[MSD-32]

1.1K 34 7
                                    

"Bakit tayo nandito?"

Bakit kami nandito sa bahay nila? OMG! Di kaya may binabalak siyang masama sa'kin? Nauna siyang bumaba at binuksan ang pinto sa may side ko.

"Wala kang balak bumaba?" he asked rudely.

Kumapit ako ng mahigpit sa upuan at umiling. "Ayoko. Hindi kita hahayaang gawin ang binabalak mo." I said adamantly and vehemently shook my head.

"What the hell are you talking about?" iritadong tanong niya.

"Rapist ka!" I accused.

"What?! I told you hindi ka kahalay halay kaya hindi kita pagtatangkaan." naiiling na sabi niya saka niya ako nilayasan. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na yung malinaw. Di baleng masabihang hindi kahalay halay kesa mahalay.

"Hoy, anong gagawin natin?" tanong ko habang hinahabol ko siya.

"Matutulog ako. Umuwi ka sainyo kung gusto mo." he answered.

"Ano?! Isinama mo ako dito para lang sabihin na umuwi ako? Napaka mo talaga!"

"Tsk!" huminto siya sa paglalakad saka lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako. Hindi na ako nagulat sa ginawa niya dahil normal ito sa kanya. Hobby niya talaga ang kaladkarin ako. Pero lilinawin ko lang, hindi ako kaladkaring babae.

"Good morning, Young Master, Young Lady." bati sa'min ng mga maid nila sa nakalinya sa may entrance ng mansion nila. Now, I'm curious, hindi kaya sila umaalis diyan? Ganyan lang ba ang trabaho nila? Ang abangan ang pagdating ng mga amo nila para batiin?

As expected, Damond ignored them.

"Good morning po." I greeted them back politely. Lalong binilisan ni Damond ang paglalakad kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na ngitian sila.

Pumasok kami sa isang kwarto na napakalaki at napakalinis. Sa tingin ko ay kwarto niya ito. Binitawan niya na rin ang kamay ko at umupo sa kama. Naiwan akong nakatanga.

"Oh my! Death Note!" I excitedly picked up the notebook resting above his table. Kamukha ito ng notebook sa anime na Death Note. Gosh! Favorite ko pa naman yun. Tapos crush na crush ko si L. Dati nga pangarap ko magkaroon ng boyfriend na kagaya niya. Kaso ngayon, kapag tinitignan ko si Damond, naiisip ko gumuho na ang mga pangarap ko.

"Don't touch anything." he warned. Bigla niya itong inagaw sa'kin at inilagay sa ilalim ng unan niya.

"Ang damot. Patingin lang. Fan ka rin ng Death Note?" tanong ko.

"No." deny niya.

"Weh? Bakit meron ka nun?"

"Ang dami mong tanong." iritadong sabi niya.

Iginala ko pa ang paningin ko sa paligid ng kanyang kwarto. And I saw more proof that he is a Death Note fan. May mga anime figures siya ng lahat ng Death Note characters. Napangiti ako.

"Hindi pala fan, ah." bulong ko.

Pagtingin ko sa kanya ay nakapikit siya at mukhang tulog na. Ang bilis naman nito makatulog? Di kaya nagtutulog tulugan lang 'to? Lumapit ako para alamin kung totoong tulog siya o nagtutulog tulugan lang. Umupo ako sa gilid ng kama niya at tinitigan ang mukha niya.

Gwapo ka talaga sana kaso ang sama ng ugali mo. Di ko tuloy alam kung swerte ba ako dahil ganito kagwapo ang boyfriend ko o malas dahil masama ang ugali niya. Siguro both.

"Quit staring." he muttered sleepily.

Napatayo ako bigla sabay layo habang namumula ang mga pisngi. Bakit ko ba kasi siya tinitigan? Tsk. Tsk. Baka isipin niya nagugwapuhan ako sa kanya. Excuse me lang. Hindi niya pwedeng malaman. Mamamatay muna ako bago niya malaman na nagugwapuhan ako sa kanya!

Wala akong mapapala sa kwarto niya. Masyadong organized ang mga gamit, daig pa ang babae. Wala man lang ako makitang kalat ni isa. Pero sabagay, maarte nga pala ang nilalang na 'to kaya malamang allergic to sa dumi.

