So, it's official. Kami na. As in we're now in a relationship and this time ay wala nang pilitan na naganap. Hindi tulad noong una na siya lang naman ang may pauso na kami na raw.
"What took you so long?" reklamo niya pagkababa ko ng hagdan. Ang aga aga sinusumpong na naman 'to ng menopause. Inirapan ko siya saka nilagpasan para dumiretso sa kusina.
"Ang aga aga ang sungit sungit."sabi ko sa sarili ko habang kumukuha ng tubig na maiinom. Bigla bigla na lang kasing sumusulpot dito sa bahay. Porket alam na nila mommy na kami na ay feeling niya pwede na siyang sumulpot dito kahit anong oras niya gusto.
Haller! Alas otso pa lang kaya ng umaga at dapat ay mahimbing pa akong natutulog ngayon. Kahit mahigit isang buwan na ako dito sa Pilipinas ay hindi pa rin talaga ako completely nakakapag-adjust sa time difference.
"Won't you even say good morning?"tignan mo, talagang sumunod pa siya sa kusina. Akala mo naman bahay niya 'to.
"Why are you ignoring me?"tanong niya ulit nang lagpasan ko ulit siya para bumalik sa living room at magbukas ng TV.
"Baby"kulit niya. Kinuha niya yung remote at pinatay yung TV.
"What?"inis na tanong ko. Baby your face! Sino ba naman kasing matutuwa eh tinulugan niya ako kagabi habang magkausap kami sa phone tapos ngayon biglang susulpot dito ng napaka-aga. Palibhasa hindi siya napuyat. Ako lang talaga ang napupuyat sa relasyong 'to.
"Come on, tell me, what is it this time?" sa tono ng boses niya ay alam kong malapit na siyang saniban ng pagiging menopausal niya pero hindi ko ulit siya pinansin.
"Gertrude"
"Wag mo 'kong kausapin."inirapan ko siya saka binuksan ulit ang TV. Natahimik naman siya bigla.
Tignan mo tong lalaking 'to, nakakainis talaga kahit kailan. Hindi man lang ba niya ako susuyuin? Kitang nagtatampo pa rin ako oh!
Padabog akong tumayo para layasan siya. Nakakainis! Pupunta punta dito tapos di naman pala ako susuyuin. Badtrip!
"Bitawan mo nga ako!"sigaw ko nang hawakan niya ako sa braso para pigilan.
"Galit ako sa'yo tapos hindi mo man lang ako susuyuin."gusto kong umiyak. For the first time ay parang gusto ko siyang sakalin dahil hindi man lang siya mag-effort para mawala yung inis ko.
"Sorry."bigla niya akong niyakap kaya natigilan ako, "Sabi mo kasi 'wag kitang kausapin that's why I stopped bothering you, I'm sorry for whatever I did. I'm so stupid."hinalikan niya ako sa noo.
Bigla na naman nanlambot ang tuhod ko sa ginawa niya. Lalo tuloy akong nahuhulog sa mga paganyan ganyan niya.
"Pizza?" tanong niya.
Sino ba naman ako para tumanggi kapag may nag-alok ng pizza? Haay! Napanguso na lang ako saka tumango.
"Bati na tayo?"he asked, nakayakap pa rin siya sa'kin at parang wala siyang balak na pakawalan ako hangga't hindi ko sinasabing bati na kami.
"Oo na."and with that okay na naman kami. Actually, routine na talaga namin yung ganito. Magaaway per hindi maghihiwalay. Char.
Imbes na magpadeliver ay inaya ko na lang siya na kumain sa malapit na mall. Nababagot na rin kasi ako sa bahay. Pero habang papunta kami ay may tumawag sa kanya.
"Ven?" he answered as soon as he saw Samantha's name on the screen. Napairap ako.
"Mond.." garalgal ang boses niya na parang umiiyak. Nakaloud speaker siya dahil nagdadrive si Damond.
"What's wrong? What happened?" nagaalalang tanong ni Damond.
"I'm at the police station. Will you please come?"
BINABASA MO ANG
My Sweetest Demon ✓
Teen FictionDamond what? Sylvetre? As in Damond Sylvestre? That demon?