I smiled my sweetest smile as I ran after him and held his hand which surprised him. He looked at me questioningly for a second before his expression changed and squeezed my hand. He flashed an evil smile. And I literally had goosebumps.
"Let's get inside." I suggested. Masyadong mainit dito sa labas dahil alas tres pa lang ng hapon. Ayokong matusta ang balat ko nang hindi man lang naeenjoy ang asul na dagat na yan.
"Hoy, ibaba mo 'ko." Napatili ako nang bigla niya akong buhatin na parang bagong kasal pagtapat namin sa pinto. And I had to remind myself na kailangan kong sakyan ang trip ng demonyong 'to if I really want him to fall for me.
Kaya mo yan, Gerry! I mentally cheered myself.
Ilang beses akong napamura sa isip ko bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na tignan ang nilalang na may buhat sa'kin. Shit. Bakit ba ang gwapo nito? Kaiyak! Dumadagundong ang tibok ng puso ko nang itaas ko ang kamay ko para haplusin ang makinis niyang mukha. Geez! Kailan pa ako natutong purihin ang lalaking 'to?
I should have negative thoughts about him. Pero bakit puro na lang positive ang pumapasok sa utak ko? Delikado ata ako. Mukhang hindi pa man siya nagsisimula ay nahuhulog na agad ako. No! Hindi pwede! Wala sa to do list ko ang ma-inlove kay Damond Sylvestre. But you did 2 years ago. My mind retorted and I harshly shook my head. I never did!
"Para tayong bagong kasal." I stated as I blushed. Nag-iwas ako kaagad ng tingin. That comment was meant to make him think that I am enjoying his little game. But why am I reacting this way?
"Then consider this as our honeymoon, My Wife." he chuckled.
Hindi ko alam kung bakit pero para akong kiniliti sa sinabi niya. My god! This is insane. Galit dapat ako sa kanya for cheating on me two years ago. Pero ano 'to? Bakit parang nakalimutan ko na ang nangyaring yun?
"Then are we supposed to have sex?" I asked directly. Because that's what honeymooners do. Simula nang tumira ako sa States ay ganito na ako mag-isip. What can I do? I was surrounded by liberated people. But that doesn't mean na naging pakawala akong babae sa US. I have big respect for my self. And I will really kill him if he tries to get on my pants.
Biglang kumunot ang noo niya at ibinaba niya ako sa couch. "Is that what you learn in US?" galit na tanong niya. At parang gusto niya akong sapakin sa tindi ng tingin niya sa'kin. Bakit di na lang kami magsapakan kung iyon naman pala ang gusto niya. Tsk!
"Yeah." I replied nonchalantly.
He sighed deeply and clenched his fists. Tumingin siya sa malayo bago humarap ulit sa'kin. A sad smile was pasted on his handsome face. I frowned.
"Seriously, anong gagawin natin dito, Damond? Bakit hindi na lang tayo bumalik ng Manila kung gusto mo lang naman mag-usap tayo."
"Because I want to be alone with you." he answered as he bowed his head to avoid my gaze.
"Why?"
"Because I want to. Do you really need an explanation?" iritadong tanong niya.
"Yes." sagot ko na nakataas ang isang kilay habang nakikipag sukatan ng tingin sa kanya. Akala ko pa naman nagbago na siya pero mabilis pa rin pala siya mairita. Well, some things never change.
He creased his brows and sighed exasperatedly. He massaged his temple while his other hand was on his waist.
"I did this because I missed you." nagsimula siyang magsalita at unang pangungusap pa lang ay nahulog na agad ang puso ko. Paanong namiss niya ako eh wala naman kaming ginawa noon kundi ang mag-away? Siguro iyon ang na-miss niya. Pero aminin ko man at hindi ay namimiss ko din ang mga sandaling yun. It became a part of my daily life. Hindi kumpleto ang araw ko na hindi kami nagaaway na dalawa.
"Hindi na ako kuntento sa pagsunod lang sa'yo at pagtanaw sa malayo. I always wanted to talk to you and hold your hand. But I can't. Because I thought that's what you need. You needed some space. Ayokong mas paguluhin pa ang isip mo."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"I was also in Vegas. I stayed there for two years so I can still see you. And it's really frustrating to watch you from afar."
Hindi ako nakapagsalita at natulala na lang sa kanya. Ginawa niya yun? Kaya ba feeling ko dati ay palaging may nakasunod sa'kin kahit saan ako magpunta?
"Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. I really don't know what was going on with me. I don't believe in love. But since you came into my life, everything changed."
Confession of the century na ba ito? Or is it just a part of his I-can-make-you-love-me-in-three-days scheme? Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala.
"Bakit mo sinasabi sa'kin yan?"
"You asked for it."
Kahit ako ay natangahan sa sarili kong tanong. Oo nga pala. I wanted an explanation kung bakit kailangan namin mag-stay dito. At hindi iyon ang gusto kong marinig mula sa kanya. Dahil bwisit, naapektuhan ako sa sinabi niya.
"Okay." sagot ko saka ako tumayo. "By the way, kailangan mo akong ibili ng damit dahil wala akong susuotin." sabi ko nang magkatapat na kaming dalawa. Gusto ko na rin kasing maligo dahil nanlalagkit na ako pero wala akong dalang damit. Bwisit kasi 'tong demonyong 'to. Di man lang ako sinabihan edi sana nagdala ako ng swimsuit nang maenjoy ko naman yung beach.
Nandito na rin lang ako, might as well enjoy it. Diba?
"Already did. It's in your room." itinuro niya sa'kin kung alin ang gagamitin kong kwarto at pumasok ako kaagad dun.
Sinalubong ako ng preskong hangin dahil nakabukas ang malaking bintana. It has a perfect view of the sea. At may puno ng niyog sa tabi kaya hindi direktang tumatama ang sikat ng araw sa loob.
I enjoyed it for a while before I decided to check the paperbags above the bed. May ilang piraso ng shorts, tshirts, at sleeveless shirts. Sa isang paperbag naman ay may mga underwear na sakto sa size ko. Namula ang pisngi ko dahil dun. Ibinili niya ako ng underwear! For pete's sake. Nakakahiya!
"Aba't! Hoy, para sabihin ko sa'yo sexy ako!"
Tinaasan niya 'ko ng kilay at bumaba ang tingin niya sa boobs ko. Napatakip tuloy ako dito ng di oras. Bigla siyang tumawa ng malakas.
"Ang sexy malaki ang boobs." sabi niya sabay tingin ulit sa dibdib ko.
Malalaman ba ang size ng babae sa pamamagitan lang ng pagtingin? Jusko! I shook my head. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil alaalang yun. Manyak siya!
"Where's my phone?" tanong ko sa sarili ko nang maisipan kong kunin ang phone ko sa bag para itext si Mommy. Sa pagkakaalam ko ay inilagay ko yun dito sa bag ko kanina. Itinaktak ko ang laman ng bag ko at wala nga ang phone ko.
Di kaya naiwan ko sa kotse ni Damond? Dali dali akong lumabas ng kwarto para bumalik sa sasakyan nang makasalubong ko si Damond.
"Where are you going?" nagtatakang tanong niya.
"I think I left my phone in your car." sagot ko at nilagpasan siya. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita na siya.
"I have your phone. No phone for three days, Sweetheart."
"What?!" I looked at him in disbelief. Hindi pwede! Paano ko itetext si Mommy kung wala akong phone?!
"I told you, it will be just the two of us alone for three days." he smirked. "Don't worry, I already informed your Mom."
Kainis! Akala ko okay lang na magstay dito since I have my phone na pwede kong paglibangan kaysa kausapin siya. Pero hindi pala, because he took my phone! Ano na lang ang gagawin ko dito? Makikipagtitigan sa kanya magdamag? God! What am I gonna do?
BINABASA MO ANG
My Sweetest Demon ✓
Teen FictionDamond what? Sylvetre? As in Damond Sylvestre? That demon?