Everything happened too fast. Bago pa ako makagalaw ay bumagsak na ang ahas sa harapan ko. Lord, dito na po ba magwawakas ang lahat? Matapos ang lahat ng pinagdaanan ko sa tuklaw lang po ba ng ahas magtatapos ang kwentong 'to?
Paano na ang bukas? Ni hindi pa nga ako nagkakaroon ng matinong love life tapos biglang ganito?
Wala akong choice kundi ang makipagtitigan sa ahas na nasa harapan ko, nagaabang kung kailan niya balak umatake. Nagdadalawang isip pa ata siya kung karapat dapat ba akong tuklawin o hindi.
"Hindi ako masarap, di ka mageenjoy sakin. Maputla ang dugo ko." kinakabahang bulong ko.
Nasaan na ba kasi ako? Nasaan na ba sila? Hindi ba nila ako hahanapin? Hindi pa ba tapos ang moment nila? Napapa-antanda tuloy ako ng di oras.
"Ano na bes? Magtititigan na lang ba tayo?" naisip kong umatras ng dahan dahan pero biglang umabante ang lintik na ahas. Ayaw niya talaga ko paalisin. Waah!
"Gerry!"
Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko at nagulat na lang ako nang maramdaman ko na parang may karayom na tumusok sa binti ko. Tinuklaw ako ni bes!
Yang mga ahas talaga na yan kung kelan ka nakatalikod saka ka tutuklawin. Mga bwisit sa buhay.
"Help!" yun lang ang nasabi ko bago ako natumba. Bigla akong nanghina. Agad namang tumakbo palapit sakin si Damond.
"What's wrong?" he asked.
"Natuklaw ako ng ahas." mangiyak ngiyak na sagot ko. Ikaw kaya matuklaw ng ahas ewan lang kung di ka maiyak.
"What?!" naglabas siya ng panyo mula sa kanyang bulsa at mahigpit na tinali sa itaas na bahagi ng binti ko kung saan ako natuklaw.
"What are you doing?" bigla akong nagpanic nang lumuhod siya at sinipsip yung natuklaw ng ahas.
"I'm trying to suck the venom." sagot niya matapos dumura kahit wala naman dugo.
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo?"
"This is how they do it in the movies." he answered seriously and continued what he was doing.
At tuluyan na kong nawalan ng malay.
--
"Hey, I said you have nothing to worry. Relax!"
"Relax? How can you be so sure that there's nothing to worry about when she's still not waking up."
"Come on, Mond! Does it look like a snake bite to you? It's a bee sting."
"Bee stings can be dangerous too, you know"
"Just trust me. Will you?"
"Fine!"
Naramdaman ko ang paggalaw ng kutson na hihigaan ko nang may umupo dito. Unti unti kong minulat ang mata ko and as I expected mukha ni Damond ang una kong nakita.
ACtually, kanina ko pa sila naririnig na nag-uusap. And I'm relieved na hindi pala ako nakagat ng ahas na nakita ko kanina. Akala ko talaga ay last day ko na sa Earth.
"See! I told you she was just shocked that's why she collapsed."naiiling na sabi nung babaeng kasama ni Damond kanina. Ano na nga ang pangalan niya?
"By the way, I haven't formally introduced myself." lumapit siya sa kama at inilahad ang kamay, "My name's Samantha Venice, we've met at Ate Meg's wedding and I don't know if you still remember I was with Damond the day you broke up."
Nanlaki ang mata ko. Siya yung babaeng kasama ni Damond nung araw na yun!
"Ven!"saway ni Damond
"What? Did I say something wrong? Ako naman talaga ang kasama mo that day" singhal niya kay Damond bago kusang hinawakan ang kamay ko para makipag shake hands.
"Did you know he --"
"Will you please get out?"iritadong utos ni Damond. "Stop being nosy, Ven!"
"Whatever! Iyakin."nag make face siya bago lumabas, "Just call me if you need anything. I'll be your doctor for today."pahabol niya. Tumango na lang ako bago niya isinara ang pinto.
"How do you feel? Masakit pa ba?" nagaalalang tanong niya habang nakatingin sa binti ko na may nakapatong na ice pack. Umiling ako. May kaunting kirot akong nararamdaman pero hindi na ganoon kasakit. Gawa siguro ng ice pack.
"Thank God marunong si Venice sa first aid."tumayo siya para icheck yung parte ng binti ko na natatakpan ng ice pack.
"Who is she?"tanong ko kaya natigilan siya at napatingin siya sa'kin.
"What do you mean?"
"Who is she to you?"seryosong tanong ko. Hanggang ngayon ay hindi ko malilimutan ang pangalang binanggit ng Mama niya noong nakaharap ko ito. Samantha ang pangalan ng babaeng pakakasalan niya ayon sa kanyang mama.
"She's.."he paused, parang iniisip niya pa kung ano ang isasagot sa tanong ko.
"Well, she's practically my only friend since childhood. Or should I say my bestfriend."he continued while smiling gently.
"Are you sure she's not your fiance or anything?"
"Wha-What? Fiance? Who told you?"
"Your mom." Walang ganang sagot ko.
"Mom?"
"Yeah. Remember nung sinama mo ako sa bahay niyo tapos tinulugan mo lang ako? I met her." napairap ako pero kitang kita ko ang pagkuyom niya sa kanyang kamao.
"You know what, ano pang ginagawa natin dito if you are already engaged? Why are you still trying to make up? Ganyan ka na ba kasama? Ano gusto mo lang ba akong paasahin para saktan? Gusto mo lang bang makaganti sakin?"
What's the point? Bakit kailangan pa namin mag usap eh totoo naman pala na may pakakasalan siyang iba? I mean, bakit ka pa papasok sa isang relationship kung hindi naman pala yun ang patutunguhan? Ano to laro laro lang?
Hindi siya makasagot at nanatiling nakatingin sakin na parang may gustong sabihin pero hindi maibuka ang bibig.
"Lumabas ka na muna. Magaayos lang ako then sasabay na ako kila kuya pabalik ng Manila." I said coldly and with that lumabas siya ng kwarto nang hindi man lang nagsasalita.
"Let's not make things more complicated." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa pintong nilabasan niya.
Yes. This is the right thing to do. Tigilan na natin to. I don't want to get involved with someone who's already engaged.
Pero bakit ganoon? Bakit the more I think about it the more I realize that something inside of me is aching? Bakit parang ayaw ko na engaged siya sa iba? Bakit parang gusto ko na sana ako na lang?
Bakit tumulo ang luha ko the moment I decided to end this?
-
Hello! After so many years since the last update eto na naman ako. Tiwala lang matatapos ko rin 'to. Fighting!
Andyan pa ba kayo? Hehe.
Keep safe everyone!
BINABASA MO ANG
My Sweetest Demon ✓
Teen FictionDamond what? Sylvetre? As in Damond Sylvestre? That demon?