

“Ouch! Dahan dahan naman. Masakit.” Reklamo ni Renzo habang ginagamot ko sugat niya. Nandito kami sa bahay.

“sino kasi nagsabing patulan mo yung taong yun.”

“Ang yabang e.” sagot niya. Medyo napapapikit siya pag dinadampian ko ng bulak yung sugat niya.

“Yan kasi. Wag ka kasi manapak agad.” Sabi ko sakanya. Feeling ko tuloy kasalanan ko to. Pero hindi. Kasalanan to ng Damond na yun. Masyado siyang epal.

“Salamat a.” sabi ni Renzo. Bakit siya nagpapasalamat e ako naman yung dahilan kung bakit siya nasaktan.

“Bakit?” curious kong tanong.

“…sa pag-gamot sa sugat ko.” Nakangiti niyang sabi.

Kinikilig ako. Nag-smile na naman siya sa’kin.

“Kamatis! Haha” tumatawang sabi niya.

“Huh? Aanhin mo yung kamatis?” naguguluhan kong tanong. Gamot bas a sugat ang kamatis? Sa tingin niyo?

“Yang mukha mo parang kamatis.” Sagot niya habang nagpipigil ng tawa.

“A..ako? Di… di a.” sabi ko sabay talikod. Nakakahiya! Promise!

Maya-maya ay nagsalita ulit siya.

“I like your smile, and the way you make me smile.” Nagulat ako sa narinig ko. Galing Renzo yung mga salitang yon.

Lumingon ako at nakita ko siyang naka-yuko. Bigla siyang tumingin sa’kin at ngumiti. Syet. Kotang kota na ko sa ngiti niya. Panaginip lang ba to? Pakisampal nga ako 10 times.

“Ah may nag-GM. Napalakas ba pagbasa ko?” inangat niya ang phone niya na kanina niya pa pala hawak.

Alam mo yung feeling na para kang binuhusan ng malamig na tubig na may kasamang yelo? Ganun yung pakiramadam. Sakit e.

Akala ko pa naman para talaga sa’kin yung mga salitang yon. Yun pala GM lang. Letsugas naman o. Sino ba kasi naka-imbento ng GM na yan? Dumadami tuloy ang assumerang tulad ko. T_T

“Takaw, una na ko. Magpahinga ka na. Salamat ulit sa pag-gamot sa sugat ko.” Paalam niya.

Ngumiti lang ako. Siguro napansin niya na biglang nagging awkward ang paligid.

Sinamahan ko siya hanggang sa gate naming. At gaya kagabi, kiniss niya ulit ako sa cheeks.

“Masanay ka na. it’s just a friendly kiss. See you tomorrow.”sabi niya tapos umalis na siya. Di niya na ko hinintay magsalita.

It’s just a friendly kiss.

Tama. Just a friendly kiss. A friendly kiss. Paulit-ulit?! Friendly kiss nga lang kasi. Wag kang shunga Gerry. T_T

Ngayon alam ko na friends lang talaga kami. Pwede ko naman siya mahalin secretly diba? Uso naman yun ngayon e. Friend zone! Malay niyo ma-develop din.

*

Naglalakad ako ngayon papunta sa school. Malapit nga lang diba. Ayoko magpahatid kay kuya ngayon. Trip maglakad, maaga pa naman e.

“Stop following!” napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na yon.

Nakita ko si Damond may kasamang babae. Maganda siya, mukhang sosyal. Pero kung ipagtabuyan niya parang aso.

“I wont. I like you Damond.” Sabi nung babae. Sorry chismosa lang talaga ko minsan kaya binagalan ko pa mag-lakad para marinig ko sila. Hihi

“Get lost!” sabi niya. Hard.

“But your mom wants us to be together.” Sagot nung babae.

“I will never like you. Not even in my nightmares.” Grabe ang sama niya naman dun sa babae.

“Because you never like someone.” Sagot ulit nung girl.

“That’s what you think.” Nag-iba yung tono ng boses niya.

Di na ko naka-tingin sa kanila para di halata na nakikinig ako. Pero bigla nalang may humila sa’kin tapos hinalikan ako. O_O

~_~ Anak ng.. Ganto ba talaga ka-kissable ang lips ko para may manghalik sakin bigla?

“She’s the one that I like. Now you may leave.”

Nang maka-recover ako, saka ko lang na-realize kung sino yung humalik sa’kin. Actually sa baba ng lips niya ko hinalikan, hindi dun sa lips talaga. Wait! Hinalikan niya ulit ako?! Aba! Namimihasa na tong lalaking to a. At anong sinabi niya dun sa babaeng yon?!

“Hoy! Bakit mo ko hinalikan?! At anong sinabi mo?! Gusto mo ko?! Eew!” kumukulo ang dugo ko.

Di niya ko pinansin at tumalikod na siya.

“Hoy! Kinaka-usap pa kita.”

Huminto siya at humarap sa’kin.

“Stop stalking me.” Sabi niya at tuluyan ng umalis.

“Fuck off! I’m not stalking you bastard!” sigaw ko. Kapal ng mukha! Ako pa talaga stalker? Wow ha! Ganda kong to stalker? Di na uy!

My Sweetest Demon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon