[MSD-43]

157 7 3
                                    

Maybe giving him a chance is one of the best decisions I ever made.

"Kanina ka pa pangiti ngiti dyan mag-isa. Nababaliw ka na ba?" tanong niya at inabot sa'kin ang hawak niyang bulaklak ng sampaguita. Binili niya ito sa isang bata na naglalako sa kalsada.

"Ang sweet naman. May pabulaklak si mayor." natatawang sabi ko habang inaamoy yung sampaguita, and as usual inirapan niya lang ako. Mas mataray pa talaga sa'kin tong lalaking to.

"Nasaan tayo?" tanong ko nang huminto kami sa tapat ng isang malaking gate.

Yumuko siya ng kaunti at itinuro ang nakasulat sa itaas.

Angel's Home Orphanage

Orphanage? Anong ginagawa namin dito? Balak ba niya mag-ampon? O gusto niya akong ipaampon dito? Bumusina siya at may isang babaeng nagbukas ng gate.

"Young master" bati nito at tinanguan lamang siya ni Damond.

Nang makapasok kami ay nakita ko kaagad ang mga batang naglalaro sa bakuran. Mayroong mga naglalaro ng bola at mayroon ding mga naglalaro ng chinese garter. Napatingin ako sakanya na nakangiti habang nakatingin sa mga bata.

"This is one of the foundations that our company is supporting. I often visit this place since I was a kid." nagtanggal siya ng seatbelt saka lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto.

"Kuya Damond!" narinig kong sigaw ng mga bata na naguunahan sa pagtakbo papunta sa amin.

Napangiti ako. I never thought he's popular with kids. Isa isang nakipag-high five sa kanya ang mga bata at mababakas sa mga ngiti nila ang excitement nang makita si Damond.

Who would have thought na ang masungit na kagaya niya ay pumupunta sa ganitong lugar? Na sa kabila ng kanyang cold and dark aura ay mayroon pala siyang ganitong side.

"Kids, may ipapakilala ako sainyo." bigla niya akong inakbayan, "This is Ate Gerry, my girlfriend" he added proudly.

"Yes! May girlfriend na si Kuya!"sabi ng isang bata at nakipag-apir ulit sa kanya na parang magtropa.

"Sabi sa'yo marunong manligaw si Kuya Damond, eh!"tinapik pa nito ang batang katabi na tila proud na proud siya na may girlfriend ang Kuya Damond nila. Ano ba 'tong mga batang 'to alam na agad yang ligaw ligaw na yan. Iba na talaga ang panahon ngayon.

"Girlfriend ka dyan." bulong ko at siniko siya ng palihim. Tinawanan niya lang ako at naglakad kasabay ng mga bata na kanina pa nag-aabang sa kanya.

"Kuya Damond, laro ulit tayo. " aya ng mga bata sa kanya at pinasahan siya ng bola.

"Okay ka lang ba dyan? Pagbibigyan ko muna yung mga bata."paalam niya at tumango ako.

Akala ko ay kay Dio lang siya mabait dahil pamangkin niya ito pero hindi pala, sadya palang mabait at malapit siya sa mga bata. Malayo sa image niya dati sa school. Sabagay, sabi nga nila Don't judge the book by its cover.

"Ate, laro tayo ng ten twenty." may isang batang babae na lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko para ayain ako makipag-laro.

--

Matapos kaming makipaglaro sa mga bata ay pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay ampunan dahil oras na para sa kanilang pagbabasa ng libro. Hindi ko alam na mayroon palang mga baon na babasahin si Damond sa likod ng sasakyan niya. Isa pala sa mga dahilan kung bakit excited ang mga bata na makita siya ay dahil bukod sa pakikipaglaro ay palagi rin siyang may dalang mga libro at tinuturuan niya ang mga ito.

"Alam mo napakabait na bata niyang si Damond. May pagkasuplado lang siya paminsan pero pagdating sa mga bata ay talagang napaka-bait niya. Kaya naman noong magtungo siya sa Estados Unidos upang mag-aral ay talagang hinahanap hanap siya ng mga bata." sabi ng isang madre na tumabi sa'kin habang pinagmamasdan namin si Damond na busy sa pagtuturo sa mga bata.

"Hindi ko po inexpect na mayroon po siyang ganitong side. Napaka-sungit po kasi niya sa'kin, palaging nakasigaw tapos napaka-moody, daig pa ang babae."nakagat ko ang labi ko. Tama ba na sabihin ko 'to kay sister? Nako Gerry!

"I mean, mabait naman po siya minsan."bawi ko. Napangiti lang siya.

"Ngayon lang siya nagsama ng babae dito." sabi ni sister ng nakangiti, "Ngayon ko lang din nakita na ganyan siya kasigla."

Habang nagsasalita si sister ay napalingon sa amin si Damond saka ngumiti.

"At ngayon ko lang nakita ang ganyan katamis niyang mga ngiti."dagdag pa niya.

Napangiti rin ako. Ako din po sister, ngayon ko lang din nakita yang ngiti niyang yan. Parang may anghel na sumanib sa kanya at nakalimutan niyang ipinaglihi siya sa sama ng loob. Parang wala siyang bahid ng kasungitan.

At sa mga ngiti niyang yan lalong nahuhulog ang loob ko. Parang ang sarap sarap niya lalong mahalin.

Ha? Tama ba 'tong naiisip ko? Nababaliw ka na naman Gerry.

"Hija, maari ba akong humingi ng pabor saiyo?"

"Ano po iyon, sister?"

"Maari bang alagaan mo siya? Ang mga ngiting tulad niyan ay hindi na dapat pakawalan pa. He deserves to be happy."

Napatingin ako kay sister at nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa mga sinasabi niya habang nakatingin pa rin kay Damond.

"I want to be the reason for that smile. I want to be the reason for his happiness. I want to be deserving for that happiness."wala sa sariling sagot ko.

"Do you love him?"

Napaisip ako. Is this love? Kapag ba masaya ako kapag nakikita siyang masaya ay mahal ko na? Kahit madalas kaming mag-away ay hinahanap ko pa rin ang presensya niya. Kahit pilit kong itanggi sa sarili ko na gusto ko siya, isang tawag niya lang sa pangalan ko ay halos mapatalon ang puso ko sa tuwa. Sa tuwing lumalapit siya pakiramdam ko ay tumitigil sa pag-ikot ang mundo ko. I think it's about time na aminin ko sarili ko kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman.

Muli ko siyang pinagmasdan bago pumikit at pinakinggan ang sinisigaw ng puso ko.

"Yes. I love him."nakangiting sagot ko bago magmulat ng mga mata.

Napaatras ako nang bumulaga sa akin ang gwapo niyang mukha na may bahid ng pagkabigla.

"You what?" tanong niya.

Teka. Kailan pa siya nakalapit sa'min? Pumikit lang ako tapos pagmulat andyan na siya sa harapan ko.

"You love who?" tanong ulit niya na nakakunot na ang noo. Umayos siya ng tayo at nagcross arms.

"Wa-wala." tanggi ko. As if naman aminin ko sa kanya na mahal ko siya. Ngayon ko nga lang natanggap na mahal ko na pala talaga siya tapos aamin ako agad sakanya? Ang usapan sa sarili ko lang ako aamin. Hmp.

Bigla naman siyang yumuko ulit para magkapantay kami.

"One."nakangisi siya at inilapit ang mukha sa akin.

"A-ano?"jusko! Eto na naman. Bigla na naman akong kinabahan. Bakit ka ba ganyan Damond?

"Answer me. Two." mas inilapit pa niya ang kanyang mukha at halos hindi na ako makahinga. Hindi na rin ako makagalaw, para akong naestatwa. Parang any moment ay sasabog ang puso ko.

"Thr--"

"Oo na! Mahal na kita. Masaya ka na?"sigaw ko na nagpatigil sa kanya sa lalong paglapit ng kanyang mukha. Lintik ka Damond Sylvestre. Bakit ka ganyan?

Nang makabawi sa bahagyang pagkabigla ay ngumiti siya at..

"Three."he said then I felt his lips over mine.

"I love you too."

--

Okay. So, target kong matapos ito within this quarantine period. Kaya ko ba? SANA. Ngayon lang ulit ako ginanahan magsulat. Dahil sa suporta ninyo ay naiinspire ako. Thank you readers! Stay safe!

My Sweetest Demon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon