"Hey! Let me go!." I hissed while trying to pull my hand from his grip. Bwisit 'to! Hanggang ngayon ay ang galing pa rin niyang mangaladkad. Hmp!
"No. Never." itinulak niya ko papasok sa ferrari niya at saka siya umikot para sumakay din. Napairap na lang ako sa kawalan habang dinadalangin na sana ay madapa siya, na hindi naman nangyari. Sayang.
"Seatbelt." utos niya na hindi ko pinansin. Bumabalik lang lahat ng nararamdaman ko sa kanya dati. Kainis! Yung feeling na naaasar ako sa kanya pero hinahanap hanap ko siya. Bwisit yung ganung feeling, eh.
"You'll wear your seatbelt or I'll do it for you?" inis na tanong niya. Aba't siya pa talaga ang may ganang mainis? Ako nga 'tong kinaladkad niya papunta dito.
Nakasimangot kong kinabit ang seatbelt ko. Kahit naman naiinis ako sa kasama ko at ayaw ko siyang sundin, kailangan ko pa ring isipin ang kaligtasan ko. Sayang ang ganda ko kung matitigok lang ako dahil hindi ako nagsuot ng seatbelt.
"Akala ko ba maguusap lang tayo? Bakit kailangan ko pang sumakay sa kotse mo?" inis na tanong ko.
"Because I deserve an explanation about what the hell happened between us. And I believe this is not the right place for that." sagot niya saka pinaandar ang sasakyan.
I thought he was going to take me to their masion but I was surprised when we stopped at a supermarket. Seriously? Gusto niyang mag-usap kami tapos sa public place niya 'ko dinala? At supermarket pa! Iba rin talaga ang trip nito sa buhay.
Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ako kumilos at tinignan lang siya. Ayokong bumaba! Hindi kami bati!
"Bibili lang tayo ng pagkain. Baka magutom ka sa daan." he explained and offered his hand.
"Bumili ka mag-isa." I retorted. Hindi ba siya makabili ng pagkain mag-isa? At saka gaano ba kalayo ang pupuntahan namin at kailangan pa niya akong bilhan ng pagkain dahil baka magutom ako sa daan?
"I'm not leaving you here, Gerry. I won't let you get away this time." he replied in a serious tone.
Napairap na lang ako at tinabig ang kamay niya saka bumaba. Akala ba niya ay tatakasan ko siya? Kung alam niya lang, gusto ko rin siyang makausap. I wanna settle everything between us. Kahit kasi alam kong nakipagbreak ako sa kanya bago ako umalis, alam ko din na hindi iyon magandang closure.
"Get whatever you want." sabi niya habang naglilibot kami sa supermarket. Siya ang nagtutulak ng cart. Alangan namang ako, sayang ang ganda ko.
Kumuha ako ng malaking cheetos at inilagay sa cart. Hindi ko maiwasang tignan siya habang kumukuha din siya ng snacks. Gosh! Bakit feeling ko mag-asawa kami na namimili ng grocery para sa bahay namin? Shocks! Nababaliw na naman yata ako.
Basta na lang ako dumampot ng kung anong chichiria para mawala sa isip ko yung nakakadiring idea na yun. Kaloka! Binilisan ko din ang paglalakad at wala siyang nagawa kundi ang sumunod lang sa'kin. Dumiretso ako sa may mga drinks at kumuha ng beer. Isa sa mga natutunan ko sa States ay ang uminom ng alak.
"Not this one." sabi niya at ibinalik ang kinuha kong beer.
Tinignan ko siya ng masama. "You said I can get anything I want." I hissed.
"Yeah. But I'm not letting you drink an alcoholic beverage." kumuha siya ng softdrinks at inilagay iyon sa cart. Hindi na lang ako nagreklamo. Siya naman ang magbabayad nun, eh.
Matapos niyang bayaran ang pinamili namin na mukhang one month grocery supplies, dahil sa kagagawan ko at basta lang ako hablot ng pagkain. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa'kin. Muntik na akong matulala sa gwapo niyang mukha.
"Bumabait ka yata." hindi ko mapigilang sabihin habang nagddrive siya. Kunot noo siyang tumingin sa'kin at ibinalik din naman agad ang tingin sa daan.
Hindi naman kasi siya ganito dati. Panay siya nakasigaw dati at parang may matinding galit sa sanlibutan. Samantalang ngayon, hindi pa niya 'ko nasisigawan tapos hinayaan niya akong kunin lahat ng pagkain na gusto ko kahit abutin kami ng isang oras sa loob ng supermarket. Kung yung dating Damond ang kasama ko, malamang wala pang sampung minuto ay kinaladkad na 'ko nun palabas. Ang haba pa naman ng pasensya niya.
"Nagtext ako kanina kay Ate na mawawala tayo ng tatlong araw. She said, she'll let you brother know that you're with me."
Halos mabulunan ako dahil sa sinabi niya. "Tatlong araw?!"
Tumango siya. Teka, hindi ko yata inexpect yun. Tatlong araw kaming mawawala? Shit. Feeling ko dejavu ito. Tatawag na ba ako ng pulis at sasabihing kinidnap ako ng isang gwapong nilalang na nagngangalang Damond Sylvestre?
"Stop this car. Bababa ako." seryosong sabi ko. Akala ko ba maguusap lang kami? Bakit kailangan naming magsama sa loob ng tatlong araw? Gaano ba kahaba ang dapat naming pag-usapan? Kainis naman, oh!
Hindi niya pinansin ang reklamo ko at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Binabawi ko na yung sinabi ko na bumabait siya. Waah! Anong binabalak niyang gawin sa'kin? Hindi pa 'ko handa! Hindi namin yun pwedeng gawin hangga't hindi pa kami kasal.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Napuyat kasi ako kakaisip sa kung anong pwedeng mangyari kapag nagkita kami ni Damond. Pero hindi ko naman inakala na kidnapping pala ang magaganap. Akala ko pa naman ay magdadrama siya sa harapan ko. Which is, alam kong imposible.
"We're here." sabi niya pagmulat ko ng mga mata.
Iginala ko ang paningin ko para tignan kung nasaang lupalop kami ng daigdig. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang napakagandang view ng kulay asul na dagat.
"Nasaan tayo?"
"In our rest house." sagot niya. Saka ko lang napansin na iba na ang suot niyang damit. Nakasuot na siya ng kulay black na boardshorts at sky blue na v-neck shirt. May nakasabit ding shades sa damit niya. For short, ang cool niya tignan.
Gaano katagal na ba akong tulog? Kanina pa ba kami dito at nakapag-palit na siya ng damit? Hindi man lang niya 'ko ginising. Kainis!
"Kanina pa ba tayo dito?" I asked.
"About an hour."
Sumimangot lang ako at saka bumaba ng sasakyan para lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko kinakaya ang taglay niyang kagwapuhan. Gosh! Baka mag hyperventilate ako ng di oras.
"Are you hungry?" tanong niya habang pinagmamasdan ako sa ginagawa kong pagiinat. Nangawit ang katawan ko sa pwesto ko kanina.
"No. Didiretsahin na kita, Damond, simulan mo na kung ano man yung gusto mong pag-usapan natin. Cause frankly, I don't want to stay here with you." diretsang sabi ko.
"I know. But let me tell you this, Gerry. You don't have any other choice but to stay here with me as long as I want to." he said and smirked.
Saka ko lang narealize. Walang ibang tao dito maliban sa'ming dalawa. At wala rin akong nakikitang sasakyan bukod sa kotse niya. At sa tingin ko ay malayo ito sa kabihasnan.
"Oh, yeah. you can go home." he paused, "That's if you want to walk 600 kilometers from here to the main road." he said nonchalantly.
Biglang uminit ang ulo ko. Argh! This demon!
"I hate you!" I berated as I clenched my fists. Ginagalit niya talaga 'ko. Argh!
"And I can make you love me in three days. Trust me." I heard him say in a very determined voice.
Automatic na tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Hinahamon ba niya 'ko? Puwes, hindi ko siya uurungan. Let's see who will fall first. Sisiguraduhin kong bago pa man ako mahulog ng tuluyan sa'yo ay naroon ka na sa baba para saluhin ako. You will love me in less than three days, Damond Sylvestre. Mark my word.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Demon ✓
Teen FictionDamond what? Sylvetre? As in Damond Sylvestre? That demon?