Nang mapansin ko na mahimbing na ang tulog niya ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto niya. Itetext ko na lang siya mamaya kapag nakauwi na 'ko para hindi siya mag-alala. As if naman na mag-alala siya sa'kin, noh? Kahit yata masubsob pa 'ko sa harapan niya ay hindi siya magaalala at baka sabihan pa niya akong tanga.

"Who are you?"

Natigilan ako sa pagsara ng pinto nang may nagsalita sa likuran ko. Dahan dahan akong humarap na bahagyang nakayuko.

"What are you doing in my son's room?" dagdag niya.

Parang nagbunjee jump bigla ang puso ko palabas ng rib cage ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang babae na seryosong nakatingin sa'kin. Ito ang Mommy niya?

Magsasalita sana ako pero inunahan niya na naman ako.

"Miss Linda."

"Who is this girl?" tanong niya nang makalapit sa'min si Miss Linda.

Feeling ko ay nasa hotseat ako. Kinakabahan ako at parang gusto ko na lang umiyak at tawagin si Mommy. Waah! Bakit ganito ang aura ng Mommy ni Damond? Parang alam ko na kung kanino siya nagmana.

"Madam, siya po ang girlfriend ni Young Master." sagot ni Miss Linda at ngumiti sa'kin.

"Girlfriend?" nagtatakang tanong nito. In fairness din sa Mommy niya mahinahon magsalita pero iba yung dating. Nakakatakot.

"I thought he is dating Samantha?" she added.

Samantha? Sino naman yun? May iba siyang dinedate? Teka! Ang kapal din pala talaga ng mukha ng lalaking 'yon! Ang lakas ng loob niyang gawin akong girlfriend tapos may dinedate pala siyang iba? Walanghiya siya!

"Madam, hindi ko po nakikitang magkasama sina Young Master at Miss Samantha." sagot ni Miss Linda.

"Is that so? Okay, I'll let him date whoever he wants."

Pakiramdam ko ay nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya. Akala ko kasi siya yung tipo ng Nanay na kokontra sa relasyon ng anak niya. Akala ko siya na yung kontrabida sa kwento namin ni Damond, buti na lang.

"In the end he's gonna marry Samantha, anyway." sabi niya saka niya ako iniwang nakatulala.

Ikakasal siya dun sa Samantha na sinasabi ng nanay niya? Bakit ganun yung pakiramdam? Ang sakit. Teka. Nasasaktan ako? Gosh! Hindi dapat ako masaktan. Hindi ko naman siya mahal diba? Siya lang ang may gusto sa'kin. At saka hindi naman seryoso 'tong relasyon namin. Hindi dapat ako maapektuhan. Wala naman akong karapatan na makialam sa buhay niya kung sino man ang gusto niyang pakasalan. Hindi naman ako umaasa na balang araw ay pakakasalan niya rin ako. Ano ba yan? High school pa lang ako pero iyon na kaagad ang iniisip ko. Malala na 'to.

"Miss Gerry, ipapahatid na kita sa driver." sabi ni Miss Linda bago pa ako makalabas ng mansion. Tumango na lang ako. Hindi dapat tinatanggihan ang libre.

Pinagalitan ako ni Mommy pagdating ko sa bahay. Nalaman niya kasi na hindi na naman ako pumasok. As usal, labas pasok lang sa tenga ko ang mga sermon niya. Bukod kasi sa sanay na ako ay hindi rin maalis sa isip ko yung sinabi ng Mommy ni Damond kanina. Ni hindi man lang ako nagkaroon ng chance na makapagsalita.

"Nakikinig ka ba sa'kin?"

"Po?"

"Haay! Tumataas ang blood pressure ko sa'yong bata ka. Kababae mong tao." napahawak si Mommy sa batok niya at umupo sa sofa.

"Ashtyn Gertrude, I'm giving you one week."

One week? Nagtataka ko siyang tinignan. Anong one week ang sinasabi ni Mommy?

"Please, Gerry. Kahit one week lang na hindi ka gumawa ng kalokohan, masaya na 'ko. Pero kung hindi mo magagawa, I'm sorry, ipadadala kita sa lola mo." mahinang sabi niya na parang suko na talaga siya sa'kin.

One week lang naman pala, eh. Kaya ko yun. Ako pa ba? Ang bait ko kayang bata. Hindi naman siguro ako magkakasakit kung magpapaka bait talaga ako sa loob ng isang linggo diba?

My Sweetest Demon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon